| Arick |
"Di ka na ba talaga namin mapipigilan?", tanong ni Rickson sakin
"All set na ko. Nandito na din si Tita Emie kaya lalong gusto ko na umalis. Hassle kaya tsk kahit anong galaw ko sa bahay pinapansin nya"
"Ewan ko sayo! Ganyanan tayo you're gonna leave us!!!!",tukso ni Seth
"Aalis ka, Arick?"
Natigilan ako
Alam ko yung boses na yun ah
Boses na na-miss ko
"You're here Denisse! Long time no see!", sabi ni Seth sa kanya
Ewan ko ba
Ayaw ko magpakita kay Denisse
Kasi nahihirapan ako isipin na aalis ako pag nandyan sya
Tinignan ko sya
Gusto ko sya yakapin
"Bakit? Bakit ka aalis?"
Nilayo ko yung tingin ko sa kanya, "Yup, diba yun yung deal namin ni mama na i-train kita for 6 months, after 6 months aalis na ko."
Tumayo ako at pumunta sa locker room
Hindi ko na talaga kayang pigilan pa yung feelings ko para kay Denisse
Kaya't hanggang maari iiwasan ko na sya
1 month na lang naman at aalis na din ako makakalimutan ko din sya
Sana...
Sinilip ko si Denisse sa gym
Kausap nya si Seth at tumatawa sya
Ang ganda nya talaga
At yung mata nya kumikislap habang tumatawa
Yung cheeks nya, ang cute, ang fluffy
Kahit na mukhang siopao sya dahil naka-ponytail sya ang hot nya tignan
Hayyy, kung pwede lang forever ako nakatitig ng ganto sa kanya....
"Walang forever!"
"Wahhhhh!!!!!!"
Kainis na Rickson to, nakatago pala sa gilid ng pinto!
"Forever ka nakatitig kay Denisse dyan! Alam mo ikaw wag ka na magdeny noh halatang-halata naman na gusto mo si De-"
Hinila ko sya papasok ng locker room
"Wag ka nga maingay! Baka marinig ka niya!"
"Ang problema sayo, masyado kang torpe! Ay no pala, manhid ka. Manhid ka sa totoo mong feelings! Kahit ano pilit ng utak mo na hindi mo sya gusto, rinig na rinig namin tibok ng puso mo na si Denisse yung isinisigaw!"
Natahimik ako sa sinabi nya
"Wag ka patorpe-torpe baka maunahan ka!"
Kinuha ni Rickson yung water bottle nya at umalis
Ang tagal magsink-in sakin ng mga sinabi nya
Pero totoo lahat yun
In-denial ako
Torpe
Pero halata naman
Masyado lang madami ako naiisip.
At wala sa priority ko yang love na yan
Tama!!!!
Mawawala din to....