It's been 1 month since I met Ralph at simula noon hindi pa kami nagkita ulit. Pero wala naman akung pakialam sa kaniya bakit ko ba siya iniisip? Kailangan kung magfucos sa pagrereview ko dahil exam na namin next week, (fucos Mina fucos)
CANTEEN
Students: Nabalitaan niyo ba may bagong transferred dito sa School natin? At ang pogi niya as in ang hot sobra inlove na nga ako sa kaniya. Kahit ako rin sino ba namang hindi magkagusto sa kaniya diba?
Iyan ang iilang narinig ko mula sa kanila hindi na ako nagtagal sa canteen dahil kung ganon lang din naman ang pag uusapan at tsaka anong paki ko kung may bagong transferred dito?
Dali-dali akung naglakad papunta sa room ko upang magreview nalang ulit, habang nasa papalapit na ako sa room ko naghiyawan ang mga ibang students na para bang nakakita ng kung ano, tiningnan ko kung anong meron kung bakit sila naghiyawan.
-Sino ba kasi ang nakita nila bakit ganito nalang sila makahiyaw nakakabinge ha! (galit kung sabi sa sarili ko) Titingnan ko na sana sa loob ng classroom kung saan nanggaling ang hiyawan ng biglang may humablot sa kamay ko at bigla akung hinila palayo sa ibang students. Hindi ako makapagsalit dahil sa gulat ko at parang nakalutang ako sa hangin habang tumatakbo, hindi ko rin alam kung bakit napatakbo na rin ako. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga students dahil sa nangyari sa akin ang sa lalaking ito, teka nga lang, sino ba itong lalaki ito?
-Ano ba! (sigaw ko) bitawan mo nga ako (pilit akung nagpumiglas mula sa pagkahawak niya sa akin)
Unknown: Huwag kana nga magmaarte riyan at sumama ka nalang sa akin, mag usap tayo (sigaw niya)
Bakit kami mag uusap? Hindi ko nga siya kilala dahil natakpan ang kaniyang mukha sa suot niyang mask at jacket kaya hindi ko talaga makilala kung sino siya
-Mag uusap? Bakit tayo mag uusap na hindi naman kita kilala at, Hoy! Ikaw (turo ko sa kaniya) huwag kang umasta na parang close tayo, bitawan mo nga ako (nabitawan niya ang aking kamay)
Unknown: Di ka parin nagbabago Mina, kung ano kita noon ganito ka parin hanggang ngayon (tumawa siya na parang *vil)
Anong sabi niya? Nakilala na niya ako dati? Kailan at saan? (ang dami kung tanong sa isip ko)
-Saan mo ako nakilala? at sino ka ba ha? (sigaw ko naman)
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kaniya Jacket at panghuli ang suot niyang mask ang dahilan upang matakpan ang kaniyang mukha upang hindi ito makilala.
Aj? Hindi ba ako namamalik-mata o nanaginip sa aking nakita? Siya nga! Hindi ako maaaring magkamali.
-A-aj? Ikaw ba talaga iyan? (nauutal kung tanong) ngumiti lang siya at niyakap ako ng mahigpit
Aj: Namiss kita Mina. Pasensya kana at natagalan ang aking pagbabalik ang dami ko pang inayos at tinapos bago ako makabalik sayo (mahina niyang sabi habnag nakayakap sa akin)
Nagpumiglas ako mula sa pagkayakap niya sa akin upang makawala
-Anong sabi mo? Marami kang inayos at tinapos bago ka makabalik sa akin? (patawa kung sabi na may halong galit) Bakit kapa bumalik? Hindi na kita kailangan (sigaw ko) Nakatitig siya sa akin na para bang nagtataka
Aj: Bakit ka ganya? Bumalik ako dahil nangako ako sayo diba? Nandito na ako ngayon sa harapan mo (naluluha niyang sabi)
-Hindi na kita kailangan Aj. Bumalik kana kung saan ka man galing (sigaw ko)
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at tuluyan ng pumatak ang aking mga luha
Aj: Hindi kaba masaya na nandito na ako? Sabihin mo sa akin, may iba kana bang minahal? May pinalit kana ba sa akin Mina? Tapatin mo ako ngayon na (sigaw niya)
-Bakit sa akin mo iyan tinatanong? Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo Aj?
Aj: Mina, wala akung ibang minahal bukod sayo, sana alam mo iyan
-Sinungaling ka! (sigaw ko ulit) Kahit kailan sinungaling ka talaga. (tumakbo ako papalayo sa kaniya, hinabol niya ako)
Aj: Gusto ko lang naman malaman kung hindi na ba ako Mina, mahirap ba iyon?
-Hindi na kita mahal Aj, kaya pakiusap pabayaan mo na ako, bumalik kana sa lugar kung saan ka man galing (napahagulhol na ako sa iyak, kahit ang totoo sobrang mahal ko siya pero kailangan ko itong gawin dahil nagsinungaling siya sa akin)
Aj:Totoo ba iyan? Wala na palang saysay ang aking pagbabalik (napaupo siya, nilingon ko siya at nakita ko siyang umiyak) Hindi mo lang alam na ang dami kung ginawang sakrepisyo upang makabalik sayo Mina, ang dami kung pinaglaban sa parents ko para lang sa atin (sinabi niya sa akin ang lahat at doon ko na realized na totoo nga ang kaniyang sinasabi sa akin, hindi siya nagsisinungaling)Umupo kami sa ilalim ng malaking puno kung saan kami dating tumambay noong mga bata pa lang kami. Namiss ko ang ganitong pangyayari na kasama ko siya, hindi ko alam kung totoo ba itong lahat na nangyari ngayon, kung totoo man ito sana hindi na ito matapos pa dahil ayaw kung mawalay ulit siya sa akin, siguro hindi ko na iyon kakayanin kapag nangyari pa ulit ang nangyari sa amin dati.
Nangingibabaw ang katahimikan sa aming dalawa tanging ang huni na lamang ng mga ibon at hangin ang aming naririnig. Kay sarap sa pakiramdam ang ganito. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Si Aj nasa aking tabi at nakatingin sa akin na para bang ang lalim ng iniisip, nakikita ko kaniyang mga mata kung gaano ito kalalim ang kaniyang iniisip, pinikit ko ulit ang aking mga mata hanggat sa nakatulog na naman ako.
Naramdaman kung may yumakap sa akin mula sa aking likuran, si Aj, niyakap niya ako ng sobrang higpit naramdaman ko ang mainit niyang hininga mula sa aking batok, tumaas ang aking mga balahibo sa aking naramdaman dahan-dahan niya akung hinarap sa kaniya, tumingin siya sa aking mga mata na para bang may gustong ipahiwatig ngunit hindi ko ito mabasa.
Hinawakan niya ang aking magkabilang mukha napapikit ako dahil sa lamboy ng kaniyang mga kamay, naramdaman kung linapat niya ang kaniyang labi sa aking labi, nanginginig ako na para bang may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan
Aj: Sobrang namiss kita mahal ko, Mahal na mahal kita (aniya at hinalikan niya ako ng paulit ulit na tila ba sabik na sabik sa aking mga labi)-Aj (Tanging pangalan na lamang niya aking nasambit)
YOU ARE READING
STARS OF THE SKY
Storie brevi"Naghintay ako ng matagal dahil iyon ang sabi mo sa akin, at ngayon babalik kang may mahal ka nang iba? Para akung tanga na wala sa aking sarili dahil sa sakit na aking naramdaman, bakit mo ako iniwan nangako ka diba na hindi mo na ako iiwan ulit? B...