Kaputol ng Isang Awit

2 1 0
                                    

Ang mga salitang ito ay kaputol ng isang awit
Para sa iyo na ang 
oras ng paglisan ay nalalapit
Para sa iyo kaibigan kong lubos na minamahal
Minamahal na lubos, lubos na kay tagal.

Ito ay isang awit ng pag-ibig, isang awit ng pamamaalam
Isang awit ng pagbitiw, isang awit na dapat tandaan
Kahit na lumipas man ang panahon at makailang ikot man ang mundo
Kahit huminto man ang oras at ang mga bituin ay lumayo
Kahit umulit man ang mga tadhanang masaklap
At kahit na hindi na tumuyo ang mga luhang iniyak.

Ito ay kaputol ng awit ng ating pagkakaibigan
Kaputol ng awit na magiging alaala na lamang

Kaputol ng awit nating tinatago na lamang sa ating mga puso
Kaputol ng awit ng dalawang tao- ikaw at ako.

Sana sa iyong paglisan ay buksan mo ang iyong mga mata
Sana mamulat ka sa katotohanang minahal kita.
Sana ay malaman mo ang mga emosyong hindi maipakita at masabi
Sana ay tanggapin mo ang mga dahilan sa mga salitang kailangan lamang ng intindi.

Nawa ay sumaya ka sa iyong paglisan
Nawa ay sumaya kang gawin kung ano ang iyong kagustuhan
Nawa ay sumaya ka na hindi na ako kasama
Nawa ay sumaya ka na ang ating pagsasama ay nasa wakas na.

Sa pagsikat ng araw at paglubog nito
Ang mga alaalang ito ay nasa aking isipan at puso
Sa pag-ihip ng hangin at pagbuhos ng ulan
Ako ay narito lamang at nakatingin sa kalangitan
Kasama ang mga alaalang aking binabalikbalikan

Nawa ay pakinggan mo ito at ngayon, paalam
Na dala nitong kaputol ng isang awit, ang aking huling paalam.


©distressedlyfine

distressedlyfine'sWhere stories live. Discover now