03

33 3 0
                                    

Chapter 3

"Seriously, Quinn? You walked out?" Clark hysterically said on the other line.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama bago bumuntong-hininga. Kasalukuyan kaming nagvivideo call tatlo nina Ivy. Kinuwento kasi ni Ivy ang nangyari kanina at ang Clark naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang suminghap nang suminghap.

"Ano ba dapat ang ginawa ko? Eh sa hindi ko siya kayang harapin."

"Why? Nahihiya ka? I mean, I get it. Mahiyain ka naman talaga. The complete opposite of Leigh. Pero why Kiel?"

Napaisip ako sa sinabi ni Clark. Nag-isip ako ng maaaring isagot ngunit wala akong ni isang salita na maapuhap. I looked at Ivy and she was just busily doing her skincare routine. Clark, on the other hand, was just looking at me straight in the eyes.

"Hindi ko alam, Clark. Hindi ko alam. He's just... too much for me."

Natahimik kaming dalawa dahil doon at mukhang napansin ata ni Ivy na wala ng ingay kaya napatingin ito sa screen.

"Pagsabihan mo nga iyan, Clark. Ang sabi ko kailangan niyang i-work out iyang kung ano mang intimidation mayroon siya kay Kiel. Hindi naman kasi pwedeng pabebe siya always sa harapan ni Kiel, 'no. Mahahalata siya nun kung ganoon."

"Ivy..." Clark said, his voice sounded like a soft warning.

"What? Mali ba ko? Tell me I'm wrong," Ivy said in a taunting way. Nawawala nga lang ang pagka-maangas nito dahil sa mukha niyang may sheet mask. May hawak pa itong face roller na pinapadaan-daanan nito sa kanyang mga pisngi.

"Hindi naman sa ganoon. Gets ko naman iyong point mo. Pero kasi this is Quinn we're talking about. Bago sa kanya lahat ng ito. Hindi naman agad agad na makakapag-adjust iyong tao."

"I know. I know. But I'm just saying that Quinn should step-up as soon as possible. Or else, makakahalata iyang si Kiel na ubod sa pagka-observant, and then we'll be doomed." Ivy dramatically reiterated her point with her face roller pointing at all directions.

Napatingin ako kay Clark at tahimik lang din itong nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga ako dahil sa labis na kaguluhan sa aking isip. Why am I even torn in this situation?

"Ano ba dapat ang gawin ko?" nanghihinang saad ko sa kanila.

"Simple lang. You just have to pretend that you have a crush on him," Ivy said it in a "as-a-matter-of-fact" tone. Ngunit agaran akong umiling-iling bilang pagtutol sa sinabi nito.

"It's not that simple, Ivy. Kung sana kasing confident ko iyong kakambal ko, okay pa sana. Pero hindi. Hindi ko kaya. Magtama pa nga lang mga mata namin para na akong hihimatayin," sabi ko, dinaan sa bulong ang huling pangungusap.

"And that is why we should work on summoning your inner Leigh first. Dahil once you get a grasp of it, I'm sure it will be easy na lang for you to go with the flow."

I looked at Clark and just like me he was just silent. I contemplated about what Ivy said. I wanted to protest and say that I don't want to do this, but I know I don't have a choice. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin 'to. Not for myself but for Leigh. Kita ata ni Clark ang kaguluhan na kasalukuyang nakapinta sa mukha ko kaya nagsalita ito.

"Don't worry, Quinn. Tomorrow, I'll be there. We'll figure it out, okay?"

Tumango ako at napangiti sa sinabi nito. When we ended our call, I just laid on my bed with my eyes wide open, staring at the ceiling. I can't help but to overthink about the situation I'm into right now. Dati rati, ang pinoproblema ko lang naman ay kung anong lulutuing ulam para kay inay. Tapos ngayon, ba't parang lumevel up naman bigla.

IntercrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon