Chapter 1
Suzanne's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa napaka-laking building ay nagtinginan agad lahat ng mga tao sa paligid. Sino ba namang hindi magugulat sa itsura kong parang pulubi na nakapasok sa company nila? Patawa yata ang role ko dito.
Bigla naman akong pinigilan ng dalawang guard na nagbabantay sa pintuan nilang sosyal, kamuntik pa nga akong mabangga doon, sa sobra ba namang transparent akala mo na walang pintuan kaya muntik na 'kong doon pumasok kanina, buti na lang gumana ang katalinuhan ko ng tama.
"Ano ba? Bitiwan niyo nga ako! Nasaan ba ang CEO niyo dito ha?!" Pagsigaw ko sa dalawang guard. Nagtaka naman ang mga mukha nilang lahat. Lahat talaga sila ay nasa akin ang atensyon.
Ano akala nila alila ako dito na gustong mamalimos sa kanila? Matapang ako 'no!
"Ma'am bawal po kasing pumasok sa opisina niya, busy po kasi." Sabi ni manong guard na mukha namang mabait.
"Wala akong pakialam! Ang gusto ko dalhin niyo ako sa pinagtataguan niya!" Matapang kong sabi habang hawak pa rin nila ang braso ko.
Hindi naman sila tuminag at hindi makapaniwala sa inasal ko.
Wow lang hah!
"Ano wala? Okay everybody, I'm Suzanne Hatt, from NBI." Inilabas ko naman ang ID ko sa bag kong madungis.
"This. Is. MY. ID! Kaya kung wala kayong tiwala sa ak-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang may lumabas doon sa pangalawang pintuan.
Isang lalaking naka-formal attire, matangkad, mapungay ang mga galit na mata, matindig ang bisig at sobrang hot niya ngayon kasi pawis na pawis siya. Shit lang ang pogi. Ito ba ang hinahanap ko?
Halos mapanganga ako sa kinatatayuan ko ngayon. What the? Ano bang nangyayari sayo Anne? Naku gumising ka, siya ang nakagawa ng malaking kasalanan sayo!
Umayos ako ng tayo at tinignan siya ng masama.
"What's this shit all about?" Galit niyang tanong sa lahat.
May pamura-mura pa siyang nalalaman ha. Wow lang!
"Good morning, Mr. CEO." Bati ng lahat na halos nakayuko na.
Bitch Mode: ON
Napatingin naman siya sa akin na punong-puno ng pagka-inis sa mata niya. Bigla namang kumunot ang noo niya and I find it cute kasi ang ganda ng mga mata niya.
"And you, who are you? I'm the CEO of this company. You want a job? Sorry, you're not qualified here." Baling niya sa akin, formal na formal ang pagka-usap niya at maawtoridad.
Naningkit naman ang mga mata ko.
Siya nga ang sadya ko dito. Naku patay ka sa akin. Sayang ang kagwapuhan mo.
"Ikaw nga ang sinadya ko dito sa kompanya mo. Ikaw pala ang may-ari ng sasakyan na nakatalsik ng malansang putik sa mamahalin kong damit na kabibili ko lang kanina. Salamat dito ha." Sarkastiko kong saad sa kanya.
Nabaling naman ang tingin niya sa mga empleyado na nakatingin sa amin na akala mo ay nanonood ng Hollywood movies. Pagkatingin niya naman sa lahat ng empleyado ay agad na yumuko ang mga ito.
"Come with me." Punong-puno ng galit ang mga mata niyang tumalikod sa akin. Nakakainis siya, tinatalikuran ako, ipahuli ko kaya siya sa mga pulis.
Bumuntong hininga ako at sinundan siya habang naglalakad. That sexy back, he looks so hot. Grabe ngayon lang ako nagkaka-ganito.
Pumasok kami sa elevator na may nakasulat na 'For VIP use'. Ang sosyal naman nito. Sa loob ng elevator ay sumandal siya at pumikit habang nakahawak sa may iron stand na nasa gilid, hindi ko alam kung bakit pero parang nahihirapan siya, nakakunot kasi ang noo niya habang pikit na pikit ang mga mata. Gusto ko siyang kausapin at tanungin pero galit-galit mode nga ako ngayon 'di ba? Siya kaya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ng trabaho ko ngayon.
Huminto ang elevator sa 25th floor. Huminga siya ng malalim at binukas ang napaka-ganda niyang mata. Lumabas siya ng walang imik at para akong buntot na sumunod sa kanya.
Nang makapasok na kami sa napaka-luwang at napaka-gandang silid ay umupo siya sa swivel chair at in-offer niya sa akin ang upuan sa harap ng table niya.
Wala siyang secretary? If I know lahat ng CEO ay may secretary, right? Bakit siya wala? Baka day off lang. Ang chismosa ko.
"Name your dress' price. Don't deny it, you want me to pay for your funny dress, right? If not, marami ako n'yan nando'n sa kabila. As you stare to me like that, fine you can have my body all night long." He insists at ngumiti ng nakakaloko while looking at me intensely.
What the? Napaka-yabang naman nito at napaka-manyak. Anong ibig n'yang sabihin that I'm a whore that wants his body? Pwes hindi ako gan'ong tao na iniisip niya.
"Wala akong pakialam sayo! Ang gusto ko lang ay labhan mo ang damit na 'to. 'Yon lang bow. Wala ng iba!" Sigaw ko sa kanya na napatakip naman siya sa tenga niya.
"Over my handsome face, I won't do that and I don't know how to do some laundry stuffs, besides babayadan na lang kita."
Kinuha niya naman ang tseke niya at pinirmahan ito. Napatingin naman ako doon and the amount is 20,000 pesos. Ang daming pera ha, pero hindi naman ako gold digger na kagaya ng iba. I hate gold diggers.
Inabot niya ito sa akin at tinabing ko, nagtaka naman ang mukha niya at napunta sa ngiting nakakaloko. Over his handsome face ang manyak ng iniisip niya.
"Fine magbihis ka, ipapalaba ko na lang 'yan. In that silvery door meron d'yang dresses, don't worry my assistant bought that last night." Nakangisi niyang saad sa akin.
Fine ipapalaba niya sa iba basta 'pag balik sa'kin ay malinis na. Bumuntong hininga muna ako at nagsalita.
"I might gonna kill you this time but I don't have some time. Sige magbibihis lang ako sa kabila. Ingat ka baka may naitago na pala akong bomba d'yan sa tabi mo." I wink at him and smiled. Don't you worry hindi pa siya mamatay. Magtutuos pa kami sa semi-final round.
'Tyrill Lohan, CEO' nabasa ko doon sa may office table niya at tumuloy na sa kabila, habang siya ay tulala dahil sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The CEO's Destined Girl [PUBLISHED under Dreame] Executive Series #1
Ficção GeralCurrently working as Private Investigator of NBI, Suzanne Hatt, is fearless, brave woman, and dedicated to her job. Being the top agent, she is willing to do anything for her job, until she meets the CEO of Lohan Enterprises that changes her reality...