04

50 6 3
                                    

Chapter 4

"Quinn, wait!"

Dinig ko ang mga mahihina at madidiing pagtawag sa akin ng dalawa ngunit patuloy ako sa paglakad ng mabilis, walang lingon-lingon. Nang makalayo sa pool area ay doon lang tuluyang humupa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Napahinto ako kaya naabutan ako ni Ivy at Clark.

"What was that? Ba't 'di mo tinuloy?" I looked at Ivy and she has this disappointed look on her face. Napasapo ako sa noo ko at napailing.

"Because that girl offered first. Alangan namang sapawan ko iyong tao."

"I mean, you could have, you know. Leigh could have done that, what you said," Ivy said nonchalantly. Nagpanting ang tainga ko sa narinig at kunot-noong napabaling kay Ivy.

"That's the point, Ivy! Hindi ako si Leigh! I'm not Leigh, okay? Hindi ko kayang gawin iyong mga ginagawa ng kakambal ko kay Kiel simply because I just can't. Pinipilit ko naman pero... hindi. Hindi ko talaga kaya."

Natahimik silang dalawa dahil sa sinabi ko. They both had this apologetic look on their faces. Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata ko. Napalunok ako ngunit agad akong nakaramdam ng yakap. It was Ivy.

"I'm sorry. I'm sorry, Quinn. I'm sorry," she softly whispered on my ear while caressing my back. A tear escaped on my left eye which I immediately wiped off. I don't know why I am getting so emotional all of a sudden.

"Tama na 'yan. Ang aarte niyo," biglang singit ni Clark sabay hawi sa aming dalawa.

Nabatukan tuloy siya ni Ivy kaya napailing na lamang ako. We walked our way on the parking afterwards. Makikisakay na lamang kami ni Ivy kay Clark pauwi. Inside the car, wala sa sarili akong napasimangot ng biglang maalala na bukas na nga pala ang dating ng daddy ni Leigh. Or should I say, tatay namin. Magkahalong kaba at lungkot ang nadarama ko sa kaisipang makikita ko na sa kauna-unahang pagkakataon ang tatay ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakali.

"Quinn, you okay?" Napatingin ako sa harap and saw Clark looking at me through the rear-view mirror. Ivy, sitting on the passenger seat, turn its back to look at me as well. Tumango ako at ngumiti.

"Naalala ko lang ang daddy ni Leigh."

"Which is basically your dad, too. Why? What's with him?" Ivy asked.

"Bukas na ang dating niya galing sa isang business trip. It'll be my first time to meet him in my whole life." Napangisi ako ng mapait pagkatapos sabihin iyon. Ang dalawa nama'y bakas ang kaunting gulat sa mga mukha.

"Really? So hindi mo pa pala siya nameet nung mismong pagdating mo?" Ivy further inquired. Napailing ako habang si Clark naman ngayon ang bumawi ng batok sa kanya.

"Ouch!"

"Gaga. First time niya pa nga lang daw mame-meet bukas 'di ba. Bingi ka ba?" Clark earned a glare from her because of that. Mabilis din namang umayos sa normal ang mukha ni Ivy nang tumingin ito pabalik sa akin.

"You know what, huwag mo ng masyadong isipin 'yan, Quinn. Iyang pagpapanggap mo at kung ano pa man, don't let it bother you too much na lang. Just be yourself. Play pretend if you have to but stay true to yourself pa rin. Don't burden yourself too much."

Napangiti ako sa sinabi ni Ivy at ganoon din naman ito. Tama siya. Sa mga nagdaang araw, masyado kong nilulunod ang sarili ko sa kaisipang kailangan kong maging perpektong Leigh sa harap ng ibang tao. Binuburn out ko na ata masyado ang sarili ko. I need to relax.

"Seriously, girls. This whole situation calls for a shopping spree. What do you think?" Clark said with a playful smirk on his face. Napatingin si Ivy sa kanya and together, they shared a knowing look. Oh, no.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IntercrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon