Bored.
Ano bang pwedeng gawin? Si Jah nasa vacation, si Josh may tournament, si Pau at Stell nasa restaurant nila. Ako lang walang ganap sa buhay, makapag drawing na nga lang.
"Shhh, kuro ano ba yan" binuhat ko ang alaga kong pusa, kanina pa n'ya kinakalmot yung paa ko.
"Gutom ka na? Kakakain mo lang ah!" napatingin ko sa pintuan ng condo ko nang biglang tumunog ang doorbell.
Wala naman akong order. Sino kaya yun?
"Sir, delivery po" nagulantang ako ng biglang nung lalaki yung malaking box, pucha ano 'to?! mas malaki pa sa'kin? tao ba laman n'yan?
"Kanino po galing yan?" tanong ko pagkatapos nyang ilagay sa lapag yung box.
"Nako sir taga deliver lang po ako" nag bow sya at umalis na. Napakamot nalang ako sa batok ko at isinara ang pinto.
Paano ko naman 'to bubuksan?
"Tsk!" pumunta ako ng kusina at kinuha yung kutsilyo.
Pucha naman kuro, nauna pa syang mag bukas kesa sa akin.
"Kuro baka magasgasan mo yung laman" bunuhat ko si Kuro at inilapag sa sofa.
Sinimulan kong buksan sa pinakang baba, ano ba kasi 'to, mannequin?
Hala gagi oo nga! May paa! Hahaha.
Dahan dahan kong binuksan yung box, ang realistic naman nito, ang mahal siguro nito.
"Wow...maganda ka rin huh?" binuhat ko yung mannequin pero sobrang bigat! Ano ba 'to?! Bato--
F*ck.
Ang lambot ng labi nya, mannequin ba talaga 'to?
"B-boyfriend?" napatayo ako nang mag salita yung mannequin!
"AHHH!!! MANNEQUIN! MULTO KA! MULTO!" tumakbo ako papunta sa kwarto ko, pucha! ano yon?! boyfriend daw?
"B-boyfriend..." nakataklob ako nang kumot ng marinig ko nanaman yung boses nya, pero malungkot.
"A-are you mad? G-galit ka ba kay Sia?" ramdam kong lumapit s'ya sa akin. Saka ano yung Sia? name nya?
Dahan dahan kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin. Nakanguso ang mapupula nyang labi, napangisi ako ng maalala ko ang nangyari kanina, pero bakit sya nasa box? eme lang ganon?
"S-sia?" umupo ako sa kama habang hawak ang kumot, tumango sya at lumapit sa akin.
"Galit ka ba boyfriend? sorry bad si Sia" bigla syang sumimangot, kawawa naman, ang cute cute pa naman!
"H-hindi, saka sino ka ba? bakit boyfriend tawag mo sa akin?" bahagya akong lumayo at lumapit naman sya.
"Ako si Sia, ang girlfriend robot mo" parang tumigil ang nangyayari, paulit ulit yung sinabi nya, r-robot?
"Wag ka matakot, g-girlfriend mo si Sia, poprotektahan mo sya diba?" lumapit pa sya sa akin at yumakap ano ba 'to?!
Gumabi na andito parin 'tong babaeng 'to. Meron syang parang saksakan sa tagiliran, meron ding mga charger, robot nga sya.
"Boyfriend--"
"Ken, ken ang pangalan ko" sabi ko habang tulala na hawak ang mga charger, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, sabi ko bored ako pero wag naman akong padalhan ng gantong robot, ang ganda e.
"Ken, galit ka ba? sorry sa bad na nagawa ni Sia" napatingin ako sa kanya, nagmamakaawa pero walang luhang lumalabas, pero yung mga mata nya...kumikinang.
"Hindi ako galit" tipid akong ngumiti at umiwas na nang tingin.
"Alam mo ba boyfri— Ken, ikaw ang first kiss ni Sia" pag mamalaki nya pa, ano bang paki ko? robot lang naman sya.
"Gawin mo lahat ng gusto mo, wag ka lang mangangalikot ng mga gamit ko" malamig na tugon ko at pumunta na sa kwarto. Nilock ko yung pinto pero parang na konsensya ako.
Ayos lang kaya sya dun? Babae yun baka matakot, pero robot? hays ayos na nga yun matutulog na ako.
"Ayos lang ba talaga sya? Baka lumabas yun? tapos may nanakit? masisira kaya yun?" napaupo ako ulit sa kama ko at bahagyang binuksan ang pinto.
Nakaupo parin sya dun sa sofa kung saan ko sya iniwan, nilingon nya ako at ngumiti.
"Hindi ako natutulog, pwede akong kumain pero wala akong panlasa tulad nyo" ngumiti sya at yumuko, hinihimas ang balahibo ni Kuro.
"Halika dito" hinayaan kong nakabukas ang pinto para makapasok sya.
Umupo sya sa tabi ko habang buhat si Kuro, tumingin sya sa akin at ngumiti. Medyo singkit ang mata nya, hanggang balikat ko ang tangkad nya at makinis din ang balat, sino bang gumawa dito?
"May gusto kang itanong Ken, nakikita ko sa muka mo" nakatitig sya sa mata ko habang nag sasalita, nailang ako kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Saan ka nanggaling? Sino bang nag padala sayo dito?"
"Ginawa ako ng isang matalinong lalaki, sya ang master ko at dito nya ako dinala dahil sabi nya aalagaan mo 'raw ako" malambot at nalambing ang boses nya. Napaisip ako, sino namang lalaki yon?
Bigla akong napahikab kaya nanlaki ang mata nya.
"Ken matulog ka na" agad nyang inilagay ang kumot sa akin at pinahiga ako sa kama.
"Wag kang mag alala, lahat ng inutos mo andito sa screen, hindi ko yun makakalimutan" ngumiti sya at humiga sa tabi ko, ang awkward, babae sya! bakit bigla bigla syang tumatabi sa akin?!
"W-wow..." namangha ako nang biglang lumiwanag ang mata nya at nagkaroon ng isang galaxy sa kisame ng kwarto ko.
"Matulog ka na boyfriend, andito si Sia, babantayan kita" parang akong naging mannequin nang bigla nyang idikit ang labi nya sa akin.
"Sleep well, my first kiss" matamis syang ngumiti at yumakap sa akin habang napapagitnaan namin si Kuro.
First kiss, s-sa robot? seryoso ba 'to? o panaginip lang?
// lunnaira

BINABASA MO ANG
❝The Robots First kiss❞ [ complete ]
Fanfictionwhat if one day a package came to you and you were its first kiss?