2

62 3 0
                                    

Nagising ako dahil dun sa mabangong amoy, may nag luluto sa kusina!

Napaupo ako sa kama ko at wala na si Sia, teka, mali naman yung iniisip ko diba? pucha!

"Sia!" nakahinga ako nang maluwag nang makita ko syang maayos na nag luluto, teka bakit ba ako kinakabahan? ok, kasi robot sya?

Huminga ako nang malalim ng patayin nya ang kalan at lumapit sya sa akin para yumakap. Nagulat naman ako dun kaya ako napaatras.

"Good morning, Ken" tumingin sya sa akin at ngumiti habang nakayakap parin sa akin. Umakto akong normal at inalis ang yakap nya para ayusin ang sarili ko.

"Morning" bati ko habang nag susuklay, pagkatapos ay kinuha ko na si Kuro sa kwarto para pakainin.

"Ken, kumain ka muna" hinila nya ako at pinaupo sa silya. May bacon, hotdog, at rice yung plato ko. Tumingin ako sa kanya at nag thank you.

"Ako ang girlfriend mo, kaya gagawin ko yan dapat diba?" umupo sya sa kaharap kong silya at matamis na ngumiti.

"O-oo" nanlaki ang mata ko at napatigil. Ano yung sinabi ko? sinabi ko bang payag ako na girlfriend ko sya?

Mukang hindi naman sya nagulat sa sinabi ko kaya kumain nalang ako, nakakailang nakatitig sya sa akin. Hanggang sa matapos akong kumain.

Another day, hindi nga ako bored, stressed naman.

Hindi ko alam gagawin ko sa babaeng 'to, hanggang ngayon yun parin yung damit nya, naliligo ba 'to? tanungin ko sya.

"Sia halika dito" tinapik ko ang sofa at sinenyasan syang umupo sa tabi ko. Umupo naman sya at tumingin sa akin.

"May itatanong ka pa ba, Ken?"

"Yang...yang katawan mo ba parang kagaya din sa mga tao? like yung balat ah! t-totoo yan?" tinuro ang ang kamay nya, muka talagang totoong balat.

"Uhm oo, pero hindi ko alam kung paano yun ginawa ni Master" sagot nya at tumango tango ako.

Natahimik ako saglit at nag isip pa ng gagawin, sa totoo lang lagi naman akong bored, lahat ng kaybigan ko busy. Marami akong tauhan sa business ko at kaylangan kong mag pahinga, dahil last time naospital ako sa kakatrabaho.

"Sia, anong gusto mong gawin?" tanong ko ulit sa kanya habang nakatitig sa mata nya.

"Yung mga ginagawa ng mag boyfriend" tumingin sya at nilapit ang muka sa akin kaya napaatras ako, magkakalapit na yung labi namin.

"Paano ba yun, Ken?" parang lalabas ang puso ko sa loob ng katawan ko sa tinanong nya, teka ano ba 'tong naiisip ko?! papatulan ko talaga 'to dahil bored ako?!

I kissed her, yes, i kissed Sia.

Napakurap sya ng tatlong beses at tumingin sa akin.

"Kiss? Ang ibig sabihin non ay pag mahal mo ang tao? diba?" tumango ako pero muka syang malungkot. Aba! Ken Suson humalik sa kanya oh! mas mahal pa sa lotto yung halik ko.

"Pero robot lang ako" dumistansya sya at yumuko, lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya.

"Kahapon ka lang dinala dito, pero i'm sure, hindi kapa nagagawa ng master mo, sa akin ka na talaga" bulong ko at hinawakan ang baba nya at iniharap sya sa akin.

"Talaga?"

"Oo, at dahil sa akin ka, sa akin ka lang" hinalikan ko ulit sya at nginitian nang putulin ko ang halik.

"So...anong gusto mong gawin?" hinawakan ko ang pisngi nya at bigla nya akong niyakap.

"Ganito lang, pwede?" niyakap nya ako nang mahigpit habang nakapatong ang ulo sa dibdib ko, pinapakinggan ang pagtibok nitong puso ko.

"Pwede" hinalikan ko sya sa noo at ipinikit ang mata ko habang yakap sya.

Hindi ko namalayan nakatulog ako, habang sya, eto nakayakap parin sa akin. Inalis nya ang yakap at umunat ako at humikab pa bago mag salita.

"Hindi ka nga pala natutulog" natawa ako nang maalala ko, akala ko nakatulog na rin sya e.

Tumayo ako at tumingin sa orasan, 1pm na. Ilang oras na rin pala akong natutulog. Hindi ko kasi pinahahalata kagabi pero nahihirapan parin akong makatulog. Baka naman mag alala 'tong isa kaya nag pangap nalang ako.

Naisip ko na dito muna kami, spend more time together bago mag gala gala kung saan. Nag kwento ako sa mga nangyari sa buhay ko, at sya nakikinig lang sa akin.

Eto yung matagal ko nang hinihintay, yung may makinig naman sa akin.

"Nakakatawa naman yun, buti ka pa merong mga memories" tumingin sya sa akin habang nakahiga kami dito sa kama ko, hinihimas ko ang buhok nya habang nag kukuwento.

"Edi gumawa tayo ng memories mo, memories nating dalawa" ngumiti ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.

Unang araw namin na mag kasama, ang gaan na agad na pakiramdam ko tuwing kasama sya. Siguro dahilan na din nang wala akong nakakasama? Parati akong mag isa.

Nag iisip ng ideas sa mga bagong style ng damit, nag lalaro ng online games at nakikipag laro kay Kuro, dun lang umiikot ang araw ko hanggang sa dumating sya.

Nag iba lahat.

Parati na akong nakangiti, masaya. May kasama na ako sa paggawa ng mga bagong ideas, pag lalaro ng online games at pag aalaga kay Kuro na parang naming anak. Hanggang sa makalimutan ko na, robot lang nga pala sya.

// lunnaira

❝The Robots First kiss❞ [ complete ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon