CHAPTER 5
Nagkatinginan lang kami ni Yuki. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako at kung sakali, ano naman ang sasabihin ko?
Hindi naman na ako nag e-expect na mauuna siyang magsalita kasi parang wala rin naman siyang balak.
Should I say Hi? Hello?
Or should I ask her directly kung bakit siya nandito?
"Hi?" bigla ay naisatinig ko iyon.
Subalit wala man lang siyang reaksyon. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. She's creepy!
"Why are you here?" tanong ko, malumanay.
Pero imbis na sumagot ay mabilis niyang kinuha ang mga kamay ko.
Nanlamig ako bigla.
Napatingin ako sa kamay ko, unti unti na itong nababalot ng yelo.
Muli akong napatingin sa mga mata niya.
"Kung may masama kang binabalak sa kaibigan ko ay huwag mo nang ituloy! Kung hindi ay mananagot ka sa'kin!" banta niya. Sa halip na matakot ay natuwa ako sa sinabi niya. She's loyal and so protective to Ashley. I really admire their friendship.
"Kaibigan din ang turing ko kay Ashley. Kaya wala akong intensyong masama sa kanya," nakangiti kong saad.
Ramdam ko ang panginginig dahil hindi pa rin niya ako binibitawan, hanggang balikat ko na ang ginagapang at binabalot ng yelo.
"Pero bakit mo siya sinundan kanina? At bakit ka nagtatago?" pasigaw niyang tanong na ikinabigla ko.
"Kasi nahihiya ako, at ayokong makaabala sa inyong dalawa," pagdadahilan ko. "Nagising ako kanina at lumabas ako sa silid na'to. Nais ko lamang mamasyal, pero nakita ko si Ashley at sinundan ko siya. Noong lalapitan ko na sana siya, ay tinawag ka niya kaya hindi ko nalang itinuloy," mahaba kong paliwanag.
Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa'kin, pero sana. At higit sa lahat sana bitiwan na niya ako, konti nalang maninigas na ako rito.
Bahagya niyang inilapit ang mukha sa'kin.
"Siguraduhin mo lang. Dahil oras na may gawin ka sa kaibigan kong si Ashley ay babalutin kita ng yelo hanggang sa hindi kana makahinga." Pabato niyang binitawan ang mga kamay ko, kasabay niyon ay ang pagkawasak ng yelong bumalot sa'kin. Tsaka siya tumalikod, at walang pasabing umalis.
Agad ko namang isinara ang pinto at bumalik na ako sa aking kama.
'Okay? What was that?'
Sa isip ay hinihiling ko nalang na sana hindi kaaway ang turing niya sakin. Hindi maaaring magkaroon ng sagabal sa misyon ko. Baka mas lalo lang akong mahirapan at matagalan.
Kinabukasan pumunta ako sa cafeteria para kumain ng breakfast. Tanging si Esra lamang ang naroon sa table namin.
"Good morning!" bati ko sa kanya na may tipid na ngiti.
Tiningala naman niya ako at binati rin. Nang maupo na ako ay gusto ko na naman siyang tanungin kung anong craft ang meron siya pero inunahan niya ako.
"After this, kailangan mong pumunta sa Principal's office. Iyon ang bilin sa'kin ni Ashley."
Ni Ashley? Ano naman ang gagawin namin doon?
Alam na kaya niya na isa lamang akong espiya? No! Hindi maaari.
Nagpaalam ako kay Esra na pupunta sa counter para kumuha ng pagkain.
"Gusto ko ng sandwich at pasta," sabi ko sa isang La Cocinera na agad naman niyang kinuha para sa'kin. Nang iabot niya 'yun ay nagpasalamat agad ako at bumalik na sa table namin.
"How's your stay here?" prenteng tanong ni Esra.
"Bakit?" tanong ko pabalik.
"I'm just curious. You have other choices diba? So, why Devious Academy?" tanong muli niya. "Hindi ka naman ba nagsisisi na ito ang pinili mo? Kaya nagtatanong ako if how's your stay here," dagdag niya.
"Okay lang naman," tipid kong sagot. Sa itsura niya ay alam kong hindi siya kontento sa isinagot ko. But it doesn't matter anymore. "Oo nga pala Esra, anong craft mo?" tanong ko, hindi ipinakita ang interes.
"What do you think?" tanong niya pabalik.
Pinagmasdan ko siya. Asul ang kaniyang buhok at may marka ng isang maliit na araw sa kanyang pisngi, sa ilalim ng kaliwang mata niya.
"I have no idea," pagpapakatotoo ko.
Bigla ay pumikit siya, doon ay unti unting umilaw ang kanyang buhok kung saan makikita ang buwan at mga bituin.
Nakakamangha pero kasabay niyon ay unti unting nabuo ang isang konklusyon sa isipan ko.
Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nawala ang ilaw ng kanyang buhok.
"Night. That's my craft," sambit nito, nagmamalaki at mararamdaman ang awtoridad.
Nilingon ko ang malaking bintana sa gilid. Doon makikita ang madilim na paligid, ang kalangitan na walang hinto sa pagkulog at pagkidlat.
"And yes, I am the reason of the darkness, and the reason why the sun does not rise in this place," pahayag niya.
I don't know how to react. Nabigla ako at hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Pero ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango. Hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon ko. Akala siguro niya ay matatakot ako o ano.
Nang matapos ako sa pagkain ay nagpaalam na ako sa kanya.
"Pupunta na ako sa Principal's office, maiwan na kita," paalam ko pero tumayo rin siya.
"Ihahatid na kita," saad niya at iyon nga ang nangyari.
Nagyakap pa kami ni Esra bago tuluyang maghiwalay.
Dalawang beses akong kumatok sa pinto at hinawakan ko ang doorknob. Bukas iyon kaya tuluyan akong pumasok.
"Good morning, Principal Nisha," bati ko at umupo ako sa upuang nasa harapan ng table niya. Nilingon ko si Ashley na nasa harapan ko, gusto ko sana siyang batiin kaso hindi niya ako tinignan.
"Pinapunta kita rito upang samahan si Ashley. Kailangan niyong mai-abot sa Inang Reyna ang liham na ito," utos niya at inilabas ang isang nakarolyong papel at maingat na inabot kay Ashley.
"Tara na Alaris," yaya ni Ashley sa'kin.
Sa tuwing nagsasalita siya ay parang si Alexa talaga ang nasa harapan ko.
Nang marating namin ang labasan ng Academy ay doon lamang ako nagtaka.
"Paano pala tayo makakapunta doon?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa'kin.
"Lilipad tayo, Alaris!" masaya niyang tugon.
"A-Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
Sa isip ko ay talagang nakita ako ni Ashley kagabi. Lumipad kasi ako para makapagtago sa kanya. Gusto niya bang lumipad kami gamit ang craft ko?
Naghintay ako sa sasabihin niya pero ikinampay na niya ang kanang kamay at may lumabas na kung ano doon.
Ashes.
It looks like a bird. A giant bird. Iyon ang ipinorma niya.
Pero hindi iyon ang nakapagpagulat sa'kin.
Ash. That's Ashley's craft.
YOU ARE READING
DEVIOUS ACADEMY [On-Going]
FantasiaIn a world that was once peaceful, war will break out and will claim many lives. Fire will blaze, blood will be shed, the sky will be darkened, they will sow terror. But there is a creature, which in her palm has a hidden light. A light that holds a...