Ikatlong Yugto

20 1 5
                                    

AN: here's the emotion-color chart I've been using since Chapter 1 of this story.

AN: here's the emotion-color chart I've been using since Chapter 1 of this story

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anyhow, here goes Chapter 3! Enjoy!

—@—@—@—

"HINDI BAGAY SA 'YO ang malungkot." Sabi ko sa maliit ngunit mababang tinig.

"I'm sorry?" Kunot-noong tanong ni Brion na nakikita kong nakatitig sa akin mula sa peripheral vision ko. He was oozing with light lavender color—he was trying to analyze what I just said.

"Ay, 'di ka ba nagta-tagalog?" Napaharap ako dito sa pagkabigla. Nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya sa pagta-tagalog at dahil na rin sa pagkakatitig niya sa akin. "Sorry. All this time, I've been writing you notes in Tagalog."

"Hindi." Narinig ko ang mahina ngunit buong-buo na baritonong tawa nito. He was reverberating in periwinkle, finding humour with this. "Nagta-tagalog ako."

"Ay?" Lalong uminit ang aking mga pisngi. "Sorry. Ano ba 'yan! Mali-mali na tuloy ako. Ulit. From the top."

Napahagalpak na ito ng tawa. "Sige, from the top."

"Hi, I'm Revyn." Ani ko, na iniabot ang kanang kamay dito. "At sabi ko, hindi bagay sa 'yo ang maging malungkot."

Nakangiti nitong inabot ang nakaumang na kamay ko. "Hello, name's Brion Kyle."

"I know." Muli kong ibinalik ang paningin sa mga halaman sa may gilid ng pool na nasa opposite side namin.

"Ha?" Maang nitong sabi.

Napangiti ako bago sumagot. "Alam ko na ang name mo."

"How?" Tipid na tanong niya.

Kinuha ko ang bouquet sa tabi ko na may card. Ang sobreng kinalalagyan ay may butas sa isang gilid at nakatali sa bulaklak.

Muli kong hinarap ang lalaking katabi at iniumang iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang iniaabot ko. Kinuha naman niya iyon.

Napangiti ako sa nakitang reaksiyon ni Brion. There was recognition in his brown eyes. I saw different emotions passed by his orbs. I was beyond pleased—glad that he didn't refuse the flowers. Pumayapa ang puso ko nang hindi niya iyon inihagis o itinapon.

"Sa 'yo galing 'yung mga bouquets?" Tanong nito matapos ilapag ang gitara sa damuhan kung nasaan ang case nito at tinitigan ang mga bulaklak na hawak.

"Yes. Sana nagustuhan mo 'yung mga nauna kong ipinadeliver." Sagot kong hindi maialis ang paningin sa katabi.

Katahimikan ang namayani sa amin. Ang binatang katabi ko ay nakatingin pa rin sa bouquet kahit ilang minuto na ang lumipas. Napapangiti ako. Kinikilig. Hindi ko maiwasan.

His unruly brown hair swayed with the night breeze. Brown slanted eyes squinting as he stared at the bouquet I made, his long lashes fluttered languidly. Ang tangos rin ng ilong niya. At ang labi, Diyos ko! Ang pula!

Sa 'Yo LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon