Chapter 6

6 3 12
                                    

Annoyed

"Magtanghalian muna tayo, mamaya na tayo bumalik sa planta."

Creed pulled me to the kitchen and Howl is behind us, tailing us silently. Kumunot ang noo ni Seraphine nang makitang may kasama pa kami pero hindi naman siya kumibo.

"Manang, pakihanda po ng tanghalian namin," si kuya sa mayordoma. "Akyat lang ako sa taas, bihis lang. Howl, upo ka, h'wag kang mahiya."

"Oo." Howl nodded and took a seat across us. "Hi."

He greeted Seraphine, huli niya akong tinignan. Malakas ang loob kong salubungin ang tingin niya ngayon, kahit na mariin pa rin ang titig niya. Hindi na siya mukhang galit sa'kin. Actually, he looked kind and calm today. His hair is dark and a bit disheveled, his dark and thick eyebrows are in a straight line. He sits so straight, like an armorless knight in a royal meeting.

"Nagtatrabaho ka sa sugarcane plantation?" Tanong ni Seraphine.

Hinain ng mga kasambahay ang tanghalian sa mesa, patapos na kami ni Sera nang dumating kaya dessert na lang ngayon ang kinakain namin. Howl nodded before averting his eyes to her.

"Oo," tipid niyang sagot.

"Saan pa?"

"Sa azucarera at rancho ni'yo."

"Matagal na? Ilang taon ka na kung gano'n?"

"Oo, eighteen na ako."

Tumango-tango si Sera na para bang namamangha. Nagtaas ako ng kilay at uminom ng juice, hindi man lang tumitingin sa pagkain si Howl at matikas pa rin ang pagkakaupo.

"Grabe eighteen ka pa lang? Tapos nagtatrabaho ka na sa hacienda at azucarera? Ilang taon ka nagsimulang magtrabaho sa hacienda namin?" Si Seraphine ulit, ngayon mas namamangha.

Howl smiled at her and shrugged.

"Around sixteen or so. Tumulong ako sa kuya ko."

"You have a brother?"

"And a sister."

"Bakit, you don't have parents anymore?" Si ate at ngumuso.

Hindi na nakasagot si Howl dahil dumating na si kuya at kumain na sila. Tapos na naman ako pero ayoko pang umalis. Gano'n din naman si Seraphine na panay ang tanong.

"Sera, enough. Hindi na siya makakain," si kuya at binalingan si Howl. "Kain ka pa. Nga pala, sabi mo nanganak na si Carmella. Huling-huli ako sa balita."

Creed chuckled, Howl nodded and drink his juice. Pansin kong kunti lang ang kinain niya at mabilis din siya kumain, parang hinahabol sa pagmamadali. Tinignan niya muna ako bago sumagot kay kuya.

"Oo, tatlong buwan na ang anak niya. Nakalimutan ko ring sabihin."

"Ilan ang anak?" Si Seraphine.

"Isa lang syempre, ano ka ba?" Si kuya at tumawa. "Nga pala, puti si Carmella, baka naman pareho sila ng anak niya? Kasi itong kapatid ko, gusto ng puting kabayo."

Tinignan ako ni kuya, nahiya ako bigla. Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon? Hindi nga pala niya alam na nagkausap na kami ni Howl nang isang araw, hindi yata sinabi ni Alijandro.

Parang mainit na magnet na bumalik sa'kin ang paningin ni Howl at pinaningkitan niya ako ng mata. I matched his scrutinizing stare with a cold glare, I don't care about what he'll think now but I hope he's not insulting me in his head.

"Oo, puting kabayo rin ang anak ni Carmella," sagot niya sa namamaos na boses at nagbaba ng tingin sa kaniyang pinggan.

Napalunok ako dahil alam ko na ang kasunod no'n. Tatlong batang kabayo ang nakita ko nang isang araw, akala ko lahat 'yon anak ni Carmella. Isa lang pala 'yong anak, baka iba rin 'yong dalawa.

Longingly Into You (Province Series 1) [Project 2000]Where stories live. Discover now