Chapter 5

7 3 8
                                    

White horse

I looked at Alijandro to ask for help but he seems confused of my action. I cleared my throat and faced Howl nervously. I shouldn't be but the way he look at me is scary, his dark eyes are cold and void. He's wearing nothing in his top and just a loose pants and a dirty black boots. I got a glimpse of his veiny arms, his veins protruding because of the weight of the pale.

"Titingin sa mga kabayo si miss Sandra, gusto niyang mag-alaga ng sariling kabayo."

Alijandro saved me from his question. Nga lang, imbis tignan si Alijandro ay mas dumiin ang titig niya sa'kin na para bang may ikinagagalit siya sa narinig. I frowned and stepped aside so he can pass, but he didn't. Nilapag niya ang balde at namaywang sa harapan ko.

I could roll my eyes right now but his stares are melting me real bad. Nag-iwas ako ng tingin at lumunok muna bago siya ulit tinignan. Gano'n pa rin siya, nakatitig sa'kin na para bang may malaki akong kasalanan. Sampok ang kilay niya, nakanguso, umiigting ang panga at seryusong-seryuso. Igting din ang mga braso at ugat doon. Hindi ko alam bakit ganiyan ang ekspresyon niya, siguro galit siya sa'kin dahil pinakialaman ko ang kabayo niya?

But I'd apologized already!

"Kabayo? Anong kabayo? Hindi ba marami namang kabayo sa mansion nila?" Tanong niya kay Alijandro ng hindi inaalis sa'kin ang tingin. "Ano bang kabayo ang gusto mo?"

Nag-alangan akong sumagot dahil tunog naninindak siya. Pero ayokong ipakitang nasisindak ako kaya...

"White horse," I answered clearly. "A baby white horse, kung mayron."

Napatingin ako sa batang kabayo na nasa kwadra, pagtingin ko ulit sa kaniya nakataas na ang kilay niya. Tinignan niya rin ang kabayo sa kwadra at napadila siya sa kaniyang labi. Inalis niya ang mga kamay sa baywang at dinala na ang balde sa loob. Siguro papaliguan niya ang kabayo, hindi ko alam na nagtatrabaho rin siya rito.

Dahil nakatalikod sa'kin nakikita ko ang magandang hulma ng katawan niya at kaniyang likuran. His back is well-shaped, it's curvy and the muscles are in their right places. It shows how hard working he is, his skin is sunburned but golden, especially he's sweating.

I like moreno boys or tanned males, I like hard working people, especially men. I like the ones with tanned skin, ripped muscles and good posture. Kakabasa ko ng romance novel ay nagustuhan ko ang mga gano'n, pero sa Manila puro anak-mayaman at mayayaman ang manliligaw ko kaya wala ako masyadong gusto.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bumaling sa'kin si Howl matapos basahin at paliguan ang puting kabayo na kanina ko pang gustong hawakan. Seryuso pa rin ang mukha niya at diritso sa'kin ang tingin.

"Bakit puting kabayo?" Tanong niya.

"Maganda kasi, mahilig ako sa puting kabayo."

"Sa puting kabayo lang o sa lahat ng puting bagay?" Tanong niya ulit at bumaba ang tingin sa damit ko.

I'm wearing a white shirt, faded jeans, and black boots.

"White in general," I answered and walked towards him bravely.

He arched his brows again and watched my steps as if there's a hidden bait I might step on the ground. I'm a bit nervous, but I'd braved myself to advance. Tinignan ako ng puting kabayo na pinaliliguan niya. Hindi pa halos nade-develop ang magandang buhok nito pero sobrang puti naman.

"Gusto ko siya, pwede na ba 'tong dalhin sa mansion?"

"Dadalhin mo?" Tanong niya at umayos ng tayo. "Tatlong buwan pa lang 'to."

"Oo, bakit hindi pa ba pwede?"

I looked at him, he smirked without humor and looked at the horse. Hahawakan ko sana pero hinawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan ako. Napatingin ako sa kaniya bago sa kamay niyang nasa pulsuhan ko kaya mabilis niya akong binitawan.

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now