Prologue

18 4 3
                                    

Third Person's Pov

Naglalaro si zehra ng life after na online game tapos ilang sandali palang ay naramdaman niya agad ang pagiging boring sa bahay niya dahil mag isa lang siya. Biglang napaisip si zehra kung ano nga ba ang pakiramdam na maging malaya sa naranasan na masama sa buhay.

Ilang sandali ng pagmumuni-muni at katahimikan nabasag ito ng dumating ang kanyang matalik na kaibigan, si akasha o kilala bilang si shasha.

" Oh bakit naparito ka? Anong sadya mo sha?" gulat na tanong ni zehra kay akasha na feel at home na humiga sa kama niya. Hindi man lang niya naramdaman na nakapasok na ito sa bahay niya, sabagay may duplicate key pala ito.

" Bakit? Bawal ba pumunta dito? Matalik mo ako na kaibigan malamang pupunta ako dito. Isa pa, bakit ka ba araw araw na gulat? Eh halos araw araw naman akong pumupunta dito at kaonti nalang lilipat na talaga dito" patawang sabu ni akasha habang nakatingin kay zehra.

Bumuntong hininga naman si zehra at kinuha na lamang ang phone at naglaro ulit habang continue parin sa pagsasalita si Akasha.

" Ano ba kase nakukuha mo diyan sa paglalaro mo zeh?" tanong ni akasha na nakaupo na sa kama at nakatitig kay zehra na naglalaro.

Habang tutok ang mata ni zehra sa paglalaro sinagot niya naman si akasha." Dito lang kase ako marunong makipag communicate sa ibang tao. Marami akong nakikilala na players dito".

" Gusto mo bang mamatay dito? Halos hindi kana masinagan ng araw tapos parang di ka naman ata kumakain ng maayos kase buong araw ka nalang naglalaro.. bakit kaya hindi nalang ang cellphone mo ang kainin mo?" sabi ni akasha at tumayo para agawin ang phone ni zehra. Ng makuha ni akasha ay napamura si zehra.

" Ulul ka talaga! In game pa ako! Sipain kaya kita palabas" reklamo ni zehra habang masama ang tingin sa kaibigan.

Ngumuso naman si akasha." Sisipain mo ako? Ang ganda ganda ko tapos sisipain lang? Aba mali yun" reklamo din niya.

" Ganda yarn? San banda ba? Sa paa? O.... sa pwet?" nang aasar na tanong ni zehra. Hindi naman maipinta ang mukha ni akasha sa narinig.

" Ito naman! Parang hindi matalik na kaibigan! Walang kasupport support.. tell me pinaglihi ka ba sa tigre? Kasi lagi ka nalang galit. Lahat ng biro ko sineseryoso mo.. pano nalang pag may ibang tao na nagbiro sayo na halikan mo ede gagawin mo?" puno ng reklamong sabi ni akasha kay zehra na hindi narin maipinta ang mukha.

Bakit nga naman kase nabanggit ang halik? Mukha bang makakatikim siya ng halik?

" Kung ako sayo sha, tumahimik kana. Yang bibig mo parang pwet ng manok putak ng putak" inis na sabi ni zehra sa kaibigan at naglakad papalabas sa kwarto niya. Hinabol naman siya ng kaibigan niyang makulit habang papunta siya sa living room.

Pagdating doon ay ini on ni zehra ang tv at nilakasan ang volume para hindi marinig boses ni akasha.

" Alam mo ba..... importante to" paseryoso ngunit sa kaloob looban ni akasha ay isang malaking kalokohan lang naiisip niyang sabihin.

Mabilis naman na napukaw niya atensyon mi zehra kaya hininaan nito ang volume at hinarap siya. Napangisi naman siya ng pasekreto.

" Ano ba yun?" takang tanong ni zehra. Huminga naman siya ng malalim at kunwareng problemado.

" Zehra..... bakit?... bakit??..." pacurios na sabi ni akasha. And zehra as the oh so called tigre ay napikon.

" Putanginamo! Bakit ba puro ka bakit?! Straight to the point gaga!" pikon na sigaw ni zehra. Naitaas naman ni akasha ang kamay niya." Chill! Ito na nga eh!".

" So... bakit?.....Bakit ang ganda ko?" mangiyak ngiyak na tanong ni akasha sa kaibigan.

Para namang hihimatayin si zehra sa kaibigan. Puro nalang kalokohan ang nasa isip." Kaloka to! Parang timang to! Lagi nalang sabog ang utak.. tell me nagdrodroga kaba teh?".

" Grabe ka naman sakin! Pinapatawa ka lang eh!" nguso ni akasha kay zehra. Napahinga nalang ng malalim si zehra at napailing.

Ilang sandali pa lang ay nagtanong uli si akasha." Labs, wala ka ba talagang balak lumabas dito? Sobrang ganda mo kaya pero mas maganda ako tapos maayos attitude mo pero mas maayos ako. Tapos mayaman ka pa pero sige na nga mas mayaman ka" sabi ni akasha.

Napangiwi naman si zehra sa kaibigan." Sabog ka talaga eh. Feeling ko talaga nag aadik kana nahihiya ka lang sabihin... alam naba yan ni tita? Hala ka papaluin ka nun sa pwet at ibibitay sa puno tapos lalagyan ng karatula ng wag tularan nag aadik ito" pang aasar ni zehra sa kaibigan na malapit ng maglupasay sa sahig dahil sa narinig.

" Zehra naman eh! Parang tanga to. Di mo ba alam? Alpha kid ako no!" mayabang na sabi ni akasha. " Mali ka sha, bagay sayo bonak kid. Gets mo? Kung hindi sige layas na punta kang neptune dun ka bagay" pang uuyam ni zehra sa kaibigan.

" Feel ko may sama ka ng loob sakin. Pero feel ko lang ha" nguso ni akasha. " Wag mo ikasama nafefeel ko kase nafefeel ko lang yun"

" Putanginamo sha! Ang gulo gulo mo kausap, pinalaki kabang di sigurado sa buhay? Siguro sila tita di sigurado na ianak ka kase feel nila nafefeel mo" saad ni zehra.

Ilang sandali pa ay nagtanong ulit si akasha." Babae ka ba talaga? Kase i feel na you like me" pabebeng sabi ni akasha.

Nandidiri namang tinignan siya ni zehra." Heck No! Pakyu ka! Kahit siguro maging lalake ako never no!" sigaw ni zehra.

" Nagtatanong lang eh pano ba naman kase everytime na magsasalita ako yung response mo sakin ay super sweet" sarkastikong saad ni akasha.

Napatawa naman ng mahina si zehra sa pagiging sarkastiko ng kaibigan." Alam mo ba sha? Ang sarap mong sakalin pero mas bet kitang patayin" sarkastiko ding saad ni zehra.

Ngumiti naman si akasha." Papatayin mo ba ako sa sarap honey bunch sugar sweetie plum ko?" tanong ni akasha at nagkunwaring kinikilig.

Sa sobrang inis ni zehra ay hinablot niya buhok ni akasha at hinila ito." Putanginamo talaga! Kababuyan mo pati dito dinadala! Halika dito! Papatayin na kita! Teka antayin mo ako!" saad ni zehra at mabilis na binitawan si akasha at tinakbo ang kusina.

" Zehra bff ko! Ano kukunin mo?!" natatakot na sigaw ni akasha habang tumayo.

Ilang sandali pa lumabas na si zehra habang dala dala ang kutsilyo na matalim at ipinakita kay akasha.

Nanlake naman mata ni akasha at tinanong kaibigan niya." Zehra labs? Magluluto kaba? Diba?"

" Oo meron! Pero kailangan ko munang katayin! Sa totoo nga lang nakatingin siya sakin ngayon, babae sya na feeling sobrang ganda.. alam mo ba pangalan niya?" tanong ni zehra habang hawak hawak ang kutsilyo.

Napalunok naman ng laway si akasha at kinabahan." S-Sino?" utal niyang tanong.

Ngumisi naman si zehra." IKAW!" sigaw nito at sinugod si akasha kaya kumaripas ito ng takbo papunta sa labas at hanggang umabot sa gate pero di na siya naabutan ni zehra.

" Sa miyerkules ulit labs! Patay patayan tayo! Ikaw yung killer ako biktima! Btw, hahanapan kita sugar fafi ha mwa!" sigaw nitong paalam.

" Putanginamo! Wag kana bumalik! Baka sa susunod na uuwi ka sainyo pugot na ulo mo!" sigaw ni zehra.


Nakita naman niyang parang baliw na tumakbo kaibigan niya kaya napangisi siya sa tuwa.

" Uto uto talaga... tanga pa yan adik talaga. Shabu pa more" tawa niyang bulong at mabilis ng pumasok sa bahay dahil nakitang nagsilabasan nga chismosa niyang kapitbahay.


" Gago! Miyerkules ulit pupunta ang punyemas na yun? Lord naman" reklamo niya bago ginawa ang mga dapat gagawin niya hanggang sa matapos ang araw na ito.

The Last Night With HimWhere stories live. Discover now