Aye guyysss. :) Sorry sa late update. May Division Achievement Test pa ako bukas. Kaya Chapter 5 muna :)
__________________________
** Back to JLU's POV **
Haaay. Eto ako, hawak hawak yung keychain na binigay sa akin nung best friend ko, 6 years ago. Ang tagal na naming hindi nagkita.. ang tagal ko na rin siyang hinintay at hinanap.. Sa kakahanap ko, ayun lang pala siya.. si Mr. Seatmate.
Akalain mo yun, yung super gwapo, super bait, at Heartthrob ng school.
Siya pala yung CHILDHOOD BESTFRIEND ko?
Kaya nga eto ko, sasabihin ko na sa kanya..
mamaya pagkatapos ng FOLK DANCE practice namin..
**KRRRINGG**
Ayy Shyeet.!
12:00 na ako..male-late na pala ako!
Ayun, kumakaripas ako ng takbo.
Sa sobrang kamamadali ko, nilagay ko nalang yung keychain na hawak ko sa bulsa ng bag ko.
Halos di ko pa nga nasara yung zipper eh.
HAAAAAAAAAAAAAY -______________- Naku naman,
Lagi nalang ba ako late? :3
** Sa Classroom **
"Okay Class, 2 days nalang at Field Day na natin, kailangan na natin mag-practice ng Folk dance natin" sabi ni Maam, "Go to your partners. practice on your own" sabay alis nung teacher namin.
Hayy, Kinakabahan na ako, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o hindi?
Teka.. asan ba si Owy? Magpa-practice na kami ah, bakit ngayon pa sa mawawala?
Hinanap ko siya, asan ba siya? Tumingin ako sa paligid. Ayun, may kasama siyang babae, nakatalikod sila </3
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.
"O-owy... Si-sino ba iyang kasama mo? curious lang.. pero deep inside </3
"Hi Bhest, ako to, si Jerely" sagot nung babaeng kasama niya.
W-WHAt? si bestfriend Jerely? Siya yung kasama ni Owy. Mukang nag-eenjoy sila <|3
"Ohh. Bakit parang di ka makapag-salita" sagot ni Owy.
"Ahh.. Teka lang ah, yung partner ko sa Folk dance..pupuntahan ko lang" sabi ni Jerely.
Habang papaalis, sinabi rin niya na.."Hi Owy, mamaya ulit ah"
"Sige, Jerely! Ang saya mo pala kasama!" nakangiting sagot ni Owy.
HAAAY! </3 Biglang tumigil yung mundo ko nun. Bakit yung isang babaeng tinuring ko pang best friend? Siya pa yung mang-aagaw at karibal sa kanya?
"Oh, bakit parang di ka na nakapagsalita?" nakangiting sabi ni Owy. Kinikilig pa ata sa nangyari yung sira-ulo..
"Ahhh.. T-tara na" sabi kong pautal-utal pa.
Habang nagpa-practice kami ng folkdance, may nai-kwento siya sa akin.
"Ang sarap kasama ni Jerely noh?"
"Ang bait bait niya kanina"
"Comfortable ako pag kasama ko siya"
"Ang kulit din niya kausap"
"Sana nga maulit ulit yung convo namin kanina"
AWW! At ang pinakamasakit sa lahat..
"Alam mo, JLU, diba may naikwento ako tungkol sa bestfriend ko dati, sana sya nalang iyon."
BINABASA MO ANG
Heartbeats (Key Chain Story)
Teen FictionSa tingin mo? Isang panaginip na lang ba ang mahanap at makatagpo muli ang iyong BEST FRIEND na nag-migrate sa US? Ano kayang mangyayari kapag nagkatagpo sila at paano titibok ang puso mo para sa kanya! Read, comment & vote :)