CHAPTER FOUR: The Informal Separation

24 0 0
                                    

Nag o-overthink na talaga ako sa coldness nya. Ayoko naman sya tawagan kasi baka busy, ayoko mang istorbo. Tinext ko na lang sya kasi di ko din kaya itanong sa call.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, wala ako idea. Sabihin mo lang kung ano problema, I'll try to understand."

*Send.*

Hindi sya nagreply.

Hayy ewan ko talaga. Alam mo yung feeling na baka may bago na sya.

"No! Stop overthinking!" sabi ko sa sarili ko.

10pm na nun. Hindi talaga sya nagreply. Natulog na lang ako kasi pagod na din ako sa kakaisip.

*Ring~ ring~*

*Open isang mata, tingin sa phone*

12am something na.

Tumatawag si Kevin.

"Hello."

"Chris."

"Ano?"

"Ayoko na."

Pagkasabi nya nun alam ko na. Alam ko na ibig nyang sabihin. Pero nagtanong pa rin ako para sure.

"Ano? Anong ayaw mo na?"

"Pwede friends na lang tayo?"

Yung narinig ko yun from him, wala na talaga ako ibang maisip or masabi sa kanya. Pinipigil ko na lang na umiyak kasi baka marinig nya. As in tahimik na lang ako from that moment.

"Hey. What do you think?"

Hindi ko na talaga kaya pigilin yung iyak ko kaya binabaan ko na lang sya para di nya malaman na sobrang sakit talaga.

Di na ako nakatulog nun.

Ang sama nya. Midnight pa talaga sya tumawag para lang makipag-break.

Di ako nagrereply sa mga texts nya and di ko din sinasagot calls nya.

Sobra sakit talaga, di ko pa sya kaya kausapin.

Then after siguro 3 days tinawagan ko na sya kasi gusto ko linawin lahat-lahat. Pero out of reach lagi. Tapos kahit text ko di sya nagrereply.

So nag PM na ako sa kanya through facebook.

"Hey. Bakit di kita macontact? Hindi ka din nagrereply."

Di sya online that time kaya nag offline muna ako para gumawa ng homeworks.

Mga 11pm na sya nagreply nun.

Maaga pa pasok ko kinabukasan pero hinintay ko talaga sya mag online para matapos na mga iniisip ko.

"Nakalimutan mo ba na pinapatay ko phone ko pag nagcha-charge? :(( sorry na. :)"

Oo nakalimutan ko nga yun..

"Friends na lang ba talaga?"

Alam ko ang tanga ng tanong ko haha. Ang weird ko talaga. Alam ko na yung sagot pero nagtatanong pa rin ako, well ganun talaga tayo. Tanga when it comes to love.

"Chris, yun na lang talaga maibibigay ko sayo. Ang pagiging magkaibigan natin."

Bigla na lang ako naiyak. Pinipigil ko naman pero masakit talaga. Di ko kaya pigilin na.

"Okay, sige." yun na lang talaga nareply ko sa kanya. Mind blocked ako eh.

"Galit ka ba?" reply nya sa akin.

Hindi na ako nagreply. Di ko naman din alam isasagot ko.

Then after what happened to us. Di na kami nag usap. No communication. In-unfriend ko sya sa facebook nun haha pero di ko maalala kung bakit.

Break na kami pero di formal yung break up namin hahaha di talaga eh. Kaya ako asa-asa pa rin na baka mamiss nya ako or baka gusto nya ulit ako maging girlfriend.  HAHAHA sorry yun talaga nasa isip ko nun.

Pero wala eh. Di na nga kami nagkikita or nagkakausap so wala na. Pero yung feeling "umaasa" nandun pa rin. Hindi talaga nawala.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon