Chapter 4

3 0 0
                                    

CHAPTER 4

Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

"Sorry. Sorry, hindi na tayo aalis." Agad kong niyakap si Alvira. Gusto kong malaman niya na nauunawaan ko siya.

Ayun nga ang nangyari, nanatili nalang kami sa bahay.

Nakaupo lang ako sa sofa at si Alvira naman ay nasa sahig, sobrang abala sa ginagawa niyang pagguhit at pagkukulay.

Maya maya pa ay tinawag ko na siya. Paano kasi, hindi na rin ako mapakali. Konting kaluskos na maririnig ko ay pakiramdam ko may nakamasid sa'min.

"Alvira anak, hali ka rito sa tabi ko," tawag ko sa kanya.

"Bakit po?" walang emosyon niyang tanong.

Pero tinitigan ko lamang siya. Agad naman siyang tumayo at lumapit sa'kin.

"Maaari mo bang ikwento sa'kin ang mga nakita mo? 'Yung mangyayari dapat sa'tin kapag umalis tayo?" seryoso kong tanong.

"Hindi ko sila kilala Ama," panimula niya. "Puno ng galit ang puso nila at ang tanging hangad lang nila ay ang makapaghiganti."

"A-Anak?" hindi makapaniwalang saad ko.

"At ako, ako ang kailangan nila. Hindi sila titigil hangga't hindi nila ako nakukuha," dagdag pa niya.

"Hindi mangyayari 'yun. Hindi ko hahayaang mangyari 'yun," paniniguro ko.

Masyado nang marami ang pinagdaanan ko, namin ni Alaris. Wala kaming kinakatakutan, kahit kamatayan pa. Pero nag iba lamang ang lahat mula nang dumating sa buhay namin si Alvira.



"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa'kin?" biglang sigaw ni Alvira. Nakahawak siya sa kanyang ulo habang nakapikit. Agad ko naman siyang hinawakan at kinarga.

"Anak? Anong nangyayari?" tanong ko, subalit nakapikit pa rin siya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pilit siyang tinatawag.

Para siyang nananaginip. Samantalang magkausap lamang kami bago ito nangyari.

"Alvira! Naririnig mo ba ako?" nilakasan ko na ang boses ko at doon gulat na gulat niyang iminulat ang kanyang mga mata.

"A-Ama," tanging sambit niya.

"Bakit? Anong nangyari? Ano ang nakita mo?" sunod sunod kong tanong.

"Nasa paligid lamang sila, pinagmamasdan nila tayo," tugon niya na naging dahilan para lumingon lingon ako. Nasa loob kami ng bahay, sarado ang pinto maging ang mga bintana. Paanong pinagmamasdan?

"Ama, kailangan natin ng tulong," bulong ni Alvira na nakatingin sa iisang dereksyon. Sa pintuan namin. Na para bang may nakikita siya doon.

Ilang segundo lang ay may kumatok.

Palakas ng palakas pero hindi ko magawang tumugon.

Nagkatinginan kami ni Alvira.

Nagpumilit siyang bumaba mula sa pagkakakarga ko sa kanya. At nagulat ako dahil patakbo siyang lumapit sa pinto, walang pag aalinlangang binuksan ito. Gusto ko pa sana siyang pigilan pero hindi ko na nagawa pa.

"Lola!" sigaw ng aking anak. Si Lola Iris lang pala, kasama rin niya si Papa, Alaris' father.

Hindi ko inaasahan ang pagdating nila at kung ano ano pa ang inisip ko dahil sa mga sinabi ni Alvira. Akala ko ay nariyan na ang mga taong sinasabi niya na gustong kumuha sa kanya. Natakot ako ng sobra.







DEVIOUS ACADEMY [On-Going]Where stories live. Discover now