CHAPTER ONE: The Long Attachment

259 7 5
                                    

First day of school, late na ako nagising kaya nagmamadali. Nagmadali akong maglakad papuntang school. Pagkadating ko, late na late na talaga ako. Umakyat na lang ako mag-isa. Hinanap ko ang room ko. Kabadong-kabado batiin ng mag-isa ang mga tao sa loob ng silid, kaya nakatungo akong bumati sa kanila. Pagkatapos ko bumati ay agad-agad akong lumingon-lingon para maghanap ng bakanteng upuan. Nakakita ako sa bandang likod. Agad akong lumakad ng mabilis at naupo sa likuran. Tinitigan ako ng mga classmates ko na parang natatawa-tawa. Yumuko na lang ako para di na ko mapaisip kung bakit ganun ang reaksyon ng mga classmates ko. Makaraan ang ilang minuto, may dumating, sa backdoor siya pumasok. Maputi, matangkad at cute na lalake. Agad itong bumati ng "Goodmorning" at umupo malapit kung saan ako nakaupo. Tumingin ako sa lalakeng kakadating lang. Napatingin din sa akin ang lalake. Agad akong tumingin sa harapan at nagkunwaring di ako tumingin sa kanya.

Dumating na ang teacher at nakita kaming dalawa sa likod. "Please stand up and introduce yourselves" ang sabi ng adviser namin na si Mrs. Sadiwa. Unang tumayo yung lalake. "My name is Kevin Salcedo. I'm 12 years old." Nagulat ako ng malaman kong 12 years old din yung lalake. Tumayo na ako para magpakilala at umupo na si Kevin. "My name is Chris Delgado. I'm 12 years old." Biglang umingay sa loob ng classroom. Ngumiti si Mrs. Sadiwa at sinabing "Pareho pala kayong 12 years old." Grade 4 lang kami at halos lahat ng kasama namin ay 10 or 11 years old lang. 6am-9am lang ang school hour nun dahil first day. Pagkauwi ko ay napaisip ako dun kay Kevin.

Kinabukasan pagpasok ko pumila ako sa ground floor kasama ang mga babae kong classmates. nakatingin sa akin ang ibang babae. Maputi at mahaba kasi ang buhok ko kaya siguro ako tinitignan. Tumunog na ang bell at nagstart na ang flag ceremony. After nun, umakyat na ang lahat. Late na naman si Kevin nun. Nung kumpleto na kami sa loob ng classroom ay pinatayo kami ni Mrs. Sadiwa. I-aarrange ang seats namin. Alternate ang boys at girls. Pinaupo ako sa 4th row, katabi ang isang lalakeng nagngangalang "Gilbert Ormoc". Nagkakilala kami agad kasi friendly siya. Pinaupo naman si Kevin sa 5th row sa likod ko, katabi nya si "Mjay Cabuhat". Friendly naman sila kaya naging close kami agad.

3rd day of school. Hindi na late si Kevin, maaga na siyang pumasok. Walang late nung araw na yun. Nagsimula ng magpalitan ng teacher. Unang subject nun ay Science, si Mrs. Sadiwa ang teacher. Ang lesson nun ay ang skeletal system. Pinakabisado sa amin ang mga parts ng skeletal system. 6am-12pm na kami that day at yung ibang teacher di muna nagturo, nagpakilala lang. Next day, nagsimula ng magpalitan ng teachers. Nagrecitation kami buti na lang nakasagot ang lahat.

Nagkasakit ako kaya di ako nakapasok ng 3 araw. Pagkapasok ko nung thursday, kabado ako dahil for sure madami akong nalagpasan na lessons. Kinausap ako ni Mrs. Sadiwa. After nya ko kausapin ay pinaupo na nya ako.

Kinalabit ako ni Kevin at nagtanong "Uy! Bakit ka absent ng 3 araw?"

"Nagkasakit kasi ako eh."

After namin mag-usap, kumuha si Kevin ng papel at nanahimik. Humarap na ko sa blackboard. Recess time, kinausap ako ni Gilbert .

"Alam mo ba nung absent ka, hinahanap ka ni Kevin at Mjay?"

"Ewan. Di ko alam"

Matagal din kaming nag-uusap nun tungkol sa mga nangyari nung absent ako. Malapit ng mag-uwian. Kinalabit ako ni Kevin.

"Chris! May bibigay ako sayo." masayang sabi ni Kevin.

"Ano yun?"

"Ano.. Umh.. Ito oh.." Pinakita ni Kevin sa akin ang hawak nya. Isang paper puppet. Ngumiti ako at kukunin na sana ang puppet sa kamay ni Kevin. Ngunit di binigay ni Kevin. Ginamit ni Kevin yung puppet gamit ang kamay nya.

"Wag ka na ulit aabsent ah!"

Natawa na lang ako at sumagot ng "Opo". Binigay ni Kevin ang puppet sa akin at nagthank you ako. Agad kong tinago ang puppet sa bag ko. Nag ring na ang bell at pinalabas na kami ni Mrs. Sadiwa. Dumaan muna ako sa 7-eleven para bumili ng slurpee. Nakaupo ako sa loob ng bigla kong makita sina Kevin at Mjay. Bumili din sila ng slurpee. Nakita ako ni Mjay at kinalabit si Kevin at tinuro ako. Nginitian ako ni Mjay at Kevin. Palabas na ako at kumaway at nagpaalam na kina Mjay at Kevin.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon