Chapter 7

10 0 3
                                    

CHAPTER 7

"Magandang umaga Inang Reyna" nakayuko naming bati ni Ashley.

"Ipinabibigay ni Principal Nisha, from Devious Academy," saad ni Ashley at maingat na inabot ang liham.

Tinanggap naman ito ng Inang Reyna.

"Iyan lamang ang sadya namin, aalis na po kami," paalam namin pero tinawag ako ng Reyna.

"Aither Alaris, maiwan ka sandali," seryoso nitong sabi. Muling nagbigay galang si Ashley at umalis na. Hihintayin nalang daw niya ako sa labas.

"Bakit po, Inang Reyna?" tanong ko.

Ikinampay niya ang kanyang kamay at biglang nakaroon ng shield sa paligid namin. Isa lang ang ibig sabihin nito, may mahalaga siyang sasabihin sa'kin na hindi maaaring makalabas o hindi maaaring marinig ng kahit sino.

"Kamusta ang pananatili mo roon?" panimula niyang tanong.

Ikwenento ko naman ang lahat pero hindi pa ako nakakalahati ay pinigilan niya ako.

"Kaninang hating gabi Alaris, alam kong nalagay ka sa panganib, iyon ang gusto kong malaman," ramdam ko ang diin sa bawat salitang binitawan niya, may bahid din iyon ng pag-aalala.

Binalikan ko ang nangyari sa'kin, mula nang sundan ko si Ashley hanggang sa harapin ako ni Yuki. Sinabi ko ang lahat sa Inang Reyna.

"Nagtitiwala ako sayo, at alam kong alam mo ang lahat ng ginagawa mo," saad niya at talaga namang napakasarap niyon sa pakiramdam.

"Ang pamilya ko Inang Reyna, kamusta sila? Ang aking anak at asawa, maaari ko bang malaman kung ano ang nangyayari sa kanila ngayon?" pakiusap ko.

"Hali ka," anyaya niya at hinawakan niya ako sa balikat.

Sa isang kurap ay nasa harapan na kami ng bahay namin. Ng bahay namin ni Vince at Alvira.

Nag uumapaw sa tuwa ang puso ko. Nais ko na silang makita at mayakap!

Agad akong kumatok, ilang sandali lang ay bumukas ito at bumungad sa'kin si Vince.

"Vince!" sabik ko siyang niyakap at ganun din siya sa'kin.

"Totoo ba 'to? Nakabalik kana?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ina?" singit ni Alvira.

Agad kong binatawan si Vince at binuhat ko si Alvira. Mahigpit ko rin siyang niyakap.

"Anak," tanging nasabi ko.

Ninanamnam ang sandaling magkakasama kami.

"Sayang at hindi mo naabutan sina Lolo at Lola," wika ni Alvira habang nakayakap pa rin siya sa'kin.

Sayang nga.

Pero iba ang pinagtatakhan ko.

"Hindi ba't dapat nag aaral kana, Anak?" tanong ko.

Sa mga oras na ito, inaasahan ko na nasa Deviant Academy na siya at nag aaral.

Walang sumagot sa tanong ko.

"Pasensya na Aither Alaris, kailangan na nating umalis," singit ng Inang Reyna.

"T-Teka, akala ko ba tapos na?" naguguluhang tanong ni Vince, inilingan ko siya.

DEVIOUS ACADEMY [On-Going]Where stories live. Discover now