Chapter 2

1.4K 53 5
                                    

Chapter 2: Zadi's Pov

"Ito na ba 'yung principal's office?"

Hindi ko na sinagot ng tanong ni Shira at basta nalang binuksan ang pinto.

"Zadi!"

"W-where's the manners?!"

Hinanap ko ang boses na halatang may inis ang tono.

"I'm here! I'm here!"

Nagulat ako nang makita siya sa ibaba ng table at nakahawak sa balakang niya.

"Principal?"

Hindi siguro siya 'to. Masiyadong bata ang hitsura ng isang 'to.

"I'm Nazzer Phyre Vander. Yes, i'm the school principal. Got a problem with that?"

Nangunot ang noo ko sa pagsusungit niya. Nakatingin ito saakin ng masama habang nakahawak pa rin sa balakang niya.

"Hindi po halata eh." sabi ko at ngumiti. "Kami pala 'yung transfer students."

"Yeah yeah, i know. You are Zadrielle Ailray D. Sylvestre? Am i right? The twin of Arkhailes Raxus D. Sylvestre?"

Sumama ang timpla ng mukha ko nang marinig ang pangalan na iyon kaya sumingit na ang mga kaibigan ko.

"Siya nga po!"

"Oh, it seems like you're in war with him huh?"

Malakas pa itong humalakhak at umiling-iling.

"We're here to know what is our Class section, Mr. Principal." sabi ko at nangasim ang mukha niya.

"Just call me Nazzer. Iyan lang ang tawag saakin ng Class T."

Nangunot ang noo ko. "Class T?"

Tumango siya at ngumisi. "Hm, magtanong nalang kayo kung saan ang Class T. Sila na ang magdadala sainyo ro'n."

"Okay Mazzer, thank you!" sigaw ko at nauna nang lumabas.

"Nazzer 'yon! Woy!"

Hindi na namin siya pinakinggan at naghanap na ng student na puwedeng mapagtanungan.

"Hey, wait!"

Napatingin ako kay Mayi nang harangin niya ang isang nagmamadaling student kaya lumapit na kami ro'n.

"Alam mo ba kung nasaan ang Class T?" tanong ko.

Nanlaki ang mata nito at mabilis na tumango.

"Dalhin mo kami ro'n." sabi ko.

Hindi siya nagsalita at sinenyasan nalang kami na sumunod sakaniya.

“Malayo pa ba iyon?” tanong ni Shira.

“Ah, doon 'yun sa lumang gymnasium nitong Vander. May dalawa kasing Class ang nakahiwalay sa building ng mga high school. At yun ay ang Class T na hinahanap niyo at ang Class N na isang buwang suspended. Ang Class T ay located sa lumang gymanasium at ang Class N ay located sa lumang hall. Magkatabi lang ang dalawa pero hindi rin naman sobrang magkalapit.”

Nangunot ang noo namin.

“Bakit naman nakahiwalay ang dalawang class na iyon?” tanong ni Marph.

Nagkibit balikat ito. “Ayaw nila sa building ng mga high school eh. Tsaka puro gulo lang ang ginagawa nila kaya pinagbigyan silang ihiwalay nalang ang class nila. Apo din kasi ng may-ari at kapatid ng principal ang isa sa mga nandoon sa Class T.”

“Sino namang sila?” tanong ko.

Tumingin siya saakin. “Malalaman niyo rin kapag nandoon na kayo. Puwede namang sila nalang ang tanungin ninyo eh. Yun nga lang ay kung magkakasundo-sundo kayo.” pinal na aniya kaya hindi na kami nag tanong.

Class T BoundariesWhere stories live. Discover now