PROLOGUE

37 3 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, and incidents are either the products of the authors imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, leaving or death, or actual events is purely coincidental.

Please be advice that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for every young audiences. READ AT YOUR OWN RISK!


****


Isang sasakyang tila mo'y nangangarera sa bilis ng pagpapatakbo ang humaharurot sa isang di kilalang libreng daanan. Tila ito'y may tinatakasan.

Pawis na pawis naman ang babaeng nagmamaneho ng sasakyan. Rinig na rinig ang bawat tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib habang hindi naman mapawi ang mga pawis at luha sa kanyang mga mukha. Takot na takot ang kanyang reaksyon na para bang may kung anong masamang mangyayari sa sarili. Seryoso ang kanyang mga mukha na tila may nakitang di maganda habang patuloy na nag-mamaneho ng kanyang sasakyan, ng isang tunog ng pagtawag mula sa kanyang cellphone ang nakagising sa kanyang katauhan.

"H-Hello?" Puno ng kaba nitong sambit. "Hello? Sino 'to? Please sumagot ka! Sino 'to?" Mga sumunod na katagang kanyang sinambit na mas lalo nyang kinaba.

Ibig na nitong putulin ang kanyang koneksyon sa di kilalang tawag ng may biglang nakakakilabot na salita ang narinig nito.

"Amy. Truth or Dare?"

"Alam mo? Kung sino ka man, hindi ka nakakatuwa!" Padabog nitong sagot at agad ng pinutol ang koneksyon.

"Ahhh...!" Daing nito ng biglang sumakit ang kanyang mga tainga dahil sa nakakarinding tunog na ginawa ng kanyang radyo sa kotse.

"Truth or Dare, Amy." Pamilyar at iisang tunog na kanyang narinig sa radyo at cellphone.

"Tigilan mo na ko!!!" Takot na takot na nitong sigaw. Mas lalo nyang ihinarurot ang sasakyan ng umabot sa pinakamataas na metro ng speed ang kanyang kotse.

Ilang minutong nanahimik ang paligid ni Amy kaya't unti unting bumabagal ang kanyang pagpapatakbo ng kanyang kotse hanggang sa makarating sya sa isang maliit na bahayan kung saan may tinigilan syang isang maliit na grocery store.

Puno ng kaba itong bumaba sa sasakyan habang tila mo'y nababaliw dahil sa maya't maya nitong paglingon sa kanyang likuran.

"Magandang tanghali ma'am!" Bati sa kanya ng tinderong nakatayo sa perahan.

Napalingon naman ang lalaki dahil sa lubos na pagtataka kay Amy na kanina pa lingon ng lingon sa labas.

"Eto lang po ba ma'am?" Tanong ng tindero ng maiabot na ni Amy ang basket na puno ng matutulis na bagay at kung ano pang kanyang mga pinamili. "Mukha may camping tayong pupuntahan. Siguradong masaya yan." Patuloy nitong pagsasalita ngunit hindi parin ito kinikibo ni Amy.

"T-Thank you." Nauutal nitong pasasalamat.

"You're welcome!" Nakangiting sambit nito sa kanya.

Patuloy parin ang maya't mayang paglingon ni Amy sa paligid habang papalabas na ng store. Tahimik ang bawat sulok ng tindahan habang may isa pang babaeng mamimili ang dumating sa nasabing tindahan.

"Amy! May nakalimutan ka." Pagpigil sa kanya ng tindero.

Agad itong bumalik sa loob ng store at kinuha ang isang galon ng gas na nakalimutang ilagay sa iba pa nyang pinamili. Nagpatuloy na muli ito sa paglalakad patungo sa labas ng store na parang walang nangyari ng bigla itong kinalibutan sa sinambit ng tindero.

"Amy! May nakalimutan ka."

Katagang ikinatakot ni Amy ng sobra. Kaya't dahan dahan itong lumingon sa pwesto ng tindero ng bigla itong nagpakita ng nakakatakot na ngiti na tila ba mapupunit na ang mga labi sa sobrang pagkahatak nito.

"Truth or Dare? Amy. Truth or Dare?" Paulit-ulit nitong tanong na sobra ng ikinawala sa sarili ni Amy.

"Dare!!"

Biglang nanahimik ang lugar at bumalik na ang lalaki sa kanyang sarili na tila ba hindi alam kung anong nangyari.

"Wahhhh!!!"

Isang babae ilang minuto ang lumipas ang mabilis na nagtatakbo palabas ng store habang nilalamon ang sarili ng isang di mapigil na apoy.

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon