Chapter 5

121 6 0
                                    

CHAPTER 5

Carissa's Pov:

Nakasibangot ako habang kumakain, sino ba naman kase nag masisiyahan kung iba ang niluto sa pinaluto mo, asan ang steak ko!!!!

Nag luto lang siya ng hatdog at longganisa, asan ang hustisya!! Asan!!

"Wag kang sumibangot sa hapag carissa masama yan" ngumuso ako habang naka tingin kay daddy na busy kumakain pano niya nakita? May third eye siya?

Dumating sila kaninang madaling ataw isang oras lang ang tulog ko!! Oo isang oras!! Waaaa baka maka tulog ako sa klase! Ang aga naman kase bumisita ni daddy eh

Nagdala rin sila ng mga gamit ko, pinapalayas naba ako?

Mas sumibangot ako nang maalala yung sinabi nila na isang gabi lang ako pero yung damit na binigay sakin pang isang bwan galing din nila eh noe

Kumain nalang ako ng kumain baka pumayat ako at gumaan, sayang yung pagkain ko ng apat na beses sa sampong oras, tas yung 14 hours na natitira tatlong beses, oo para hindi ako pumayat

Nagusap sina tita daddy at jax pero hindi koyun naintindihan dahil about business nanaman, hanggang sa napunta kay.....Carmela ang usapan, sino yun?

"I think she's making a move again" ani ni daddy pero hindi ako nagpahalata na nakikinig

"Hon dibat kailangan na ni cc na malaman ang totoo" tanong ni tita na nagpatigil sakin, ramdam ko ang pagtingin nilang lahat sakin, ano ba! Stohhpp

"C—" hindi kona pinatapos si daddy at tumayo

"Papasok na po ako" aniya ko at tumakbo papunta sa kwarto, ayoko marinig nag sasabihin nila siguradong ipapaalala nanaman nila sakin yung carmela, sino ba kase yon!

Ipapatingin nanaman ako sa psychiatrist ayoko natatakot ako. Napatingin ako sa palad ko na may marka ng hiwa, san galing to?

Napa iling iling nalang ako bago pumasok at kinuha ang binili ni tita na bag at bagong gamit ko, ayan tuloy wala akong notes pano ako mag rereview niyan?

Napabuntong hininga nalang ako bago kunin yun at lumabas, naabutan ko si jax don na nag aabang, ngumiti ako at lumapit sa kaniya

"Ihahatid mo ako" masayang salubong ko sa kaniya

"Si max mag hahatid sayo, may pupuntahan kase ako, wag ka muna uuwi sa mansion dito ka muna dumeretso, nagsama narin ako ng nga men in black para bantayan ka sa labas ng school" sabi niya kaya napa nguso ako

Ayoko ng may bantay"ayoko" sabi ko at tinalikuran siya

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga habang sumusunod saakin"look cc kaylangan para hindi maulit yung insedente sa mansion" natigil naman ako dahil don, ayoko non!

Pero mas ayoko ng banta"ayoko ng bantay, pakiramdam ko kase bantay sarado lahat ng galaw ko pag ganon" sagot ko naman

Hindi kona siya narinig na nagsalita pa, nang maka rating kami sa sala nakita ko don si pinsan na busy kakatype sa cellphone niya ayan nanaman mga ka text mate niya, nag aabang naman si tita at daddy sa pinto kaya tumungo ako don at humalik sa pisngi nilang dalawa saka ko hinila si pinsan palabas

Teka... Ang gand apala dito waa!!!!! Magkakakapit bahay na mansion!!!

"Hoii pinsan sino nanaman yan" tanong ko kay klara dahil diniya ako pinapansin

"Teka pinsan ka text ko si ion" sagot niya saka inagaw ang kamay, napanguso naman ako

"Bahala kajan, iiwan na kita" aniya ko at tumungo sa kotse pero natigil din ako nang may bigla akong nakita...lalake

Lalake na pamilyar ang mukha, mejo malayo siya pero nakatingin siya sa direksyon namin. Nang mapansin niyang naka tingin ako sa kaniya ay agad siyang nag suot ng sunglasses at cap, susundan kona sana siya pero may humablot ng kamay ko, tinignan ko ng masama yun pero si jax pala

"Saan ka pupunta?" Kunot noo niya tanong, hindi ko siya sinagot, tinignan kolang ang pwesto ng lalake kanina pero nawala na siya"ano tinitignan mo?" Hinarap na niya ako pero nandon parin ang tingin ko

Bakit parang nahihipnotismo ako, ayaw na matanggal ang mata ko sa direksyong yon

"Pinsan!!!" Nabalik ako sa realidad nang bigla akong sigawan ni klara, don konalang din namalayan na naka tingin silang lahat sakin, kaya gulat korin silang tinignan

"B-bakit?" Tanong ko

"Kanina kapa tulala, tinatawag ka naman pero ni mata mo hindi hindi gumagalaw, anyate sayo?" Aniya kaya napa tingin ako kay jax na mukhang nag aalinlangan, kay tita na mukhang nag aalala, si daddy na takot ang expression

"Ah ehh may nakita kase akong ice cream bender kanina hehe" peke akong natawa

"Walang nag bebenta ng ice cream dito" patay

"Aha ha ha ha, wala lang tara na baka malate kami" ani ko at mabilis na pumasok sa kotse ni daddy

"Sa kabila cc uuwi na kami ng tita mo" sabi ni daddy kaya mabilis naman akong lumipat.

Kita ko mula sa bintana ang pag aalangan sa mukha nila

Ano nangyayari sakin?

Pumasok narin si pinsan sa tabi ko, si max naman sa drivers seat at si Harriett sa passenger seat

"Anong oras matatapos ang klase niyo?" Tanong ni max samin

"Depende pero 5 talaga ang labasan namin" sagot ko

Tumango siya saka nagsimula ng mag drive, kinakabahan parin ako, nakakaramdam naman ako ng kaba pero hindi ganito, kakaiba to

Yung loob ko nangingisay sa galit kanina pero ako... Kinakabahan ako

The last time i felt this is when i was 14...

Jax's Pov:

Kanina lang, nakatulala si cc na para bang may pinag mamasdan siya pero nang tignan ko wala naman. Bahay na abanduna yun kaya imposibleng may tao don

"Hindi mopa kilalang mashado ang anak ko jax, wag mo sana siya pabayaan may kakaiba sa kaniya na hindi ko matukoy kung ano, nagsimula ang ganiyang gawain niya nong 14 siya, ang pag titig sa kawalan" aniya ni mr. Wilson

"May trauma po ba si cc?" Tanong ko dahil baka may kinalaman ito sa trauma, isang tao bagay o pangyayari, pwedeng may nangyari nong bata pa siya

"I can't tell kung meron ngaba, hindi siya nag sasabi sakin kahit gano pa kami kalapit, pinatingin kona siya minsan sa psychiatrist pero imbest na maging malambing siya nag iba siya, sinagot sagot niya yung psychiatrist"

"Malambing makulit at may pagka isip bata si cc pero maniniwala kaba sakin kung sabihin ko sayong kaya ka niyang saksakin patalikod?" Nanlaki ang mga mata ko, may gusto siyang iparating, may ibig sabihin ang sinabi niya

Is it a code or something?

Cc? Sweet devilish child?

My UNDERstanding Babysitter[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon