Chapter 2

45 1 0
                                    

nasa loob na ako ng classroom namin pero mag isa lang ako don. Di pa kasi tapos ang breaktime e, sayang nga hindi ako nakapagbreak dahil sa panirang April na yon.Aissh!!!nakakainis talaga sila! lagi na lang akong tinatawag ng kung ano ano e hello pareho lang naman kaming sosyal kaya hindi dapat nila ako tinatrato ng ganon.Nakakasama talaga ng loob pero di bale ayaw kong sumimangot at baka pumangit pa ako. Third year high school palang ako papangit na???no way!!!baka maagaw pa sakin si Prince Throb ko. Eeeeeh!!ewan tuwing naiisip ko sya kinikilig ako. Magic of love nga talaga ito. Sayang kasi gagraduate na yon sa fourthyear, san kaya magkokolehiyo yon?

"Ooy Pre, ang galing mo kanina ah.Biruin mo si Throb napatulala sa mga ginawa mo sa kanya, hinipnotize mo ba un?"  pansin sakin ni April na hindi ko napansin na nakapasok na pala sila.

Hindi ako kumibo para iparamdam sa kanila na nagtatampo ako.

"Oo nga, ang galing mo palang sumuntok. No probs na ako pag nagluko ang boyfriend kasi may kaibigan akong susuntok sa kanya." si Mitch yon

anong tingin nya sakin?Manny Pacquiao? pwet nya!

"Oo nga, bakit ngayon mo lang sinabi na malakas ka palang sumontok??edi sana kung sinabi mo e, sinama sama kita sa kahit san ako magpunta para safe di ba?"

tssssh! ano ako guwardiya?sa ganda kong to? kapalmoks!

"Hahahahaha hindi nyo kasi alam yang si Pre, kaya yan malakas sumontok dahil napractice na yang kamao nya. Alam nyo kung bakit? dahil tagadala sya ng balde sa bahay nila hahahahahhahhahaha." si Acey ang nagsalita.

napalingon ako kay Acey, sinusukat kong paano nya nahulaan na tagabitbit ako ng balde. Alam na kaya nya na poor ako?baka nakita nya ako sa bahay pero imposible. Teka lang, kung magsalita sya parang si Dindo lang ah. Aish! nainis tuloy ako ng maisip ko si Dindo. Uuwi na naman ako mamaya sa bahay, sigurado ako makikita ko na naman yon at sisitahin ako. Tssssssssh!! kung pwede lang mag evacuate ng hindi ko na makita yon e ginawa ko na. Pano kasi lahat na ata sakin pinagtatawanan nya, sinisita at lagi akong binubweset. Buti pa sina Eya hindi naman masyado.

"Ooy tampo ata si Pre ee.."

Mamatay na kayo! mga bweset!

"Pre, tampo ka samin?" tanong ni Mitch

"Oy! Pre, are you acting na naman?"

wala akong papansinin sa inyo.

"Hey, come on girl. sumagot ka naman or atleast say something."

"You know what Pre, we didnt really mean to hurt you,its just that we are stating the truth that---"

"na amoy tae ako??are you really my friend already?My Gosh! you shall not said that in the front of many person!!im so shy!!you know!"

walang sumagot sa kanila instead yumuko sila na halatang nagpipigil lang ng tawa.

"Aish!! dyan na nga kayo!!"

padabog akong lumabas. Grabe lang ha, nakakainis to the max, tatawanan lang nila ang sinabi ko.Bakit ba sila ganun tuwing magsasalita ako parang lahat sila gustong tumawa. Whats wrong with myself??nakakatawa ba ang bibig ko pag nagsasalita ako? Pambihirang mga tao. Hindi na ako papasok ngayon at doon na lang mo na ako sa trabaho.Nagtanong pa si Don Yamishika kung bakit daw akong maagang dumating. Napansin naman nitong wala ako sa mood kaya pinauwi nalang nya ako baka daw ako makapag perform ng maayos at hindi sya mag enjoy. Sayang lang daw ang magiging pagod naming dalawa. Hi hi hi ang matandang yon talaga napakapilyo, ahehehehe instead na umuwi ako naglibot libot nalang ako at pumunta sa okay-okay para bumili ng mga bagong fashion ko, total mang uutos lang naman sina kuya kaya hindi na ako dumiritso sa bahay at dito na ako sa okay-okay titira, JOKE lang. Sadyang lang talagang dalagang okay-okay ako. Nang makapamili ako umuwi na ako at hindi pa man nakakarating sa bahay ay natanaw ko na si Dindo sa bakuran namin kasama ang kuya ko na naglalaro ng basketball. Eeow theyre so pawis na naman. Nag slow ako sa paglalakad para hindi nila ako masyadong mapansin at mukhang effective naman kasi hindi nga nila ako napansin hanggan sa nasa tapat na ako ng bahay pero hindi pa ako nakakapasok ay biglang nasapo ko na lang ulo ko.

Love of a Social ClimberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon