Bulan

2 0 0
                                    

“Maraming salamat, Mayari. Dahil sa’yo, maganda ang naging bunga ng aming pangingisda,” ani Dakila. Inilapag nito ang hitik na salakab at iniabot ang isang maliit at maputing bulaklak sa dalaga. “Isang Sampagita.” Lubos ang galak ni Mayari at waring kukunin na ang mahalimuyak na bulaklak nang dumating ang ina niyang si Bengi.

“Mayari. halina’t magtatakip-silim na.” Matalim itong tumingin sa binatang si Dakila na agad namang yumuko. “Opo inang,” sagot nito sa ina. Malamlam ang tingin ni Mayari kay Dakila at walang salitang nagpaalam sila sa isa’t-isa.

Nang makauwi na ang mag-ina ay ipinakita nito ang yamot sa kaniyang mukha. “Hindi ba’t batid mong labag sa aking kagustuhan ang pagiging malapit mo kay Dakila? Hindi ka halintulad ng ibang mga bayi.” Pangaral niya habang nag-hahatag ng kanilang hapunan.

“Inang, tanging pagkakaibigan lamang ang tingin namin ni Dakila sa isa’t-isa.” Pagpapaliwanag ng dalaga habang dinaragdagan niya ang panggatong sa batong pugon na tanging nagbibigay init at liwanag sa kanilang munting tirahan.

“Hindi ang iyong pagtingin kay Dakila ang aking inaalala kundi ang kaniyang pagtingin sa’yo,” sambit ni Bengi. Batid ni Mayari ang inusad ng kaniyang ina. Maraming kalalakihan ang nais sumuyo kay Mayari dahil sa kaniyang angking kagandahan at karisma.


BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon