Chapter 1

7 4 0
                                    

ROSE

"Hindi naman na kailangan na iyon ang gawing Painting Delia"Sumasakit ang ulo ko kay Delia kasi daw sabi niya "You need to study a new Art"eh sa ayaw kong mag-aral ng panibago dahil sakit lang yan sa ulo total maganda naman ang sales ngayong taon

"Anong hindi kailangan?!Kailangan natin iyon para maging number 1 ang Paint Perfection"May business kasi kami ni Ate Delia na Painting Business since kaming dalawa ay nakatapos ng Fine Arts ako iyong tagapinta tapos siya ang Boss pero parang ako ang Boss dahil ako ang nasusunod.

"Ikaw ba ang may ayaw o si Mark?"Damay talaga si Mark basta ganitong usapan ayaw kasi talaga ni Mark ang kurso ko actually pati pamilya ko dismayado sa napili kong kurso noong kolehiyo dahil mahirap daw ang pinasok ko.

"Ako po ang may ayaw kasi baka hindi siya mag boom!"mukhang kumbinsido naman siya sa sagot ko.Umalis na si Ate Delia at dina bumalik muna sa Paint Perfection kasi ayaw niyang makipagtalo sa akin dahil ako lang din naman ang nanalo sa aming dalawa.

Umiinom lang ako ng Kape ng biglang may nagsalita"Goodmorning World!Goodmorning Philippines,Goodmorning Rosas!"masiglang bati ni Anna sa akin.Napahawak naman ako sa bibig ko napaso ako wala talagang araw na hindi ako napapaso .

"At ano nanaman ang ginagawa mo dito"Napasimangot naman siya medyo harsh kasi kami ni Delia kay Anna minsan ang kulit kasi niya sa sobrang kulit niya may napapahamak minsan pero kahit makulit siya mahal namin ang babaitang ito.

"Bawal na ba ako dito my dear FRIEND!"kung nandito siya siguro nag-away na naman sila ni Hunter pero si Hunter di niya matitiis na mawala si Anna sa paningin niya.Nagpaalam Muna si Delia na umalis.

Napahinga ako ng malalim at tinanong si Anna.

"Nag-away na naman ba kayo ni Hunter?"tanong ko dito.Umiwas lang siya ng tingin sa akin .Lumalabas lang si Anna kung nag-aaway sila ng matindi ni Hunter.

"May alam ka bang matutuluyan?Pwede ba sa bahay niyo nalang ako ni Mark muna"at nagpakyut pa talaga siya alam niya namang hindi ko siya mahindian .She's so precious to us ,She's our treasure.

Hindi muna ako nagsalita inasar ko muna pero kinalaonan umiyak na si Anna"Oy!Bakit ka umiiyak papayag naman ako na makituloy ka sa amin pabor din yun kay Mark "niyakap niya naman ako.

"Ayaw ko na!Hihiwalayan ko na yung mangangaso na iyon !Sobra na siya napuno na ako !lagi nalang siyang may babaeng dala hindi niya ba alam na nasasaktan din ako!Ako iyong asawa pero iba iyong katabi niya sa kama"Humagolhol naman si Anna.Parang nagdalawang-isip naman ako na patuluyin siya baka mag-away ang magkapatid na Hunter at Mark.

"May alam akong matutuluyan doon ka nalang,ako na bahala sa pera alam mo naman pag nalaman ni Hunter na may kinalaman ako tiyak mag-aaway sila ni Mark at baka mag-away din kami ni Mark"Tumango naman siya .Naiintindihan namin ang sitwasyon nila biktima kasi sila ng arrange marriage.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit awang-awa na ako sa kaibigang kong ito masiyahin siya pag kasama namin pero may lungkot pala itong dinadala sa akin niya lang talaga ito binubuhos kasi hindi pwede kay Delia kasi kakampihan ni Delia si Hunter at kapag si Anna nanghingi ng tulong kay Delia tiyak na ibabalik niya ito kay Hunter.

Pinainom ko muna siya ng tubig kinontact ko ang pinsan kong si Brielle sa probinsiya ko muna papatuluyin si Anna malayo kay Hunter walang Hunter na gugulo kay Anna,Ako nalang muna ang haharap sa galit ni Hunter kasalanan din niya naman ang mga ito dapat magpahinga muna si Anna kahit saglit lang.Agad kaming bumiyahe ni Anna papuntang Airport may dala naman na ito na maleta hindi niya na kailangang bumalik sa bahay nila.

"Balita ko may pinapagawa si Delia sayo at hindi mo daw ito gagawin?"tanong nito.Narinig niya siguro ang usapan namin ni Delia.Tumango naman ako 

"Hindi naman sa ayaw ko ang hirap kasing magpinta wala naman akong inspirasyon kulang ako sa inspirasyon"napasimangot naman si Anna sa sinabi ko.Lately kasi busy na si Mark siya lang naman inspirasyon ko bukod sa pamilya ko na tinakwil ako dahil sumuway ako sa kagustuhan nila.

Nakarating na kami sa Airport nagpaalam na si Anna"Mamimiss kita kahit palagi mokong sinusungitan pero mas mabait ka kay Delia"napahalakhak naman ako sa sinabi niya.Kailan kaya sila magkakasundo ulit.

Nagpaalam na si Anna pero sinabihan kong "Don't say goodbye,Just Say see you soon my friend"

Sana makita ko ulit si Anna at sana pag nakita kona siya tunay na iyong mga ngiti niya

Itutuloy....

Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon