One Shot
This is a work of fiction. Names, Characters, Places and Events are fictitious. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.
This story also may have a grammatical error, so sabta nalang. In tagalog (unawain mo nalang). Understand??? Okay you may start reading, feel free to vote and comment your concern.
👊👊👊
Ako dapat yun ehh, ako dapat yung taong nag aantay sa kanya sa may altar, ako dapat yun. Kami dapat yung ikinasal at hindi sila ng best friend ko.
Ako nga pala si Chase, I just want to share my story about me and my girl.Ganito kasi yun, I'm 20 when I meet her in the coffee shop, and she's 18 that time.
The first time I saw her, sinabi ko talaga sa sarili ko na baka ito na, baka siya na yung pang forever.
Nag kakilala kami dahil sa mga kaibigan namin.
That day, we became friends, hiningi ko rin yung social media accounts niya, IG, facebook at iba pa, pati narin yung number niya.
Dahil nga sa kasama namin yung mga friends namin dun, at narinig nila na hinihingi ko yung number at social media accounts niya, kaya tinutukso nila kami.
Yun siguro yung dahilan kaya binigay niya.
Ako yung unang nag chat sa kanya trough facebook, nung una di siya nagrereply, pero kalaunan ay nereplayan niya na ako. Siguro dahil nakulitan siya sakin kaya Ganun.
Three months pass na magka chat kami ay sinabi ko na sa kanya na gusto ko siya mula nong unang meet namin.
Tinanong ko rin siya if pwede bang manligaw, and she said yes!!
Di kalaunan ay sinagot niya na rin ako at naging kami.
Four years pass pero kami parin, sa four years na yun minsan nag-aaway pero napag uusapan naman.
Sa four years na rin yun ay napag usapan narin namin ang kasal, gusto na talaga ni Mary na mag pakasal kami, gusto ko rin naman pero sa sitwasyon ko ngayon ay di pa pwede, kasi nga nag-aaral pa yung dalawa kung kapatid at ako yung nagpapa-aral sa kanila, ako rin yung gumagawa ng paraan sa mga gastusin sa bahay, kumbaga ako yung breadwinner sa pamilya.
Dumating yung araw na susubukin talaga tayo ng tadhana, sinabi ko Kay Mary na kailangan kung mangibang bansa, dahil mas malaki Ang kikitain dun kaysa dito sa Pilipinas.
Ayaw pumayag ni Mary na mangibang bansa ako, kasi pwede naman daw na dito nalang ako mag-trabaho, pero natuloy parin yung alis ko. At Pinangako ko rin sa kanya na pag balik ko galing ibang bansa ay magpapakasal na kami.
Kahit di ko gustong mangibang bansa ay tumuloy parin ako, kasi kailangan.
First month ko sa ibang bansa ay medyo okay naman kami kahit na malayo kami sa isa't -isa.
Yun nga lang sa tuwing may okasiyon like, birthday niya, monthsary namin, anniversary namin, Valentine's, Christmas Day, New Year ay di ako nakakapunta kasi nandito ako sa ibang bansa.
Pero sa lahat ng okasiyon na yun ay di ako pumapalyang mag bigay ng surpresa sa kanya, yun nga lang ay hindi ako yung taong nandun para sa mga okasiyon na yun. Oo ako yung gumagastos para surprisahin siya, pero hindi ako mismo yung nagbibigay sa kanya Kundi ang best friend ko.
Si Mark yung inuutusan ko na surprisahin siya, si Mark yung laging nandun sa mga importanting okasiyon na nangyayari sa buhay niya.
Si Mark kasi yung pinaka close ko sa lahat ng barkada ko, at kailan man Ay di sumagi sa isipin ko na tatraydurin niya ako.
Pero akala ko lang pala ang lahat, magdadalawang taon na ako dito sa ibang bansa Ng malaman ko na ikakasal na si Mary dahil na Buntis ito, at ang ama ng batang nasa sinapupunan niya ay ang best friend ko.
Sobrang sakit, nung una di ako naniwala.
Di ako makapaniwala na nagawa yun ng best friend at ng girlfriend ko sa akin.
Di ko alam kung pano nila ginawa, siguro dahil sa si Mark ang andun at hindi ako, dahil siguro dun ay nagustuhan nila ang isat -isa, Di ko na alam ang Gagawin ko.
Dahil sa mga nalaman ko ay di ko tinapos yung contract ko kahit may isang taon PA, umuwi agad ako ng Pilipinas dahil gusto ko na ako mismo Ang makakita kung totoo ba talaga yung sinasabi nila.
Pag dating ko ng Pilipinas ay yung sorry nalang nilang dalawa ang sumalubong sakin, ang sakit, subrang napaka sakit, pero wala akong magawa Kundi ang palayain nalang sa Mary para sa kapakanan ng Bata.
Yung ang sakit Lang na wala kana talagang magagawa Kundi ang mag paraya.
.............
Ngayong araw ay ang kasal nilang dalawa, ang kasal ng best friend ko at ng ex-girlfriend ko.
Ang sakit makita na masaya na siya sa iba, kung dati ako yung nagpapasaya sa kanya, pero ngayon yung kaibigan ko na at ikakasal pa sila.
Umiiyak nalang ako habang nakikita kong masaya silang dalawa na nakaharap sa altar.
Ako dapat yun, kami dapat yung ikakasal, ako dapat yung ama ehh, kami dapat yun, pero ito ako grooms men nalang ang papel at ninong ng bata.
Isa ako dun sa mga taong umatend parin sa kasal ng kaibigan at ng ex-girlfriend ko na hanggang ngayon ay mahal ko parin kahit na alam kong masasaktan lang ako sa mga masasaksihan ko, ako yung taong kayang magparaya para sa ikakasaya niya, nila.
Siguro nga, siguro nga hanggang mag- kaibigan nalang talaga kami, at ninong nalang ng mga anak nila ang papel ko.
Masakit man pero I'm happy for them.
" Wag mong ibigay lahat, magtira ka Kahit na 20% lang para sa sarili mo. "
YOU ARE READING
Ako Dapat Yun ( One Shot Story )
Cerita Pendek"Promised that suddenly broken because of your priorities in life. " Written by: gracee93