Chapter 25

216 7 2
                                    

Ring.....

Ring....

Ring...

Tututtt. Ay busy!

Hmm san na kaya yung mongoloid na yun? Almost 1 week na kami di nagkikita ah. Di ko din sya naabutan sa gym. Ano kaya nangyari?

"DENNNN!!", sigaw ni joan habang tumatakbo papunta sa kin.

"Andito na sya!!!!"

"Weh?!!! O sige ready na ba lahat? Go na daliii!!!",

At ayun kumaripas ng takbo si Joan ulit haha wooh sana magwork tong plan ko!!

Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko si Red sa hallway. Tinawag ko sya and nagsmile sya sakin.

Ang ganda na ng aura nya di gaya nung mga nakaraang araw na may sakit sya. Ang galing ko kayang magalaga hihi

"Buti naman pumasok ka na!" :)

"Na-miss na kita eh :)", medyo uminit cheeks ko nung sinabi nya yun ah. Kinilig ako dun ano ba haha

"And nakalimutan na siguro ng mga tao yung nangyari nung Dance Battle." Pahabol nyang sinabi

Nakita ko ulit sa nga mata ng bestfriend ko yung lungkot. Hay kahit smile pa sya smile sakin at kung ganu sya kagwapo hindi pa rin maalis sa mga mata nya yung lungkot.

"Oo naman noh!"

Nag-ikot-ikot kami sa building. Di po kami cutting :p

Hanggang sa napadpad kami sa Auditorium.

Natigilan sya.

"Pangarap ko sumikat! Tara sali tayo PBB! Gusto ko din magartista kaso ang taba ko wala akong magiging fandom :("

Tumingin sakin si Red and napilitan nalang ata magsmile dahil kung anu-ano pinagsasabi ko.

Tsk ito kasi utak ko puro joke. Wala kasi akong maisip na seryosong sasabihin tsk tsk

"Ako pangarap ko na talaga magsayaw nung bata pa ko."

"Sabi ko sa sarili ko magiging magaling na dancer ako, na kikilalanin ako ng buong mundo...."

"Pero.... Hindi pala mangyayari yun. Dito pa nga lang sa school wala na eh. Buong mundo pa kaya! Tsss" tumawa sya

"Ano susuko ka kagad?"

Hinila ko sya papasok ng auditorium. Diretso sa stage yung pintong pinasukan namin. Binuksan ko yung ilaw ng stage habang madilim sa audience

"Hindi ganyan ang Red na kilala ko. Hindi sya sumusuko!! Di mo kailangan ang buong mundo para sumikat. Nandito ako, si mommy mo, si joan at iba mo pang friends. Nandito kami para suportahan ka sa pangarap mo!"

"Haha Ching-ching ano pinagsasabi mo? Sineryoso mo naman kagad yung mga sinabi ko!"

"Ang point ko is hindi mo ikamamatay ang pag try ulit. Kung gusto mo magsayaw edi go. Pangarap mo yan eh, di mo dapat binabalewala. Kung mahal mo wag mo sukuan."

Pinatugtog ko yung song na ginamit nya nung competition.

"Denisse, wag. Ayoko."

"Red!!!! Bestfriend kita at alam ko kung gano mo kamahal pagsasayaw kaya hindi ako papayag na susukuan mo lang yan dahil lang sa technical problem ng audio nun!"

"Nadulas din ako..." Natatawa na naasar na ata si Red sa pinaggagawa ko

"Or sa lecheng madulas na stage!! Oo napahiya ka once, kaya dapat mamotivate ka lalong galingan at ipamukha sa kanila na ikaw ang deserving manalo, hindi yung nagsayaw ng mala-tinikling nung competition!!!!"

Diary ng Tababoy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon