Chapter 4

63.1K 1.4K 22
                                    

MAKALIPAS ang isang linggo. Dalang-dala si Martina sa minsang pagkapahiya sa klase ni Dr. Rivas. Nag-aaral na siyang maiigi at nakikinig. Lalo na at siya ang pinakamatanda sa klase na iyon. Si Rona kasi ay mas bata ng isang taon sa kanya.

Nang gabing iyon ay nasa laboratory sila at aktuwal na tinatalakay sa harapan nila ang human skeleton. Iniiwasan ni Martina na mapatitig sa mukha ng kanilang guro dahil sa tuwing magtama ang mga paningin nila ay nawawala sa katinuan ang isip niya. May pagkakataon kasi na napapatitig sa kanya nang may katagalan ang guwapong doktor. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ito mawaglit sa isip niya.

Habang isinusulat niya ang mga mahahalagang detalye na sinasabi ng kanilang guro ay aksidente namang nasagi niya ang bote na may lamang kalahating tubig. Natigilan ang lahat nang maglikha iyon ng nakakarinding ingay. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na bubog.

"Shit!" bulalas niya nang mahiwa ng nabasag na bote ang hintuturo niya sa kaliwang kamay. Malaki ang sugat na naglabas ng maraming dugo.

"Hala!" narinig niyang bigkas ng isa sa kaklase niyang babae.

Nag-ingay ang lahat nang biglang magpatay-sindi ang mga ilaw sa loob ng laboratory. "Ano'ng nangyayari?" tanong ng karamihan.

"Class, bumalik na muna kayo sa class room!" utos ni Dr. Rivas sa kanila.

Tumalima naman ang mga estudiyante. Ngunit si Martina ay hindi na nakaalis sa kinatatayuan niya. Kinikilabutan siya sa pagpatay-sindi ng ilaw. Ang daliri niyang nasugat ay isinubo na lamang niya upang matigil sa pagdurugo.

"Tina! Hoy!" tawag sa kanya ni Rona. Binalikan pa siya nito upang akayin palabas.

"Mauna ka na," aniya. Hindi siya nagpahawak kay Rona.

"Bahala ka nga," anito at basta na lamang siya iniwan.

May dalawa pang estudiyanteng lalaki na naiwan at nagliligpit ng mga gamit ng mga ito. Nang igala niya ang paningin sa paligid ay hindi na niya makita si Dr. Rivas, ngunit ang mga ilaw ay patuloy sa pagpatay-sindi. Nag-abala pa siyang linisin ang naiwan niyang kalat ngunit natigilan siya nang biglang may kamay na sumampa sa balikat niya.

Napakislot siya at pilit inaaninag ang malaking lalaki na nakatayo sa harapan niya. Nang kumislap muli ang ilaw ay naaninag niya ang bulto ni Dr. Rivas.

"Lumabas ka na. Ako na ang bahala rito," wika nito.

Inalis niya mula sa kanyang bibig ang daliring dumudugo. "Sorry po, Sir," aniya.

Naramdaman niya ang pag-alis nito ng kamay sa kanyang balikat. Hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan nang maramdaman niya ang ilang darili nito na pumahid sa kanyang labi na may naiwang dugo. Nagtaka siya bakit nakita pa nito ang dugo sa labi niya gayung napakadilim.

"Ate Tina, tara na!" tawag sa kanya ng dalawang kaklase niyang lalaki.

Nang mahimasmasan ay malalaki ang hakbang na lumayo siya kay Dr. Rivas. Sumunod na siya sa mga kaklase niya.

Dalawang beses nang nasugatan sa daliri si Martina pero ang sugat na iyon ang dumugo nang sobra. Naging suki na siya ng clinic nila. Pagdating niya sa clinic ay nagulat siya nang makita ang baguhang nurse. Maganda ito, matangkad at maputi. Wala na roon ang nurse na bakla na madalas niyang kakuwentuhan. Pagkapasok niya ay sinalubong siya nito ng mahayap na tingin.

Umupo siya sa bench at hinihintay na asikasuhin siya nito. Titig na titig ito sa daliri niyang may sugat na may munting dugo na lumalabas. Pagkuwan ay umupo sa tabi niya ang nurse dala nito ang medicine kit nito. Hinawakan nito ang kamay niya kung saan may sugat.

"Aw!" daing niya nang bahagya nitong pinisil ang daliri niyang may sugat. Ngali-ngali niya iyong bawiin mula sa kamay nito.

"Relax, my dear. Ang bango ng dugo mo," wika nito habang panay ang singhot na para bang natatakam sa amoy ng dugo niya.

SANGRE 1, Dario (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon