Bulan

0 0 0
                                    

Napuno ng panaghoy ang baler ng mga balian. Nagsimulang magngalit ang madilim na langit. Nakihapis ang mga kabata niyang sina Dakila  na nabibilang sa mga mandirigma at si Liway. Ilang sandali pa ay dumulog ito sa kinauupuan ni Apo Danum. "Apo, batid ba ninyo ang nais ipagtapat ng aking inang?" Tango lamang ang naisagot ni Apo Danum.

Nanungaw ang babaylan at nagtapat. "Bago ka isilang ng iyong inang, siya ay nagluwal ng isang sanggol. Hindi pa man nakakapiling ng iyong inang ang sanggol ay kinuha na ito ng iyong amang. Ganoon din ang nangyari sa ikalawang sanggol. Kaya naman ikinubli ng iyong inang ang pag-dadalantao niya sa'yo," saad ni Apo Danum. "Ngunit batid ni Bengi na hindi ka niya maikukubli ng habang panahon kaya siya'y tumiplas at napad-pad sa aming puod." Nagulat si Mayari sa kaniyang mga nalaman. "Kung kayo'y magsalita, animo'y isang diwata ang aking amang." Hindi nito makapaniwalang tugon.

"Hindi..." At biglang hinawakan nito ang kniyang dibdib. Nanghilakbot ang lahat nang makita si Hukluban na ginamitan ng salamangka si Apo Danum.

"Akala mo ba ay habambuhay kang malilibliban ng enkantong inilagay ninyo sa baler na ito?" Humalakhak si Hukluban habang unti-unting nanghihina ang babaylan.

Nakaramdam ng matinding takot si Mayari at biglang nagliwanag ang kaniyang kaanyuan. "Isang diwata!" Bulalas ni Hukluban na bumaling kay Mayari.

Dahil dito nawala ang salamangka niya kay Apo Danum. Unti-unting lumapit si Hukluban kay Mayari na dinaluhan ni Dakila. Si Apo Danum naman ay tinulungan ng mga babaylan.

"Ngayon lamang kita nasilayan. Ikaw na ba ang nawawalang anak  ni Bathala? Ang diwata ng bulan?" Lalong naging interesado si Hukluban.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" nalito si Mayari sa mga narinig. "Layuan mo siya!" Giit ni Dakila na handang ipagtanggol ang dalaga, ngunit walang laban ang isang mortal sa mga alagad ni Sitan. Sa isang kumpas lamang ay tumalsik si Dakila.

Ginamitan ng mga babaylan ng salamangka si Hukluban upang adyahan si Mayari. Matatalo na nila si Hukluban nang biglang dumating si Manggagaway na nagbigay naman ng karamdaman sa ibang mga babaylan.

Tumumba sina Liway at Dakit na namimilipit. Nasangga naman ni Apo Danum ang salamangka ni Manggagaway. " Malakas ka pa rin talaga Danum," ani Manggagaway.

"Nasa panig ko ang mga gabay, Manggagaway. Lalaban kami," ani Apo Danum na puno ng determinasyon. "At ang diwata ng bulan," ani Mangkukulam at itinuro si Mayari. Ikinagulat ito ni Manggagaway. "Ang nawawalang anak ni Bathala." Ngisi nito.

"Apo Danum, totoo ba ang saysay  ng mga kasamaang ito?" Mantinding pagkagusto ni Mayari na malaman ang totoo. "Totoo. Ito ang nais kong sabihin sa'yo." Pagtatapat nito sa dalaga.

"Kung gayon ay hindi alam ni Bathala na narito ka sa banuang ito?" Pagtataka ni Manggagaway. "Batid ni Bathala ang lahat." Pagsingit ng bagong dating na si Manisilat.

"Batid niya ngunit hindi ka niya sinadya. Hindi siya nagpakilalang iyong amang. Hindi ba Danum?" Mapandustang tingin niya kay Apo Danum.

"Tama ka ngunit dahil lamang..."

"Dahil wala kang halaga sa kaniya." Pagsingit muli ni Manisilat. "Bulaan!" Pagtutol ni Apo Danum. "Siya nga? O sige. Ang iyong kapatid na si Apolaki. Ang magiting na mandirigmang diyos ng araw. Ang mga diwatang sina Tala at Hanan na iniluwal ng iyong inang, mga diwata ng gabi at umaga na gumagabay sa mga manlalakbay, at ikaw na diwata ng bulan. Ano nga ba ang nagagawa mo na hindi pa nagagawa ng iyong mga kapatid?" ani Manisilat.

May naramdamang kurot sa puso si Mayari at naramdaman naman ni Manisilat. "Kaawa-awang diwata. Nilisan na ng inang niyang bulaan, hindi pa kinilala ng kaniyang amang na dasig na ring pumanaw. Isa kang ulilang lubos."

BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon