3

55 2 0
                                    

Nagulat ako ng biglang pumasok ng kwarto si Sia at yumakap sa akin. "I love you"

Natawa ako at yumakap pabalik bago sya halikan sa noo. "I love you too"

"Kahit na...baka mawala ako?" biglang humiha at lumungkot ang boses nya. Bakit nya parati tong sinatanong sakin? Tuwing mag iiloveu sya, isusunod nua ang tanong na kahit mawala ba sya.

"Bakit? kaya mo bang iwan si Ken?" i pouted.

"Hindi"

"Yun naman pala e, ano? gusto mo ba sa labas tayo mag dinner?" agad naman syang tumango at binuksan ang cabinet.

Pinapanood ko sya habang pumipili ng damit, lahat yun ako ang nag tahi. Nakangiti lang ako habang naka cross arms, hindi sya makapilit between crop-top or dress.

"Dress" i suggested. Parati nalang kasing sa pinag bibigyan ko syang mag crop-top parati syang pinag titinginan, umiinit dugo ko dun sa mga lalaking yon!

"Ok! Labas ka muna" sinenyasan nya akong lumabas para makapag bihis sya kaya tumayo ako at lumabas na.

Pagkatapos nyang mag bihis ni Sia nagpunta parin ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nag  black nalang ako na hoodie at black na pants na bagay dun sa hoodie ko.

"Let's go langga" humawak ako sa bewang ni Sia bago pumasok sa elevator. Meron kasing restaurant sa rooftop, nagpa-reserve na ako doon kahapon pa para hindi na ako mahirapan.

Inalalayan ko syang umupo at umupo narin ako sa kaharap nyang upuan. Kita namin ang view ng city lights.

"How about you love? Anong gusto mong kainin?" tanong ko habang nakatingin parin sa menu.

"Uhm yung f-favorite ko po" napatingin ako sa kanya natawa ako sa itsura nya, nakanguso sya habang pinipilit tignan ang menu na hawak ko.

"Ok" i chuckled. Pinalapit ko sa akin ang waitress at itinuro sa menu ang order namin. Ngumiti ako kay Sia at sinabi kong ok na.

"Bakit ka ba natatakot? May masakit ba sayo? May nasira bang--"

"Wala!" napatigil ako ng bigla nyang sumigaw, buti ay kaunti lang ang tao kaya walang masyadong nakarinig.

"Sia? are you ok?" nag aalalang tanong ko at tumango naman sya.

"N-natatakot lang ako..." tumingin sya sa City lights at agad ding umiwas at tinakpan ang mata. Natawa naman ako at iniharap sya sa akin.

"Dito ka lang tumingin" kinindatan ko sya at nginitian para mawala ang takot nya. Inintay nalang namin ang order at kumain na.

Day goes by, Sia acting so weird. Parati nalang syang nasa room. Hindi nya na ako sinasamahang mag laro ng online games or makipag laro kay Kuro na everyday routine namin.

"Langga ko" tumalon ako sa kama at yumakap sa kanya, teka bakit ganto? bakit parang sobrang init ng balat nya? parang syang masusunog!

"Langga? Ayos ka lang ba? Hey! Answer me!" tinapik tapik ko sya pero ngumiti lang sya sa akin.

"Langga, pakikuha yung cooler sa box na pinag lagyan sa akin t-tapos i-ilagay mo sa katabi ng battery button ko p-please"

"Oo ga, Teka" nataranta ako at agad na binuksan ang box na pinag lagyan sa kanya, kinuha ko ang isang maliit na box doon binuksan ko at kinuha yung laman.

AI GIRLFRIEND ROBOT COOLER?

ah basta! ilalagay ko nalang 'to kay Sia, wala na akong pake basta maayos na ulit sya.

"Langga talikod ka po" dahan dahan kong itinalikod si Sia pero masyado syang mabigat kaya natagalan ako. Nang maayos ko ang pwesto nya ay binuksan ko ang zipper ng damit nya at pinintod ang isang button na katabi ng battery button nya.

Napatigil ako sa di ko alam na dahilan, robot ba talaga si Sia? wala na bang paraan para maging totoong tao sya?

"K-ken..." napabalik ako sa reyalidad at inilagay ang cooler sa space na yun at tinakpan na ulit ang likuran nya.

"Langga? Langga ayos ka lang ba?" halos maluha luha na ako nang iharap ko sya sa akin, pinunasan nya lang ang luha ko at tumango.

"Salamat ga, you saved me" she smiled and hugged me. Wala na akong nagawa kundi umiyak, ano ba kasing nangyayari sa kanya? Masisira ba sya?

Naramdaman kong naging normal na ang init nya kaya umalis ako sa yakap.

"Ga anong nangyari sayo?" malakas akong umiyak na parang bata habang nakayakap sa kanya iniisip na baka masisira na ba sya.

"Shhh, ok na ako, gusto mo mag shopping--"

"No!" pinutol ko ang sasabihin nya at mabilis na hinalikan. "Dito lang tayo aalagaan kita" lumingkis ulit ako na parang bata at nakatulog na sa braso nya.

"Ok langga, i love you" malambing nyang tulog habang pinag lalaruan ang buhok ko.

"I love you too langga ko"

I didn't think that would be the last day I would be with her. Last kiss, last word I love you and last sleep with her.

"Lumayas kayo dito kung hindi tatawag ako ng security!" pag babanta ko sa dalawang lalaki na bigla nalang pumasok sa condo ko at kukuhanin si Sia. Wala syang malay at hindi ko sya mailayo sa sobrang bigat ng bakal sa katawan nya.

Sinikmuraan ako ng isa sa kanila kaya napaupo ako sa lapag at bigla nalang nilang tinanggal ang mga parte ng katawan ni Sia.

"Siaaaa! Please wag! itigil nyo yan" pag susumamo ko sa dalawang lalaki pero hindi nila ako pinansin, hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa pag suntok ng isa sa kanila.

"Wag nyong sirain si Sia! Please wag! Wag!" itinutulak ko sila ng buong pwersa ko para layuan nila si Sia pero lalo lang nila akong sinaktan.

"Sia...l-langga wag kang sasama gumising ka na oh" tinapik tapik ko ang pisngi ni Sia para gisingin habang patuloy nilang sinisira si Sia.

"Itigil nyo yan!" hinampas ko ang braso nila at agad na niyakap si Sia para hindi nila malapitan. Tinanggal na nila ang braso niya at pinuputol na ang mga wires ni Sia. Ano bang nangyayari? bakit ganito?!

"Tumabi kana, kukunin na namin sya" itinulak nila ako at inilagay sa isang box ni Sia.

"Please wag buuin nyo ulit sya, please wag nyong sirain si Sia!" lumuhod ako sa harap nila habang nag susumamo na buuin ulit ang mahal ko pero hindi lang nila ako pinansin at lumabas na ng condo ko na parang walang nangyari.

"Sia, langga" hindi na ako makahinga habang umiiyak, saan nila dadalhin si Sia? bakit nila ginawa yun?

"Meow~" umupo sa tabi ko si Kuro habang hawak sa bibig nya ang isang papel.

"Ano 'to kuro?" humihikbi ako habang kinuha ang papel na kagat kagat ni Kuro.

"Boyfriend, alam ko kung mababasa mo 'to sinira na nila ako, alam kong naguguluhan ka pero hayaam mo akong mag paliwanag.

Hanggang isang taon lang ako Ken, at dinala ako sayo para pasayahin ka, pero hindi ko naman aakalaing magiging ganto tayo, sorry.

Pero don't worry! andyan naman si Kuro e, our baby remember? aalagaan ka nya. Kung ma mimiss mo yung mga luto ko, nasa likod nito yung mga recipe, ayusin mo lang yung pag luluto ah! baka masunog nanaman tulad nung dati.

Sorry langga, binigo kita. Hindi ko natupad yung promise ko na hindi kita iiwan, pero sana wag mo akong kalimutan, i love you so much langga

— love, Sia"

This is also the day she was brought here at eto rin ang araw na kinuha sya sa akin, and I suddenly remember everything. Lahat ng pinagsamahan namin sa bawat araw na mag kasama kami.

// lunnaira

❝The Robots First kiss❞ [ complete ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon