Chapter 4: Breaking Free (SAMPLE CHAPTER)

10.2K 240 28
                                    


Chapter 4: Breaking Free

NASA kotse na si Jessie pero malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala na nagtama na ang mga mata nila ni Lily kanina. Nakita na siya nito. Kung ibang pagkakataon lamang iyon ay baka sinamantala na niya ang pagkakataon at baka nakipag-kwentuhan na siya rito pero biglang dumating ang bodyguard niyang si Ben kaya napilitan siyang magpanggap na parang balewala lang ito kanina. Baka kasi magkaroon pa ng hinala si Ben na may gusto siya kay Lily kapag naging sweet agad siya sa babae. Sinundan kasi siya ni Ben nang mapansin nitong nawala siya sa Mansyon nang hindi nagpapaalam at nagulat pa ito nang makita na sa isang Bar pala siya nagpunta. Nagpalusot na lang siya na at sinabi na hinahanap lang niya roon si Harmony at naniwala na ito.
Agad na siyang pumasok sa loob ng Mansyon pagdating nila. Kumatok siya sa Office ng Mommy Rita niya dahil gusto niyang kausapin ito. Dahil sa nangyari sa Bar kanina ay nalaman niya kung gaano karami ang lalaking naaakit kay Lily kaya hindi na siya maaaring magpatumpik-tumpik pa. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para magkasama na sila.
Habang naghihintay siya sa labas ng Opisina na papasukin na siya ng Mommy niya ay napatingin siya sa salamin doon na napapaligiran ng ginto. Nakita niya ang magandang repleksyon niya sa salamin. Sinong mag-aakala na sa ganda niyang iyon ay katulad din niyang maganda ang nanaisin ng puso niya? Wala talaga yatang mag-iisip na posible siyang magkagusto sa katulad din niyang babae. Pero ito na ito eh. In love na siya kaya kailangan na niyang harapin. At kailangan na niyang aksyunan...
"Ma'am, pwede na raw po kayong pumasok sabi ng Mommy ninyo," sabi ng Katulong na nagsabi sa Mommy niya na naroon siya sa labas ng Office.
"Salamat," kiming nginitian niya ang katulong at tumango naman ito saka na umalis.
"What brings you here, Hija? Alam mo naman na ayaw kong naiistorbo kapag nagta-trabaho ako. Kaya nga dinadala ko na lang ang paperworks ko rito sa bahay natin para mas komportable ako e. Pero oras ng trabaho ngayon." Wala pa man siyang sinasabi ay nagsalita na agad si Rita. Ni hindi man lang ito nag-aangat ng ulo at patuloy lang na ginagawa ang mga paperworks nito.
"I know that you're busy, 'Ma but what I'm going to say right now is very important." Huminga siya ng malalim. Hindi pa rin ito sumagot. "'Ma, I want to move out. I brought a house and have my own company already so I think this is the right time to live on my own." Kinabahan siya nang biglang nag-angat na ng ulo ang Mommy niya.
"What did you say, Hija? Iiwan mo na ako? Iiwan mo na ang Mommy at Daddy mo?" Biglang naging emosyonal si Rita.
"'Ma--"
"Ayoko! Ikaw ang nag-iisa kong bunso, nag-asawa na ang mga kapatid mo, kayo na lang ng Kuya Dereck mo ang single pagkatapos iiwan mo pa ako? Bakit, Anak? Gusto mo na ring bang mag-asawa? Pero kung si Michael ang papakasalan mo, kahit masakit ay tatanggapin ko!" Bigla na namang binida ni Rita ang manok nito.
Natawa na lang siya. "'Ma, matagal na po kaming break ni Michael. And besides, he's too busy with his career to even see me. We're through, I'm sure, he have a lot of girlfriends already--"
"Maraming babae si Michael pero ikaw lang ang mahal ng batang iyon! Basta, gusto ko na siya ang makatuluyan mo and that is final!" pagsigaw na ni Rita.
"Ano ba at ang ingay-ingay ninyo riyan?" Biglang nagsalita mula sa nakaawang na pintuan si Arnold. Ang Daddy niya.
"Dad--"
"Hay naku, Honey, ang anak mo, nagre-rebelde na! Lalayasan na raw niya tayo! Pagsabihan mo nga ang anak mong ito!" pagsusumbong ni Rita kay Arnold.
"Is that true, Hija?" tanong sa kanya ng Ama.
Tumango siya. "I want to be independent, Dad. It doesn't mean that I want to leave you but I really think that I need to do this for myself. All those time ay palagi na lang akong nakasandal sa inyo ni Mommy. Although I have my own company, nakaalalay pa rin kayo palagi para sa akin. I want to do something on my own. Gusto ko namang may mapatunayan sa inyo."
"At ano naman ang kailangan mong patunayan, ha, Nina? Ano naman kung tulungan ka namin, we're your parents and that's our obligation! Hindi purkit kaya mo nang buhayin ang sarili mo at may yaman ka na ay iiwan mo na kami."
"'Ma--"
"Ayokong umalis ka, Anak. Malulungkot si Mommy kapag nawala ang bunso kong Prinsesa."
"I'm not getting any younger, Mommy. For pete's sake, I'm already twenty five! Why can't you just let me do something for myself?!" Napilitan na siyang sagutin ang Ina. Parang paulit-ulit na lang kasi sila. Pero sa pagkakataong ito ay hindi siya magpapatalo sa Ina. Gagawin niya ang lahat para mapagsolo sila ni Lily.
Natulala ang Mommy niya. Iyon kasi ang unang beses na sumagot siya rito.
"If that's what you really want, so be it, Jessie. I'm glad na mayroon ka nang paninindigan ngayon. Dalaga ka na nga talaga," nakangiting sabi ng Daddy niya.
"Talaga, Dad? Payag po kayo?" nagningning ang mga mata niya.
"May sinabi ba akong hindi ko ginawa? Don't worry because we won't even bother to get your address. Ako ang bahala sa Mommy mo," sabi pa ng Ama.
"Anong pinagsasasabi mo? Papayag ka na iwan tayo ng anak mo?!" react agad ni Rita.
"Shut up, Rita! Nasa tamang edad na ang anak mo! Payag ako at papayag ka rin dahil iyon ang desisyon ko!" matigas na sabi ni Arnold na nakapagpatahimik kay Rita. Naiinis man ay wala na rin itong nagawa dahil nagsalita na ang Padre De Pamilya.
"Thanks, Dad!" nakangiting yumakap siya sa Ama. Sa wakas ay magagawa na rin niya ang gusto niya.
"No worries, Hija. Basta ikaw." Iyon lang at gumanti rin ito ng yakap sa kanya.

One week later...
"ROSE, MAY gustong mag-table sa 'yo!" Kakatapos lang magsayaw ni Lily ay narinig niyang may tumawag na agad sa kanya mula sa Dressing Room.
"Oo, susunod na!" pagsigaw niya. Ayaw niyang tumanggap ng table dahil kadalasan ay puro manyakis naman ang mga nag-te-table sa kanya pero wala naman siyang choice dahil kailangan nila ng malaking pera dahil na-dengue ang bunso nilang kapatid at kasalukuyang nasa Ospital. Kailangang-kailangan niya ng pera ngayon.
Papalabas pa lamang siya ng dressing room nang magulat siya nang makita na ang nasa table # 16 na gustong mag-table sa kanya ay iyong babaeng nagtanggol sa kanya sa isang lasenggong manyakis noong nakaraang linggo. Si Jessie...
"July, sino ba iyong gustong mag-table sa akin?" naguguluhang tanong niya.
"Sinabi ko na ngang table #16 'di ba? Unli ka, Teh?!" iritableng sagot ng Bakla.
"Eh babae iyon eh!" Tiningnan din ng Bakla si Jessie. Nakatingin na ngayon iyong babae sa gawi nila.
"Lagot ka, 'Day, alam mo, napapansin ko nga na madalas nandito iyang pretty girl na 'yan at palaging nakatingin sa 'yo, baka kakausapin ka niyan ng masinsinan. Baka suki rito ang asawa o boyfriend niya at may gusto sa 'yo! Mag-ingat ka, baka pagbalik mo rito ay wala ka nang buhok!" pananakot pa ni July.
Bigla naman siyang kinabahan. Iyon nga kaya ang dahilan? Hihiwalayan na ba ito ng asawa nito nang dahil sa kanya? Madalas kasing mangyari iyon sa Club nila. Ang mga babaeng nagte-table sa mga dancers sa Club ay asawa ng mga suki roon. Nag-te-table para awayin sila. Ganoon nga kaya si Jessie? Pero wala naman sa hitsura nito ang pagiging basagbulera at desperasa para lang sa isang lalaki. Baka nga mga lalaki pa ang naghahabol dito sa sobrang ganda nito. Napakahinhin kasi nitong tingnan at babaeng-babae. Wala sa hitsura nito iyong bigla na lang mananapak. Pero sa kabilang banda ay curious siya sa sasabihin nito.
"Sige, Hulyo, sabihin mo pupunta na ako. Payag kamo akong magpa-table sa kanya. Saglit lang kamo," sabi ni Lily.
"Hulyo? Gusto mo bang wala ka na agad buhok bago ka pa man makarating do'n sa table # 16? Gagitang 'to! Call me, July!" violent reaction ni Baklita.
"Oo na, July. Pumunta ka na ro'n!" natatawang sabi niya na pinagtatabuyan na ang Bakla.
Agad siyang bumalik sa Dressing Room at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Pinaibabaw niya sa sarili ang jacket na pinahiram nito sa kanya noong huling punta nito roon. Gusto niyang mukha siyang disenteng tingnan kapag humarap siya rito dahil baka laitin na naman siya nito. Sinuguro niyang magandang-maganda na siya bago umalis sa Dressing Room.
Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tambol ng dibdib niya at parang nanginginig pa siya habang palapit siya sa table # 16 samantalang babae lang naman ang kakausapin niya.
"Umm... Good evening, gusto raw po ninyo akong makausap?" untag niya sa Babae.
Lumingon ito at nag-angat ng tingin. Parang napasinghap siya. Mas maganda sa malapitan. Pinaupo siya nito at nang magkatapat na sila ay nag-umpisa na itong magsalita.
"Hindi ako nakapagpakilala ng maayos sa 'yo the last time we've met. I'm Jessie Anderson at marami akong alam tungkol sa 'yo. Your real name is Lily Domingo and you're currently having a financial crisis, right?" paumpisa nito na lalong nakapagpagulo sa isipan niya.
"Hindi ko maintindihan, paano mong nalaman iyon?"
"Because I'm in love with you," diretsong sabi nito.
"Ano?!" nagulat na sabi niya na hindi mawari kung nagkamali ba siya ng narinig.

23. Living In A ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon