Chapter 8: The Battles

439 22 2
                                    

This chapter is dedicated to @ChOcBiTsW
(A/N: ung nasa multimedia po ay yung mga jewelries na binigay ng mama ni Belle sakanya, its a ring and a necklace.

Belle's POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto upang magbihis na... :)

Tapos na kasi akong maligo at kumain ng umagahan...

Tapos ko nang isuot ang aking uniform at ilalagay ko na ang aking kwintas ng mapatitig ako dito...

Ang kwintas na bigay ni mama.... bulong ko sa sarili ko..

*Flashback*

*Sa kwarto ni Belle*

Habang hinahalungkat ko ung bag ko para hanapin ang enrolment form ay may nakita akong papel.

Ito na siguro ung enrolment form..

Binuklat ko agad ung papel na nakita ko sa loob ng dala kong bag.

Pero laking gulat ko ng iba ang makita ko... as in nagulat ako at di ko alam... basa na pala ang mga pisngi ko, dahil sa luha...

Isa itong sulat galing kay mama... isang liham ng pamamaalam... posible kayang alam niya na ang mangyayari kaya pinaghandaan na niya ito? dahil alam niyang masasawi siya?

Hindi ko nanaman napigilan ang umiyak ng dahil sa nangyari sa aking mama....

Habang akoy lumuluha pa din ay binasa ko na ang munting sulat na iniwan sa akin ni mama...

Dear Belle,
Anak, siguro sa oras na mabasa mo tong liham kong ito ay wala na ako..

Anak.... sana magpakabait ka... wag ka sanang maging pasaway dahil alam mo na... lapitin ka pa naman ng disgrasya... Sana mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko sayo...

Belle anak, may ipagtatapat ako sayo.... nawa'y maintindihan mo kung dito ko na lamang sa sulat masasabi ang sikreto tungkol sa pagkatao mo. Hindi ko kasi kaya na sabihin ito sayo ng personal... Hindi talaga tayo magkadugo Belle, pero sa maniwala kat sa hindi ay tinuring na kitang tunay na anak....

Natapuan kita noon sa Heaven Land noong akoy nakatira pa doon... May nagiwan sayo sa tapat ng aking tahanan, ikaw ay aking inampon at nagpasyang pumunta sa mundo ng mga tao upang ikaw ay doon na alagaan at buhayin sa normal na mundo.

Sana ngayong alam mo na ang totoo ay mapatawad mo si mama sa pagtatago sayo ng sikreto na konektado sa buhay mo.. sana ngayon wala na ako ay ipagpatuloy mo padin ang buhay mo at hanapin ang mga tunay mongmga magulang...

Nakadikit lang sa liham kong iyo ang isang kwintas at singsing na pwede mong magamit sa iyong paglalakbay... nagsaliksik ako patungkol sa mga alahas na iyan at ayon sa aking pagsasaliksik ay kaya kang protektahan ng mga iyan...

Sana ay pangalagaan mo iyan at wag iwala... laging mong isunot ano mang oras.

Hanggang dito na lang ang aking liham mahal na anak ko... lagi mong tandaan na nasa tabi mo lang ako palagi at nakamasid saiyo. Lagi mong isaisip na mahal na mahal ka ni mama.

Sky Academy: Battle Between Love and BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon