Chapter 5

970 54 3
                                    

Chapter 5: Zadi's Pov

Napakamot ako sa aking ulo nang mahuli ng mata ko ang mapanuring tingin ni mom at dad.

“Wrong timing, Zadrielle. Your abuelo and abuela are here.” Medyo dismayadong wika ni mommy.

“Sorry po.. ”

“Ilang beses ba kaming dapat na bilinan ka, anak? The last time i check, sinabi mo saaming susubukan mong umiwas sa kahit na anong gulo. Then there you are, suspended.”

Yumuko lang ako dahil tama naman siya.

“Asawa ko, kumalma ka.. ” alo sakaniya ni daddy.

“Paano ako kakalma kung gumagawa ng bagay na ikapapahamak niya ang anak natin?”

“Mommy.. ”

Tinitigan niya lang ako at hinawakan si daddy sa balikat.

“By now, alam na nina mama at papa na nandirito ka kaya sumunod ka saamin.”

“Ayaw ko.. ”

“Zadrielle,” may pagbabanta sa tinig ni daddy kaya sumunod nalang ako.

Habang paakyat kami sa hagdanan ay hindi ko maiwasang kabahan. Alam ko kung ano ang kayang gawin ng lola at lolo ko.

Gusto kong pigilan si daddy sa pagbukas ng pinto pero hindi puwede. Nang tuluyan kaming makapasok ay nagulat ako sa aking nakita. May hawak na samurai si lolo at matalim akong tinitigan.

“Ano itong nabalitaan namin, apo?”

“Hindi po ako ang nauna, abuelo. Niligtas ko lang naman 'yung kasama ko kanina.”

Sarkastiko itong tumawa. “Hindi ka super hero, kung iyon ang inaakala mo.”

“Hindi ko naman po inakalang super hero ako eh.”

Sinamaan niya ako ng tingin kaya iniyuko ko na lamang ang ulo ko.

“It would be better kung iiwanan niyo muna ang anak niyo rito, huwag kayong mag-alala dahil hindi naman namin piprituhin ang anak ninyo.”

Tinignan muna ako ni mommy at daddy bago sila tuluyang lumabas. Napanguso nalang ako dahil mukhang nagtatampo si mommy.

“Ayaw na naming ipadala ka pa sa kahit na anong bansa, Zadrielle. Kahit saan ka naman ilugar ay gulo ang humahabol sa iyo. Ikaw naman itong humaharap pa rin. Mulat ang mata namin ng iyong abuelo na hindi ikaw ang nauuna, pero sa ugaling mayroon ka, apo, napapalaki mo ang isang napakaliit na apoy. Sawa na rin kami na sermonan ka nang semonan lalo pa't mukhang hindi mo naman kami pinakikinggan. Ngayon, mayroon na lamang kaming isang hiling sa iyo.. ”

“Ano po iyon?” nagtatakang tanong ko.

Si abuelo ang sumagot pero sumingit muna ako. “Puwede po bang ibaba niyo muna iyang samurai na hawak niyo?” medyo kabadong tanong ko.

Natawa silang dalawa kaya sumimangot ako. Naiiling na ibinalik niya ito sa dingding kung saan nakapuwesto.

“Maaari na ba akong magsalita, Zadrielle, apo?” nagpatuloy ito nang ngumiti lamang ako. “Gusto kong bantayan mo ang taong ito.. ”

Nangunot ang noo ko at kinuha ang isang kulay kayumangging envelope. Binuksan ko ito at mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko.

“Nakuha namin ang lahat ng impormasyon tungkol sakaniya at nalaman naming kaklase mo siya.” bumuntong hininga pa ito. “Gusto naming bantayan mo ang iyong pinsan.”

“P-pinsan?”

Yumuko si abuelo at minasahe ang tungki ng kaniyang ilong at tila problemado.

“Ngayon lamang kami nakakuha ng totoong impormasyon tungkol sakaniya, hija.. kung naaalala mong ikinukwento namin sa iyo noon ang kambal ng daddy mo, si Punk Sultarez ang kaniyang nawawalang anak.. ”

Class T BoundariesWhere stories live. Discover now