Prologue II

45 5 0
                                    

Prologue II

Sa buong biyahe sakay ng bus ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumulala. Mahirap para sa akin na paniwalaang, eto na, nangyayari na nga ito. Wala nang atrasan pa.

Mahaba ang biyahe at sa kabuuan nito ay lutang lamang ako. Mga bandang ala una ng tanghali nang makarating ako sa aking destinasyon. Pagkababa sa sinakyang bus ay agad akong nagtanong-tanong tungkol sa address na ibinigay sa akin ni Leigh.

Sa huli ay sumakay ako ng taxi. Ipinagpapasalamat ko na lamang ang paminsan-minsang paghinto ng taxi dahil sa traffic. Kahit papaano ay naiibsan nito ang unti-unting paglamon ng kaba sa dibdib ko.

Halos tatlumpong minuto rin ang itinagal ng biyahe dahil sa trapiko at nang tuluyang huminto ang taxi sa labas ng isang malaking gate ng subdivision ay agad na nabuhay ang kabang pilit kong ipinagsasawalang-bahala.

"Papasok po ba tayo?" tanong ng driver na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ah, hindi na po. Dito na lang po ako. Salamat."

Naisip ko kasing nakakahiya kung magtataxi pa ako papasok tapos hindi ko naman pala alam kung saan ako dapat hihinto. Isa pa, baka rin bawal magpapasok ng sasakyan na hindi sa mga taga nakatira mismo rito. Mas mabuti siguro kung hahanapin ko na lang ng mag-isa iyong bahay.

Nang makapasok at mapagbuksan ng guwardiya ay agaran kong napagtanto na baka abutin ako ng hapon kakahanap ng bahay nila Leigh. Sa sobrang lawak ng mga kabahayan na natatanaw ko, posibleng ganoon nga ang mangyari sa akin.

"Excuse me po. Visitor po kayo?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ang guwardiyang nakamasid sa akin.

"N-no. I live here."

Hindi ko alam pero sa paraan nang pagtingin sa akin ng kaharap ay para bang inuusisa nito kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Hindi nga siguro pangmukhang mayaman ang itsura ko.

"Pwede pong makita ang resident card niyo?"

Resident... what? Mas lalong dumoble ang kaba ko nang marinig ang tanong niyang iyon. Mas okay na lang siguro na maghanap ng bahay buong maghapon kaysa hanapan ng card. Dahil alam kong rumerehistro na sa pagmumukha ko ang panic at gulat, pinilit ko ang sarili na kumalma.

"S-sige po. Teka lang."

Mabilis kong kinalikot ang laman ng shoulder bag ni Leigh at hinanap ang wallet nito. Pagkabukas ay bumungad sa akin ang samut-sari nitong cards. Inisa-isa ko ang mga ito, nagbabakasakaling mahanap ang resident card na tinutukoy ng guwardiya. Kaya naman, nang makita ito'y muntik na akong mapatalon sa labis na pagkagalak.

"Here it is."

Inabot ko ito sa guard na agad naman nitong pinagmasdan. Pabalik-balik ang tingin nito sa card at sa mukha ko na tila ba diskumpiyado pa rin sa akin. Rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na kaunti na lang ata ay para bang kakawala na ito. Huminahon lamang ito nang ngumisi ang kaharap.

"Pasensya na po, ma'am. Bago pa lang po kasi ako rito. Gusto niyo po tawagan ko ang residence niyo para masundo po kayo?"

"A-ah, hindi na po. Ayos lang. Salamat na lang po."

May itatanong pa sana ang guwardiya nang makarinig kami ng busina mula sa isang sasakyan. Nabaling ang tingin naming dalawa roon sa ngayo'y nakahinto nang sasakyan sa harapan namin. Ilang sandali pa ay bumaba ang bintana sa backseat ng sasakyan at bumungad ang isang may katandaang ginang na nakangiti.

"Ma'am Leigh, pauwi na po kayo?"

Bahagya pa akong nagulat at nag-loading. I don't know her, but she called me Leigh. Ibig sabihin kilala niya si Leigh. Lihim akong nagpasalamat at nakahinga ng maluwag dahil dito. Alam kong dapat hindi dapat magtiwala sa kung sino-sino na hindi kakilala pero alam ko ring sa ngayon ay wala akong ibang option kung hindi ang magtiwala.

IntercrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon