CHAPTER 3

12 2 0
                                    

Matapos ang mahabang pag uusap ay sumunod kami sa lalaking kanina lamang namin nakilala upang mag laro ng naisip nitong laro. Isang lugar kung saan may kalayuan sa nagaganap na kasiyahan. Lugar na walang anumang maririnig kundi mga hampas ng alon na galing sa karagatan.

"Ano bang lugar 'to? Safe ba dito? Baka may mga namatay na ditong nag mumulto." Halatang may takot na sambit ni Michael.

"O asan na tapang mo Michael? Kanina puro ka biro. Tapos sa lumang bahay ka lang pala titiklop." Pangungutya ni Jacob.

Hindi ko naman maitatanggi. Pero totoo ang sinabi ni Michael. Mukha itong isang hunted mansion. Isang malaking abandonadong mansyon. Nakakatakot itong pag masdan sa labas dahil sa maitim na nitong kupas na kulay at basag basag na bintana. Mukha kaming nasa isang scene ng horror movie kung saan sa bahay na ito magsisimula ang lahat.

"Halika na. Tapusin nyo na ang pananakot sa sarili nyo at pumasok na tayo. Para makapaglaro." Anyaya ni Edwin.

Agad naman kaming sumunod sa magkasintahang nakaakbay sa isa't isa.

Nakatulala akong nakatitig sa mga kamay ng dalawang ito na ngayo'y gumagapang sa iba't ibang parte ng kanilang mga katawan.

"Halika na Nath." Boses ni Zack na nakapagpagising sakin sa katotohanan.

Nilibot namin ang loob ng mansyon na mas nakakatakot pa pala kesa sa labas nito.

May sofa na luma't sira sira na. May ilaw na kumurap na ang pagsindi. At ang tumpok ng mga kahoy na halatang bagong patay lamang ang apoy na tila ba merong nauna samin dito.

"Ahm... Zack... Marami bang pumupunta sa lugar na to?" Pagtataka't takot kong tanong.

"Bakit Nath?"

"Kasi tinignan mo yung camp fire. Halatang bagong patay lang nya. Mukhang may nauna satin dito." Pagpapaliwanag ko na isinangayunan naman ng mga kaibigan ko.

"Ahh ayan ba?" Sabay turo nito sa bagay na aming pinag uusapan. "Oo. Lagi tong pinupuntahan ng mga tao. Perfect place kasi 'to para mapag-isa or magsama sama ng magtotropa. Tahimik kasi masyado makakapag concentrate ka."

"Iww! Ang baho!!" Gulat na lang naming lahat ng marinig namin ang sigaw ni Vhiolette. "Jacob ano ba?!" Patuloy nitong sigaw habang umiiwas sa isang maliit na garapong may masangsang na amoy na ngayo'y hawak hawak ni Jacob na sya nya namang ipinangtatakot kay Vhiolette.

"Ano yan Jacob? Bakit ang baho naman ng amoy nyan." Tanong ko dito habang takip takip ang aking ilong.

"Hindi ko din alam. Nakita ko lang yan doon, nakatumba." Sagot ni Jacob habang itiruturo ng daliri ang direksyong pinanggalingan ng bagay.

Akin itong kinuhanan ng litrato tulad ng nakasanayan ko sa mga bagong bagay sa'king mata. At sinimulan na ang aming paglalaro.

Aming inumpisahan ng ikutin ang walang lamang bote na agad namang tumapat saking direksyon.

"Nathalie. Truth or Dare?" Pagtatanong ni Jacob na sya namang itinuro ng puwitan o ilalim na bahagi ng bote.

"Truth." Walang alinlangan kong sagot na bigla namang aking ikinakaba ng maalalang si Jacob nga pala ang magtatanong sakin.

"May tinatago ba kayong dalawa ni Edwin samin?" Tanong na ikinagulat naming lahat ng manlalaro.

"Jacob! Magsisimula ka nanaman ba? Hindi ba't napag-usapan na natin 'to?!" Galit na suway ni Vhiolette dito.

"Bakit? May masama ba sa itinanong ko? Laro lang 'to. Wag masyadong maging seryoso!" Tila galit na pagtatanggol nito sa sarili.

"Okay na kayo?" Napatigil ang dalawa sa pag aaway at napukaw naman ang atensyon ng lahat sakin ng bigla akong magsalita.

"Handa naman akong sumagot. Hindi nyo kailangang magtalo na parang mga bata." Pagpapatuloy ko. Nakita kong umirap ang mga mata ni Vhiolette ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Napasama din ng tingin sa akin si Jacob na tila ba may malaki akong kasalanang nagawa. Bakit. Kasal na ba sila? Hanggat walang kasalang nagaganap ay hinding-hindi ko ititigil ang nararamdaman ko para kay Edwin.

"Oo. Meron. May namamagitan saming dalawa ni Edwin. At ayun ay ang pagkakaibigan namin. Kaya kung bibigyan nyo yun ng malisya. Pasensya na pero hindi ako pumapatol sa mga isip bata. Kasalanan nyo na yun kung sa tingin n'yo ay may tinatago kaming relasyong dalawa." Tila nag init ang paligid ng matapos kong sagutin ang katanungang tila ba'y bibitay sa'king katauhan.

Ilang segundong lumipas ay muli na naming pinaikot ang bote na sya namang humarap kay Edwin ang ibabaw ng bote at ang ilalim ay kay Michael.

"Edwin. Truth or Dare?"

"Dare." Walang alinlangan nitong pag sagot.

Ilang minuto ang lumipas matapos na utusan ni Michael si Edwin ay lumabas ito mula sa madilim ka sulok ng bahay na walang anumang kasuotan. Nag tatakbo ito sa gitna ng mga kasama habang takip takip ng kamay ang kanyang nanlalambot na alaga.

Napuno ng kasiyahan ang buong paligid ng mga sandaling iyon at muli na nilang pinaikot ang bote na muli nanamang tumapat sakin.

"Nathalie. Truth or Dare?" Tila ba seryosong pagtatanong ni Zack sa akin.

"Uyy... Anong mukha yan? Bakit bigla kang sumeryoso?" Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ng marinig ko ang tila ba nanlalamig na katanungan sakin ni Zack.

"Truth or Dare, Nathalie." Ulit nito sa pagtatanong.

"Tol may problema ba?" Tanong ni Michael. Nakita ko sa mukha nilang lahat ang pagiging seryoso habang nakatitig sa mukha ni Zack.

"Truth!" Pasigaw kong sagot. Ngunit bakit? Ba't ako sumigaw?

"Hoy! Zack! San ka pupunta?!" Naguguluhan kong tanong ng bigla na lamang itong tumayo at nag balak na umalis sa loob ng lumang bahay na iyon.

"Nathalie. Listen to me. Ano man ang itanong nila wag kang mag sisinungaling. Ano mang ipagawa nila wag kang tatanggi." Tila ba pananakot nitong habilin sa akin.

"Ano bang pinagsasasabi mo Zack? Hindi kita maintindihan!"

"Just say the truth or you will... Die. Do the dare or you will die. And don't ever break the rules!"

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon