Chapter 26

197 5 0
                                    


| Arick |

Tok

Tok

Tok

Shit. Andyan na sila -__-

Binuksan ko yung pinto

"Duuude!"

"Wooooh!!!"

Kinabahan ako dun ah!!

"Bat ka andito Ivan? Ang aga-aga!!"

"Yung sapatos ko! Naiwan ko dito nung isang gabi. Tinext kita na pupunta ako ah."

"Ah nagtext ka ba?"

"Oo bakit ba parang natataranta ka? May tinatago ka dito sa condo mo no! May babae ka sa loob tingin nga!!!!"

Tsk kulit talaga nitong si Ivan. Hinarang ko sya aba gusto ba naman pumasok.

Wala ako tinatago dito noh! Wala akong babae!

"Arick", narinig ko na yung familiar na boses.

Boses na ayaw na ayaw ko marinig tsk

Ayun na nga sila! Bad timing talaga tong si Ivan.

Badshot na naman ako nito tsk

Napalingon si Ivan. Nagulat din sya sa nakita nya at tulad ko, namroblema din sya

"Oh Mr Jaranilla, ang aga-aga andito ka"

"Ah may kukuhanin lang po sana. Sige po aalis na ko"

At ayun kumaripas ng takbo si Ivan.

Kung ako yun tatakbo din naman ako noh.

"Hi tita"

Wooh andito ang evil witch!

| Denisse |

"Uy"

"Uy girl"

"Uy ha bakit?", tanong ko kay joan habang inaayos ko tong mga box para sa booth namin

"Magkakastiff neck ka na ata sa kakasilip jan sa pinto eh!! Sino ba hinahanap mo ha?"

"Ha? Wala noh!", wala naman talaga ko hinahanap eh. Wala din ako hinihintay dumating. Wala wala talaga promise cross my heart!

"Chinecheck ko lang baka may naiwan tayo sa labas. Wala ako hinahanap no! Ikaw talaga, Joan!!"

"Sus maniwala sayo! Hahaha"

Andito kami ngayon sa school buong 2nd year para gawin tong mini booth namin. Feasib na kasi namin bukas huhu pero di pa naman yung totoong feasib kumbaga baby feasib.

Hay, andami pa nga gagawin eh. Kabado pa kami dahil may Q&A din about dun sa feasib namin. Buti na lang magaling leader namin, president ba naman ng section namin eh hahaha

"Ehem ayun na pala hinihintay mo eh!"

Lumingon ako kagad para makita si...

"Ching!! Uhm.. Hi Joan!"

"Uy Red!", nginitian sya ni Joan.

"Tulungan ko na kayo :)"

"Ay hindi na noh. Dun ka na sa section mo, mamaya makita ka ng kagroup mo na andito samin", sagot ko sa kanya

"Hindi, wala pa sila. Mamaya pa call time namin tsaka wala naman na daw gagawin."

"Oh yun pala eh! Sige Red pakuha na lang nung table tas palagay dito sa gitna", utos ni Joan sakanya na hindi mapigilan yung tawa. Baliw din tong kaibigan ko eh :)) lakas mang-asar!!

Diary ng Tababoy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon