Chapter 35

365 34 1
                                    

Lingid sa kaalaman ng mga ito ay nagtatago lamang kani-kanina pa ang batang si Li Xiaolong sa isang tagong parte kung saan hindi nakikita ng mga ito. Akala kasi ng mga ito ay hindi siya makakasunod kaagad but they are wrong.

Talaga nga namang tama ang hinala ng batang si Li Xiaolong. Talagang hindi lahat ng kriminal ay sobrang ansasama na. There's always an exception lalo na at mukhang ginawa pa siyang dispatcher ng tatlong papalayong kriminal. Hindi naman siya ganon kasama upang paslangin ang nilalang na sa tingin niya ay may kabutihan pang natitira sa mga ito.

Nainis siya sa mga ito. Talagang benepisyo lang talaga ang gusto nilang makuha at ito namang pakiramdam niya ay parang tanga din, kung hindi mali ang pagkakaintindi niya ay hindi naman talaga gawain ng nilalang na nasugatan niya ang pumatay.

Nang tingin niya ay nakalayo na ang tatlong kriminal ay saka na siya nagpakita sa gawi ng sugatang kriminal na ngayon ay tumigil na sa pagpupumiglas nito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nanlaki naman ang pares ng mata ng nasaning sugatang kriminal nang makita nito ang balot na balot na nilalang na siyang nakalaban nila kani-kanina lamang.

Nakita niya kung paano lumipad ang isang ordinaryong espada papunta sa kaniyang gawi. Kung tatama ito sa kaniya ay siguradong mas lalala ang lagay niya or worst ay mapaslang na siya ng tuluyan.

Napapikit na lamang ito lalo na at gaya ng iba, handa na siyang tanggapin ang kapalaran niyang mapaslang siya ng nilalang na papunta sa gawi nito, ready to slice him off.

Sa hindi niya inaasahan ay wala siyang naramdamang sakit ng katawan o may tumusok na matulis na bagay sa kahit sanag parte ng katawan nito.

Napadilat siya ng mata niya nang maramdaman nito ang pagkaluwag ng tali na nakapulupot sa katawan niya.

Nakita niyang lumilipad lamang ang nilalang na balot na balot ng tela ang katawan maging ang mukha nito. Pansin niyang walang killing intent na lumalabas sa katawan nito as if he don't seem to be like the usual him being their opponent earlier.

Nilagpasan lamang siya nito na animo'y hindi man lang siya nito nakilala eh alam niyang hindi din masyadong matagal ang paghaharap nila kanina pero nagtataka talaga siya.

"Sandali, bakit di mo ko pinaslang? Hindi mo ba ko nare-recognize? Ako ang nakalaban mo kanina. Bakit di mo ko labanan ngayon?!" Puno ng katanungang sambit ng lalaking kriminal na sugatan. Nagtataka talaga siya kung bakit parang nilagpasan lamang siya nito at mukhang wala pang balak na labanan niya. Hindi niya rin nakuha kung bakit nito sinira ang napakatibay na baging na nakapulupot kanina sa kaniya.

Napahinto naman sa paglipad ang batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing magsasalita talaga ang nilalang na ito ng bulgaran.

"Sa lagay mong yan ay mukhang hindi ka na makakapanlaban sa akin. Though you're being prank, hindi ko naman ugaling labanan ang nilalang na sugatan. Kanina pa ko dito nanonood at mukhang hindi ka naman masamang nilalang. Pwede ka namang magbago o baguhin ang buhay mo at magsimulang muli" Simpleng sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi pa rin nito inilalantad ang katauhan nito. Gusto niyang ipahiwatig ang pagkahabag niya rito. Hindi naman kasi lahat ng nakukulong ay kriminal at di lahat ng kriminal ay kriminal din ang pag-iisip o ugaling pumatay na lamang.

Mistulang nagulat naman ang lalaking kriminal na ngayon ay tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Nakaramdam din siya ng awa sa kaniyang sarili. Indeed, he is being too good for a criminal.

Mabilis na ibinato ng batang si Li Xiaolong ang isang supot patungo sa kinaroroonan ng nakatayong sugatang lalaking binansagan sa pagiging kriminal.

Kumalansing pa ito ngunit nang pulutin niya ang nasabing supot ay nagualt na lamang siya ng wala na ang nilalang na nakalaban niya kanina.

Nang mahawakan pa lamang ng lalaking sugatan ang nasabing supot ay ramdam niya ang bigat nito at tila may laman ito.

Nang masuri niya ang nilalaman ng supot ay saka siya nagulat sa kaniyang sariling nalaman.

"500 gold coins?! Totoo ba to?!" Puno ng pagkamangha at gulat ang naramdaman ng lalaking sugatan ng mapansin nito nag nasabing halaga ng salaping nasa isang supot na nilaglag ng nakalaban niyang nilalang.

Nagkakahalaga ito ng 50, 000 silver coins o 5 milyon bronze coins. This is really too much. Napakahirap nga ng buhay dito sa Swamp Dungeon at ang pagkakaroon ng isang piraso ng gintong barya ay masasabing malaking halaga na iyon.

Hindi naman tanga ang lalaking sugatan kung ano ang ibig sabihin ng nasabing kalaban niya. Hindi niya aakalaing kung sino pa ang ginawan siya ng masama ay ito pa ang magbibigay ng kabutihan na pakiramdam niya ay hindi niya deserve. This is unexpected lalo na at hindi naman siga nag-eexpect nito.

"Maraming salamat kung sino ka man. Sa tulong nito, I could really change my life and start a new life. Di ko sasayangin ang pagkakataong ito." Puno ng sensiridad at pagpapasalamat na wika ng lalaking sugatan.

Napangiti pa siya nang makita niya ang dalawang uri ng healing pellet na maaari niyang magamit to make himself relieved to what kind of pain and sufferings he endure from his body.

Agad niyang inayos ang sarili niya upang gamutin and planning to quit being a criminal at simulan ng ayusin ang buhay niya. Nalungkot naman siya ng hindi man lang niya personal na napasalamatan ang naging kalaban niyang binigyan pa siya ng malaking halaga ng salapi. Isa din kasi ang salapi sa pinoproblema niya. Even if he plans to quit noon ay mayroon pa rin talaga siyang problemang pinansyal.

Kaya ngayon he will definitely strive hard to make a living. Gagawin niyang instrumento ang kabutihang ito upang maging mabuting tao at magbagong buhay na. Ayaw niya ring tumandang binata noh. It is really nice to meet an opponent who is really generous. Kung maaari nga ay makita niya pa ito sa hinaharap para personal na magpasalamat.

Agad na niyang sinimulang lisanin ang lugar na ito ng Swamp Dungeon. This place is dangerous. Ayaw niyang masayang ang bagong oportunidad na ito upang magbagong buhay noh.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 5] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon