CHAPTER 8

11 2 0
                                    

Gabi na ng maisipan ulit naming magtipon-tipon sa kwarto ni Vhiolette. Tatlo pa lamang kaming nandito. Ako, si Nathalie at si Vhiolette. Wala pa sila Jacob at Michael. Lagi namang nangyayari kaya wala kaming magagawa kundi mag intay.

Paniguradong nag punta si Michael sa kaibigan nya. Sinabi nya kasi sakin na inimbitahan sya sa isang bar. Siguro'y andun pa. Habang si Jacob naman. As usual. Tulad parin ng dati. May ka-sex nanaman syang panibagong babae. Halos inaraw araw na nya iyon. Ang makipag momol sa iba't ibang babae. Nagamit naman daw sya ng condom. For protection. Pero hinihiling ko talagang makabuntis sya. Baka sakaling magbago.

"Asan na ang mga yun? Babe, tawagan mo kaya." Utos sakin ni Vhiolette. Halatang inip na inip na. Sinunod ko naman iyon. Hindi sumasagot si Michael kaya sinubukan ko muna kay Jacob. Tatlong beses ko syang tinawagan bago ito sumagot.

"Papunta na! Wait lang may ginagawa lang ako." Agad na sambit nya mula sa kabilang linya.

"Baby. Ano na? Matagal kapa ba dyan?" Singit ng isang babaeng ikinagulat ko. Gaya nga ng sinabi ko. May kamomol nanaman ang gago.

Agad ko ng pinutol ang linya kong kumokonekta kay Jacob. Pilit naming hinintay ang pag dating ng dalawa kahit nakakainip.

Ilang oras ang nakalipas ng dumating na nga si Jacob. Humahangos. Hinahabol ang hininga.

"S-Si Michael. Wala na!" Anunsyo nito ng makapasok ng kwarto ni Vhiolette. Hindi kami makapaniwala ngunit may pruweba. Kumakalat ang video nya kung paano sya namatay sa loob ng pinuntahan nyang mini bar.

"Ahhhh!!!" Sigawan ng mga tao sa loob ng bar ng maapakan ni Michael ang isang matigas na bola na ginagamit sa billiard.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa reaksyon ng dalawang babaeng kasama namin sa loob. Takot na takot silang pareho habang kita ko naman ang mabilis na pag agos ng mga luha sa mata ni Vhiolette.

"A-Ano yun? Ano'ng nangyari? W-Wala na si Michael? W-Wala na s-sya." Mas lalong lumakas ang mga luha na lumalabas sa kanyang mata.

"Sabi ko naman sa inyo. Tungkol ito sa game!" Paninimula ni Nath.

"Putang inang game yan! Ayan ka nanaman sa walang kakwenta-kwentang larong sinasabi mo!" Tila biglang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi ni Jacob. Babae ang kausap nya. Babae ang dinuduro nya. Babae si Nathalie. Babae.

Pinigilan ko ang aking sarili na hindi makapanakit at pinakinggan na lamang si Nathalie sa pagpapaliwanag nito.

"Totoo ang sinasabi ko sa inyo. Kung gusto nyong maligtas. Please lang. Maniwala kayo sakin. Ayokong may mawala pa sa mga kaibigan ko." Halata ko sa kanya ang panghihina. Mukha syang seryoso kaya unti-unti na kong napapaniwala sa mga salita nito. "Ayoko na. Please lang. Hindi ko na kakayanin kapag may nawala pa'ng isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko kakayanin." Nag ragasa ang kanyang mga luha habang pilit itong tinutuyo gamit ang kamay ngunit wala itong tigil sa pag agos.

"Maliligtas ako kahit hindi makinig sa walang kwentang paliwanag mo!" Huling sambit nito bago lumabas ng kwarto.

"Jacob!" Sigaw ko. Sinundan ko ito sa paglabas ngunit hindi ko na sya naabutan. Agad itong nakaalis sakay sa kanyang itim na SUV.

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa para tawagan si Jacob. Ngunit hindi nya ito sinasagot. Halos di na mabilang kung gaanong kadami ko itong tinawagan ngunit lahat ng ito ay hindi nya sinasagot.

Ilang minutong pag mumuni sa labas ay naisipan ko ng pumasok ng may biglang tumawag sa'king pangalan.

"Edwin." Pabulong na tawag nito. Napatingin ako sa paligid ngunit walang kahit na sino ang naroon.

"Edwin!" Palakas na ng palakas ang pagtawag nito. Hinanap ko ito sa buong paligid. Nilibot ko at pinuntahan ang bawat iskinita ngunit wala akong nakitang tao.

Naisipan ko ng bumalik ng wala na kong marinig na tumatawag. Napadaan ako sa isang pader na puro vandal. May mga calligraphy dito na nakaagaw sakin ng pansin.

"Truth or dare." Basa ko dito. Bigla akong nakaramdam ng kilabot kaya't nilagpasan ko na lamang ito hanggang sa makakita muli ako.

"Edwin. Truth or Dare???"

Hindi ko ulit ito pinansin at nag patuloy sa pag lalakad. Ilang sigundo itong natahimik hanggang sa nakaramdam ako ng sakit sa braso.

"Ahhh!! Shit! Ahhh!" Agad kong tiningnan ang aking braso na ngayo'y namamaga at tila mo may namumuo sa balat kong ito.

"Ahhh! Fuck! Ahhh! Shhittt! Ahhh!"

"Dare!!!"

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon