Game [1] She is MARYSS

528 40 44
                                    

Game [1]

"Don’t wake me up, don't wake me up, don't wake me up" rinig na rinig ko ang malakas na bulong ng aking alarm clock! Hindi ko pinansin ang bulong nito! Pag ganitong maganda ang tugtog niya wala na akong balak pang bumangon. Sinubsob ko ang ulo ko sa Pikachu kong unan at binalot ang aking sarili gamit ang makapal kong kumot, mukha na tuloy akong turon na piniprito sa malamig na apoy. Masyadong malakas ang aircon kaya para akong nasa loob ng freezer ayoko rin namang I-off sapagkat ako’y tinatamad. Nakakatamad talagang maging tamad no.

Pipikit na sana ako upang bumalik sa pagkakatulog ngunit bigla akong napatalon at parang ninja na dali-daling nag ayos ng aking makalat na kwarto nang marinig ang isang yapak na papalapit sa pinto. Dali dali kong pinulot ang nagkalat na mga anime magazine cds at FHM magazine.

Tama ang pagkabasa mo FHM MAGAZINE as in yong FILIPINO HORROR MOVIES MAGAZINE! Naku akala niyo siguro kung ano na noh! Ang dumi ng inyong utak. ipavacuum na natin yan. Sa sobrang pagmamadali naapakan ko ang figurine ni Fushimi Saruhiko na dahilan ng pagkalampaso ng maganda kong mukha sa makintab naming sahig kasabay rin nito ang malakas na pagbukas ng pintuan. Napapikit nalang ako at napakagat labi sabay takip sa magkabila kong tenga ng makita ko ang galit na mukha ng isang maliit na babae na may puting buhok.

“Maryss! Ikaw bata ka kanina pa kita tinatawag wala ka bang balak bumangon malelate ka na at...." heto nanaman ang machine gun kong ina na hindi nauubusan ng balang ibabaril sa cute kong mga tenga. Hindi ko alam bakit hindi nalang siya nagpari eh mas magaling pa ata siya sa mga pari na hindi nauubusan ng malabibliyang sermon! Tuwing umaga ganito ang eksena makikinig ako sa pauli ulit niyang pangaral

"........hindi ka ba nahihiya dalaga ka na pero panay parin ang panunuod mo ng mga kengkoy na yan. Alam mo anak walang mararating yang pagka-otaku mo lalo na yang katamaran mo, umayos ka na nga. Tularan mo si Airah isang huwarang estudyante at responsableng anak" ako na ang nagtuloy ng huling parte ng kanyang speech! Saulado ko ang morning speech ng aking ina alam ko kung saan siya hihinto at magpopause!

"Ma tapos ka na oh baka may idadagdag ka sa sermon mo? May nakaligtaan ba akong sabihin? " pang-aasar ko sakanya.

"Oo may bago" pagkasabi niya non ay biglang tumama sa maganda at malapad kong noo ang makapal kong libro na calculus! Bago talaga yon! Dati hindi naman calculus book yong binabato niya sakin kundi paso!

"Ma naman child abuse yon nananakit ka ng bata" maktol ko habang hinihipo ang noo ko. Grabe masakit iyon.

"Ikaw din naman ah Adult abuse ka di mo na ako nirespeto sinasagot sagot mo pa ako" biglang humikbi ang aking ina. Teka bago to oh kailan pa kaya natutong magdrama ang aking ina? Di kaya nag-eensayo lang siya? Baka balak niyang sumali sa star circle quest at mag artista o baka ito ang epekto ng panunuod niya ng mga telenobela. Naku naman! Agad ko siyang nilapitan at inalo.

"Ma sorry na, Tahan na ang pangit pangit mo mukha ka nang kamatis…. yuck" niyakap ko siya pero bigla rin akong napabitaw ng bigla niya akong kurutin sa may tagiliran.

"Excuse me anak! FYI maganda ako noh eh ikaw? Manalamin ka nga mukha kang bruha" pagyayabang ng aking magandang ina habang maarteng pinupunas and mga luha sa kanyang malaking mga mata. Ngumisi pa siya ng may halong pangungutya bago lumabas ng kwarto ko. Napakahangin talaga ng aking ina palibhasa maganda kaso lang pandak nasa 148cm ata ang height. Pero maganda din naman ako ah. Humarap ako sa salamin para tingnan ang aking repleksyon ngunit biglang nabasag ang salamin. Nagpapahiwatig lang ito na masyado akong maganda at hindi niya nakaya ang aking kagandahan kaya nagfreak-out at nabasag.

"Hoy Maryss wag mong takutin yang salamin maawa ka" sigaw sakin ng kapatid kong si Lavi na napadaan sa kwarto ko. Di pala sinarado ng mayabang kong ina ang pinto kaya kitang kita ang ginagawa ko dito sa loob.

That Love game that Maryss playsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon