F L A S H B A C K . . . . . . . . .
Kinaumagahan pag gising ko napabalikwas ako sa higaan ng napansin kung wala na sya sa tabi ko.
Baby ??
Tawag ko sa kanya. Napanatag lang ako ng nakita ko syang palabas ng cr, katatapus nya lang maligo.
May lakad ka ?? Tanong ko sa kanya.
A ou, puntahan ko lang si Anne. Sagot nya.
Sama ko. Pangungulit ko sa kanya. Habang nag bibihis sya.
Wag na, magpapasama kasi sya sa mall. Uwi din nman ako agad.
Tok
Tok
Tok..
Dalidali kung pinagbuksan ang kumakatok. Total tapus na din naman syang mag bihis.
Goodmorning po tay. Bungad ko sa kumatok. Alam kung si tatay yon, ang ama ni Lyn.
Ngumiti lang si tatay sakin. Lyn, nak. Usap tayo. Sabi ni tatay sa kanya. Agad namang sumonud si Lyn sa kanyang ama.
Agad kung cnarado ang pinto kasi kanina ko pa napapansin ang pag ilaw ng phone nya na nakapatong sa table kung saan sya nag aayos kanina.
Nagtataka ako kung bakit naka silent yong phone nya. Di naman nya ginagawa tu dati. Di sya nag sa.silent ng phone.
Binuksan ko ito at nakita kung madame syang msg rcv. Buti nalang di pa sya nagpapalit ng pasword sa phone nya.
Isa.isa kung nabasa ang mga tex mula sa simula.
A: Babe ingat ka pauwi ha, bkit kasi ayaw mung magpahatid pa sakin.
L: wag na babe mapapagud ka lang, isapa magkikita naman tayo bukas diba ??
A: ou babe. Hai nako nakakamis ka.
L: namimiss din naman kita ei
A: nakayaka lang ako dito sa unan ko babe, iniisip kong ikaw tu. :)
L: sige lang babe, bawi lang tayo bukas ok ?? Bahay nako, aftr ko mag halfbath tulog nako kaya matulog ka na din ok ?? Muah, iloveyou babe ko.
A: cgi babe, magkita nalang tayo sa dreamland. Namimiss ko na lips mo, humanda ka tlaga sakin bukas.
-----------
L: goodmorning babe ko, gisng na po ako
L: wake up kna babe maliligo nako
L: babe ?? Tapus nakong maligo. Mag.aayus nalang po ako.
L: babe ??
L: babe ??
A: babe kakagicng ko lang po
A: goodmorning babe, iloveyou
A: babe maliligo lang po ako ha, c you later.
A: babe ?? Manunuod talaga tayo movie ?? Gusto po kita ma solo.
A: babe ??
A: san kana babe ?? Byahe na po ako.
Hindi ko na natapus ang pagbabasa, para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Di ako nakagalaw agad sa kinatatayuan ko.
May msg si Anne ang bestfrnd nya. Binasa ko ito.
Anne: best galing dito si Khen, hinahanap ka pero sabi ko di ko alam nasan ka. Magkasama padin ba kayo ni Alvin ??
L: best goodmorning, pag nagtx si Khen magtatanong kung magkasama tayo sbihn mong ou ha, magkikita kc kmi ni alvin.
Anne: sige best.enjoy :)
Nag.uunahang pumatak ang aking mga luha. Di ako maka paniwala s mga nangyayare.
Biglang bumukas ang pinto, nakita ni Lyn na hawak ko padin ang phone nya. Khen, bat hawak mo ya. Di ko sya nilingon.
Lyn bakit ?? Kulang paba 'ko ?? Akala ko ba magbabago kana. At sya pala kasama mo sa mga araw na di ka umuuwi dito. Tumutulo padin ang luha ko habang pasigaw na nagsasalita.
Ano ka Khen, marinig ka ni papa. Sambit nya.
Ang sakit Lyn, ang sakit.sakit. mas mabuti pang cnampal.sampal mo ko kisa ganto ung ginawa mo. Akala ko ba ok na, akala ko ba di muna uulitin, kala ko ba tapus na tayo sa ganyan ?? Pero ano to ?? Dati habang tayo di ko alam jowa mo pala yong kaklase mong lalaki. Mas pinili mo pa sya kisa sa akin. Ng pinakawalan kita hinayaan mo lang ako. Pero nong iwan ka nya ng nalaman nyang may ka leave in kang tomboy bumalik ka din sakin diba ?? Bumalik ka dahil sabe mo na narealized mo na ako pala talaga ang mahal mo. Tinanggap kita kahit alam kong bumalik ka lang dahil iniwan ka nya. Kung di ka nya iniwan babalik ka kaya ?? Hindi diba ??
Iyak lang ako ng iyang pero di ko padin binibitawan ang phone nya. Pilit nyang kinuha sakin ito.
Umalis padin sya kahil ganito na ang stwasyon namin. Umalis ako ng bahay at umuwi samin.
Mag.iisang bwan din akong hindi umuwi sa kanya. Inum dito. Inum don ang ginawa ko. Puro kapalpakan lang ang mga nagawa ko sa trabaho.
Isang araw pumunta sya sa pinagtatrabahuan ko, nabigla ako ng nakita ko sya don. Nakikiusap syang mag.uusap daw kami kya uwi muna ko sa kanila.
At dahil tanga ako umuwi naman ako duon sa kanila. Nag.usap kami, humingi sya ng tawad. Dahil mahal ko tinanggap ko ulit sya pero kpalit nun hindi na sya makikipag communicate sa lalaking un.
Dumating sa point na ako na ang nag rereply doon sa lalaki, naka block na din sya sa fb ni Lyn.
---------------------------- ******************
Sory sa typos.. :)
BINABASA MO ANG
HAPPY DAYS OF LOVE (gxg)
Roman d'amourng nalaman ni khen na niluluko lang xa ni Lyn nag bulag.bulagan lang ito, kahit alam nyang di nya na kya cgi pa din sya ng sige. ng pumunta si Khen sa ibang lugar para mag trabaho pero may makikilala syang ibat.ibang tao, kasama na dito ang taong ma...