meme #1 pinaasa,sinaktan

19 3 0
                                    

Tina pov

"Haysss buhayyyy," saad ko habang nakatingin sa aking laptop.

Wala namang bago sa routine kong ito,laging nakatutok sa gadgets at palaging nakakulong sa malaselda kong kwarto.

"Ano nanaman bang problema mo hah!!"

Bumuntong hininga ako ng marinig ko nanaman ang pagsisigwan ng nanay at tatay ko sa labas.

"Ikaw nga ang problema ko!Lasing ka nanaman!" Sigaw pa ng nanay ko.

Nakakaumay.

Kinuha ko ang aking headset at isinuksok ko sa aking dalawang tenga.

Habang gumagawa ako ng school works ko ay nakikinig ako ng mga trending song upang hindi naman ako ma-bored.

Nang natapos ko ang mga activities ko ay agad ko nang in-open ang aking tiktok app at doon nanood ng mga iba't-ibang klaseng content.

"Maganda tong trending na to hah" nakangisi kong bulong saaking sarili.

Masayaw nga toh!

***

Nang matapos ko ang pagsasayaw ay akmang hihiga na sana ako sa aking kama ng biglang....

Ringggg......

Kumunot ang aking noo ng makitang unknown number ito.

Ngunit kahit na ganoon ay sinagot ko parin ito.

"Hello?" Patanong kong sabi.

"Hello,ito po ba number ni Tina Rabang?" Tanong nang nasa kabilang dako.

Mas lalo pang kumunot ang aking noo ng marinig ko ang aking pangalan mula sa stranger na ito.

"Opo,bakit po?" Tanong ko naman pabalik.

"Ako toh si Gabriel Reyal,yung-" hindi niya natuloy ang kanyang pangungusap dahil nagsalita ako kaagad.

"GABRIEL!!" Sigaw kong wika.

"Oh,kalma," natatawang sabi niya.

"Sinong kakalma hah?...sheshhh naman!" Excited ko namang sagot.

Siya si Gabriel, kaibigan at crush ko siya simula pa nung elementary,kaso noong nag college na kami ay nagtungo na sila sa manila at ako naman ay pinagpatuloy ang pag-aaral dito sa probinsya namin.

"Excited much?" Tanong pa niya sa kabila ng kanyang pagtawa.

"Nandito ka ba sa cagayan?" Tanong ko dahil hindi naman siya tumatawag kapag wala siya dito.

"Oo,"

Pagkatapos marinig ang sinabi niyang iyon ay agad na akong tumayo at nagtungo sa labas ng aming bahay.

Totoo nga ang kanyang sinabi dahil pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa labas ng aming gate ay nandoon na siya at naghihintay.

"Hi," nakangiting sabi niya sabay lapit saakin at yumakap.

"Shesh nandito ka nga!" Saad ko naman sabay yakap sa kanya pabalik.

Nang magbitaw kami sa aming yakapan ay nagkatinginan kami....

"Ganda mo," Ngisi niyang pahayag.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad akong namula at hindi nakapag-salita.

"Halika nga ulit dito," saad niya,pero hindi ako gumalaw.

Dahil doon ay siya na ang lumapit at niyakap ako ulit.

"Gabriel,Kakain na!" Rinig naming sigaw ng kanyang mama.

"Oh siya,date tayo mamaya hah, miss na kita eh," wika nito sabay lakad na paalis.

Umasa NanamanWhere stories live. Discover now