CHAPTER 12

5 2 0
                                    

"Look! Nahanap ko na kung sino yung babae!"

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Naguguluhan nako sa mga ito. Bakit kami nagkakaganito? Anong klaseng tao ba si Zack at nagawa nya samin 'to? Part ng game? Ibig sabihin nakipagtalik sya sakin para hindi mapahamak?

Mabilis kaming umalis ng apartment at nagtungo sa lokasyon kung saan daw makikipagkita si Amy. The girl in the video.

Tahimik lang kaming bumiyahe habang hindi parin pumapasok sa isipan ko kung bakit sumabay ako sa dalawang ito e may sarili naman akong kotse.

Aninag na namin ang isang babaeng tila mo'y kanina pa nag-aabang sa amin sa isang luma at sirang building. Mukha itong nasunog dahil may mga bakas pa ng sunog ang mga pader nito.

Agad kaming bumaba para kausapin si Amy tungkol sa mga nangyayari.

"Salamat at dumating kayo."

Pumasok kami sa loob ng building. Mas malala pa ang itsura nito kesa sa labas.

Pinaupo kami nito sa isang mahabang sofa. Mukhang dito sya nagtatago dahil pinaghahanap na sya ng mga pulis.

"Ano ba'ng nangyayari samin? May alam ka ba tungkol dito?" Paninimula ko.

"W-Wala." Maikling sagot nito. Hindi ito mapakali na tila ba'y takot na takot. Baka dahil takot itong mahuli?

"Sa totoo lang. Kaya ko kayo pinapunta dito dahil nagbabakasakali akong may kasagutan na kayo sa lahat ng nangyari. Kaso parang wala din. Parepareho lang pala tayong naguguluhan." Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang muka. Parang dismayado.

"Ilang araw ka ng nandito at nagtatago?" Tanong ni Vhiolette.

"Apat na linggo na din matapos ang pangyayaring napanood nyo."

"Apat na linggo?" Gulat na sabi ko. "Kailan mo pa nararanasan ang bagay na yun?" Ang may makipag-usap at tanungin ng kung ano-ano.

"Nung araw na yun lang din. Akala ko'y matatakbuhan ko sila. Hindi pala."

"Apat na linggo sa tabing dagat. May kasiyahan doon at doon namin nakilala si Zack." Pagkukwento ko.

"Zack? Sinong Zack?" Nagtatakang tanong ni Amy.

"Sya yung nag aya saming maglaro. Sya ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito."

"Nasa tabing dagat din kami noon ng mga kaibigan ko. Nagpunta kami sa abandonadong bahay ngunit wala kaming Zack na nakalaro ng gabing iyon." Bigla akong nagulat sa mga sinasabi nya. Ibig sabihin. Sakanila nagsimula ang laro at ipinasa sa amin ni Zack. Ngunit sino itong Zack? Bakit alam nya ang tungkol sa game?

"May picture ba kayo nung Zack? Baka sakaling kilala ko sya."

"Wait lang. May picture kami nung gabing lumapit sya sakin." Agad kong pinakita ang litrato namin ni Zack ng mahanap ko iyon.

"H-Hindi yan si Zack, Nathalie. Kaibigan ko yan. Sya si Marcus na nagsimula ng laro. Dahil sa kanya kaya tayo nagkakaganito Nathalie."

M-Marcus? Ano na bang nangyayari? Marcus nga ba ang pangalan ng lalaking iyon at hindi Zack?

"Paano mo nalaman ang pangalan ni Nathalie? Hindi naman kami nagtatawagang tatlo simula pa kanina."

Tinawag ako ni Amy sa pangalan ko? Ba't diko narinig? Mas lalo akong naguluhan ng dumagdag pa ang biglaang tanong ni Edwin. Pano nga nya nalaman ang pangalan ko?

"I. I'm sorry Nathalie." Hindi ko alam kung bakit sya humingi ng tawad. Ang alam ko na lang ay nakarinig ako ng malakas na putok ng baril at bumagsak ako sa sahig.

"Nathalie!" Sigaw ni Vhiolette at agad na nilapitan ang kaibigan.

Nakipag agawan naman si Edwin kay Amy sa baril. Tila ba ayaw magpatalo ni Amy hanggang sa bumagsak na din ito sa sahig habang hawak ni Edwin ang dalawa nitong kamay.

"Tumigil ka Amy!" Pagmamakaawa ni Edwin. Ilang minutong pakikipagtalo ng dalawa ay binaba na nga ni Amy ang baril. Siguro'y utos iyon sa kanya. Palala na ng palala ang mga nangyayari.

*bang!*

Tunog ng baril ng biglang may kumalabit dito. At andoon si Amy. Nakahandusay at nakatingin saking direksyon habang wala ng buhay.

Binaril ang sarili.

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon