Chapter 30

392 32 1
                                    


"Kamusta naman ang pagmimina niyo rito? Nasa maayos ba ang lahat?!" Sambit ng lalaking halos puno ng mga piercings ang katawan nito. Masasabing kahit ganoon pa man ay makikitang galing ito sa mayamang pamilya. His presence and temperament shows how nobility works in this world.

"Opo Prince Yaozu. Nakahanda na pong magmina ang lahat ng alipin sa malalim na parte ng lugar na ito kaya wala pong magiging aberya." Paninigurado ng isa sa lider ng tagabantay ng minahang ito.

"Siguraduhin mo lang mabuti kung hindi ay malilintikan kayo sakin. Iba pa naman magalit ang Crown Prince kapag nagka-aberya dito. Kahit buhay niyo ang kapalit ay hindi matutumbasan nito ang pagpahupa ng galit ng kapatid ko!" Tila nanlilisik ang mata ni Prince Yaozu habang nakatingin ito sa lider ng nagbabantay.

"O-opo Prince Yaozu. Sasabihin ko din po ito sa mga kasamahan kong nagbabantay." Seryosong wika naman ng lider ng nagbabantay sa minahang ito. Pilit pa nitong inaayos ang pagsasalita nito given na may pagkapareho ng pag-uugali ang Crown Prince kay Prince Yaozu na alam rin ng lahat lalo na at magkapareho ang layunin ng mga ito maging ang pag-uugali ay talagang hindi din nagkakalayo.

"Aba'y wag mo lang sabihin. Itatak mo mismo sa kukote nila na walang lugar dito ang kapalpakan. Nakuha mo?!" Sambit ni Prince Yaozu habang mabilis nitong kinwelyuhan ang lider ng nagbabantay sa minahang ito.

Manginig-nginig naman nitong iniyuko ang paningin niya. Ayaw niyang harapin ang galit ng prinsipe Yaozu. Alam nila kung gaano ito kalupit kaya they don't dare to oppose him.

PAH!

Marahas na binitiwan ni Prince Yaozu ang kwelyo ng lider ng nagbabantay habang walang lingon likod itong umalis sa lugar na ito. Naiwang nakasalampak ang nasabing lider ng nagbabantay.

...

Sa isang magarbong silid ay mabilis na tumungo si Prince Yaozu. Masasabing kahit na sa loob sila ng Swamp Dungeon ay makikitang tila ang karangyaan nito ay dinala niya rito. Mamahalin lahat ang gamit rito kahit na hindi naman ganoon kalawak ang silid na ito.

Nakita niyang nakaupo ang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan habang may hawak ito ng wine glass. Kahit anino pa lamang nito ay alam na alam niya kung sino ito. Talaga ngang wala itong pinipiling lugar na puntahan at uminom ng wine.

"Kuya, bakit naparito ka? May problema ba?!" Tila nagkunwari pang nagulat si Prince Yaozu nang dumating ang kuya nitong walang iba kundi ang Crown Prince.

"Ayaw mo ba kong makita rito aking kapatid?" Seryosong sambit ng Crown Prince habang mabilis na humarap ito sa gawi ni Prince Yaozu.

"Hindi naman. It's so rare na makita kita rito. Kamusta na ang ilan sa mga kapatid natin? Hindi pa rin ba sumusuko ang ilan na makipagkompetensya sa'yo?!" Tila nagtatakang sambit ni Prinsipe Yaozu. Gusto niyang i-emphasize ang huling sinabi niya dahil maging siya ay malaki ang kuryusidad sa galaw ng mga kapatid nilang kapwa mga prinsipe rin.

"Hahaha.... Ano pa ba edi lumalabas pa din ang sungay ng mga ito. Some are doing something secretly ngunit hindi sila magiging banta sa pagkamit ko ng trono dahil sa akin pa rin mapupunta iyon!" Puno ng kahambugang sambit ng Crown Prince habang makikitang tila hindi nito nakikitang kalebel niya ang mga kapatid niyang gusto ring hiranging bagong hari ng Sky Flame Kingdom. As if naman na may laban sila sa kaniya. He will surely defeat without laying a finger on them.

"Tama, ikaw lang ang nararapat na maging hari aking kapatid. They are just a bunch of weaklings lalo na ang pesteng mga kapatid natin na sina Prince Nianzu at Prince Feng na iyan. Nakakainis ang mga presensya ng mga yan!" Puno ng pagkairitang sambit ni Prince Yaozu. Sa lahat ng kapatudlo nilang mga prinsipe ay dito siya naiinis. Sa tusong si Prince Ninazu at sa magastos na si Prince Feng. Nakakainis lang isipin na pinapaboran din sila ng ama nilang hari.

"Hahaha... Wala rin silang magagawa. Though they are favored by our father, hindi pa rin sapat iyon para makuha nila ang suporta ng buong kaharian. Nakakalimutan mo atang pabor sa akin lahat ng mga opisyales ng amang hari kaya sa akin pa rin ang huling halakhak hahaha!" Nakangiting sambit ng Crowned Prince habang tumawa pa ito ng malademonyo sa huli.

"Tama, hindi dapat natin silang problemahin dahil kapag namatay ang amang hari natin ay siguradong sa atin pa rin ang tagumpay. Dapat nating palayasin ang pesteng Nianzu at Feng na yan. Talagang nagawa pa ng mga itong kumuha at gumastos ng naglalakihang halaga ng hindi sila naghihirap hmmp!" Puno ng hinanakit na turan ni Prince Yaozu. Talagang hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa mga ito.

"Hahaha... Nakakalimutan mo atang ako ang hihiranging bagong hari. Madali lamang nating mapapatalsik ang dalawang hunghang na kapatid natin. Kumpara sa kabuuang yaman ng Sky Flame Kingdom ay barya lamang ang naigagastos nila. Ang pinakahindi ko lang sa dalawang yan ay ang pagiging tuso ni Nianzu at ang pagiging malapit ni Feng sa ama natin. Palibhasa ay pinakabunso kaya hindi maaaring galawin natin o takutin hmmp!" Puno ng inis na sambit ng Crowned Prince. Never siyang natalo sa alinmang bagay liban na lamang sa pagmamahal ng amang hari. Parang nanlilimos sila ng katiting na atensyon rito ngunit pinapaboran nito ang pesteng kapatid nitong bunso na si Prince Feng. Lahat sila ay inggit na inggit. Never silang nakaramdam na may ama sila dahil inagaw ng pesteng bunsong kapatid nila ang atensyon ng ama nila.

Patungkol naman kay Nianzu, ito lang naman ang may pinakamaraming nagawa sa kanila. He even have a control of one-tenth of the warriors of Sky Flame Kingdom na kahit sila ay gustong umangat sa paningin ng ama nila but here they are, nangangapa ng maitutumbas nila para bigyan man lang ng atensyon ng amang hari. Palibhasa, nakitaan ng talento nito si Nianzu kaya mabilis na isinabak sa matinding ensayo sa pakikipaglaban at pakikidigma.

Siya na isang Crowned Prince? Nasa kaniya lang pagiging panganay, which is his key to ascend the throne. Gusto niyang mapadali ang pagkakahirang sa kaniya bilang bagong hari dahil ramdam niyang marami siyang kakompetensya sa trono. He wants to secure it by doing something in his own power.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 5] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon