Chapter 4

1K 56 12
                                    

Chapter 4: Zadi's Pov

Nakaupo ako rito sa isang mahabang couch, katabi si Maddy at Punk. Katapat naman namin 'yung grupo no'ng weird witch na masama ang tingin saamin, lalo na saakin!

Nginisihan ko siya na halata namang ikinainis niya.

"Bitch." bulong niya.

Tinaas ko lang ang kilay ko bilang pagsang-ayon sakaniya. Natutuwa ako na naaasar ko siya. She's freak yet she's funny.

"Weird witch." bulong ko rin.

Napatayo siya at akma akong lalapitan nang may mabilis na kamay ang pumigil sakaniya.

"Dare."

Kaagad akong napatingin sakaniya at nagulat. "Grey.. " mahinang sabi ko.

Napatingin siya saakin at sa kabuoan ko. "Sinaktan ka ba ng mga 'to?" masama ang timplang tanong nito saakin.

"No.. " sagot ko.

Padarag niyang binitawan si Lany the weird witch at sinamaan ito ng tingin. Lumipat siya kung saan ang puwesto namin at tumayo sa gilid ko nang dumating ang principal.

Si Nazzer.

"Ikaw ba ang guardian ni Ms. Sylvestre?" tanong nito at tinitigan si Grey.

Umiling naman ito. "Butler niya ako, principal."

Gulat man pero tumango si Nazzer at kinunutan ako ng noo. Palihim ko lang siyang binelatan kaya palihim niya rin akong sinamaan ng tingin na ikinatawa ko lang.

Gulat na tumingin saakin si Punk. "Akala ko ba Datsumi ka?"

Hindi ko siya sinagot at nagbingi-bingihan.

"Punk, she's the twin sister of your friend, Arkhailes."

Ang gulat sa mata ng mga naririto ay kitang-kita, maliban kay Grey na parang walang pakialam. Nginisihan ko si Lany the witch nang mapatingin ito saakin.

"Don't mention it, Principal." naaasar kong ani pero tumawa lang ito.

Napatingin kami sa pinto nang malakas na kumalabog ito.

"What is it again this time, Lany?!"

Nagulat ako nang sampalin si witch nang babaeng kadarating lang.

"Ate.. "

Oh, so magkapatid sila? Mukhang dito rin nag-aaral ang ate niya kung ganoon.

"Huwag mo ako tawaging ate, Lany! Hindi na kita kilala! Gusto mo ba talaga na ipinapahiya ako sa mga kaibigan ko?! Kapatid pa talaga ni Lazathrielle at Zarean!"

Mas nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ni ate at kuya. Oh, mukhang hindi na siya nag-aaral. Tinignan ko ang kabuuan niya at mukhang isa siya sa nurse ng Vander Hospital.

Tinaasan ako ng kilay ni Punk. "You're denying him.. " sabi niya. Tinutukoy si Arkhailes.

"Wala kang pake." sabi ko at sinamaan niya lang ako ng tingin.

Sunod na pumasok ang mga kapatid ko at ang Class T.

"Punk! Ayos ka lang, man?"

"Bro, napaaway ka raw!"

"Tangina, ito bang mga 'to? Babanatan namin 'to!"

"Tangina niyo, ayos lang ako!" sigaw ni Punk at tumahimik naman sila.

"Nasa office ko kayo kaya limitahan niyo ang mga sinasabi niyo." seryosong singit ni Nazzer. Sus,

Nalipat ang tingin saakin ng buong Class T at sinundan pa nila ng tingin ang dalawang nakatatandang kapatid ko na papalapit saakin.

Class T BoundariesWhere stories live. Discover now