Chapter 23 (Agree or Not?)

25 1 0
                                    

Chingu's ^_^ Vote po and Comment please? Btw, HAPPY BIRTHDAY SA PINAKAMAGANDA PARA SA AKIN SA BALAT NG LUPAIN NA ITO. MAMA KO ILOVEYOU Jan 13, 2016
----------------------

Gillian's POV

Nagising ako dahil sa babaeng talon ng talon sa kama ko. Sino pa ba edi si Crissel!
"Ano ba ke-aga aga nanggugulo ka?!" Sabi ko sa kanya "Eh kasi naman ate Gillian tinext ako ni Ezekiel na ihatid ko daw sya sa School nya dahil pagkakaguluhan na naman daw sya! Ikaw kasi napakagwapo ng anak mo yan tuloy! Sabi nito sa akin at bumaba na sa kama ko. Si Crissel lang ang kasama ko sa mga araw na buntis ako at sya rin ang kasama ko sa pagpapalaki sa mga anak ko, at sya din ang kasama namin dito sa bahay pero di ko alam kung saan sya natulog kagabi.

Bumangon na ko at nakita ko si Ezekiela na nakaharap sa salamin. "Goodmorning mom!" Bati nito sakin na hindi lumilingon.

"Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko dito at inayos ang likod ng Uniform niya.
"Yup! Si Ezekiel ang nagluto!" Sabi nya kaya napangiti ako.

"Asan ang kapatid mo?" Sabi ko at pumunta ng kusina para tignan kung ano ang nakahandang pagkain. "Nandon sa kwarto nya mommy!" Sagot niya pero ng sabihin nya yun ay bumaba si Ezekiel.

"Good morning mommy!" Sabi ni Ezekiel at kiniss ako sa noo.
"Oh anak, anong oras na ha di pa ba kayo late" Sabi ko dito habang kumakain ng hotdog.

"Actually malapit na kaya Goodbye mommy ingat ka ha?!" Sabi ni Ezekiel at pumunta na palabas.

"Tita Crissel!!!" Eto nalang ang narinig kong sigaw ni Ezekiel at naiwan na akong mag-isa sa bahay. Tinignan ko ang phone ko at tinignan kung may Schedule ako ngayon at meron nga, may photoshoot ako mamayang 10pm at PTA Meeting nila Ezekiela.

V's POV

Nandito na kami sa BigHit Ent. at may sasabihin daw si PDnim kaya maaga kaming pumunta dito.

Nagkakakulitan lang kami dito habang naghihintay. Biglang dumating si Manager

"Okay Boys! Good news~" Agad na bungad ni Manager samin. Kaya lahat kami ay napangiti sa kanya.

"Dahil sa laki ng ratings nyo sa bago nyong album~ Magkakaroon kayo ng part 2 ng The Red Bullet!" Sabi ni Manager kaya naghiyawan kaming lahat.

"At matutupad na ang hiling ng mga ARMY sa......?" Sabi ni manager at kaming lahat ay naghihintay ng sunod na sasabihin nya.

"Philippines!" Sabi nya kaya nagtalunan kaming lahat! "Kaya kailangan nating paghandaan ito dahil hindi lang 2 o 3 araw kayo magStay doon, kundi matagal dahil marami kayong projects na gagawin doon." Sabi ni PDnim kaya mas lalo kaming naghiyawan.

Napaupo ako saglit dahil may biglang pumasok sa isip ko. "Oh okay ka lang ba?" Tanong ni Suga sakin at sumunod na ang ibang members.

"Sa tingin nyo makikita ko sya doon?" Tanong ko sa kanila habang nakasimangot ako. "Para sakin hindi, kasi Hyung ilang taon na din pumunta na tayo sa iba't ibang bansa pero wala talaga!" Sabi ni Jimin sakin kaya mas lalo akong nalungkot.

"O kaya pag nagkita kayo baka may asawa at anak na yon, masasaktan ka lang!" Sabi naman ni Jin. Pero sana naman wala.

"Siguro nga wala ng pag-asa pero para na lang sa ARMY mas ibibigay ko yung Best ko!" Sabi ko at ngumiti ng malaki.

"BTS Fighting!!" Sigaw namin lahat at inumpisahan ang pagpapractice.
-

Kasalukuyan na kami ngayon na nasa Dorm para magpahinga. Nakita ko naman si Jin na nagluluto sa kusina kaya pinuntahan ko ito. "Hyung! Anong niluluto mo?" Tanong ko dito at tinignan ang ginagawa nito.

I Love You (SPG!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon