Nagkayayaan ang department namin na dumalo sa bahay ni ma'am Sanna. Kaarawan kasi ng mister niya at niyaya kaming lahat na dumalo. Sa malapit na beer house lang kami na may karaoke room para may privacy din kaming taga-sales department.
Hindi pa ako nakakapunta sa isang beer house. Gusto ko mang tumanggi kaya lang ay todo tulak sa akin ng mga may edad na na bihasa sa inuman. Hindi na ako virgin sa inuman dahil nakatikim na ako ng mga alcoholic drinks noong highschool. Pero tumigil din ako dahil hindi ko kaya. Madali akong malasing.
Si Hiro ay kinulit ako na sumama. After namin sa trabaho ay sa beer house agad ang punta namin.
Alas singko palang pero ang daming ng tao sa loob ng beer house. May nireserve na agad na karaoke room si ma'am Sanna at pumasok kami. Ang daming pagkain ang inalok sa amin. Pero bago yun ay sinindihan muna ang kandila na nasa ibabaw ng mocha flavored cake at kinantahan ang asawa ni ma'am ng 'happy birthday'. Hindi ako nakisali sa kanta pero ngumingisi ako kapag may nakakatawa.
Nang hinipan ang kandila ay kumain agad kami. Kumuha si Hiro ng plato para sakin. Linagyan niya ng spaghetti, sliced banana cake, pizza at iba pang pwedeng ilagay sa pinggan ko. Umangal ako sa kanya dahil hindi ko yun mauubos lahat. Pero kinindatan lang ako.
Nanghihinayang ako sa pagkain na hindi ko mauubos. Alam ko na maraming tao ang nagugutom dahil sa crisis ngayon, mahirap naman kung maghanap pa ako ng tao na pagbibigyan ko ng tira kong pagkain lalo na't sa mga dinadaanan ko ay wala akong makita dahil pinapalayas ng mga awtoridad. Sa squatter area sa lugar ko dati ay mayroon. Ang dami nila pero malayo.
"Kain lang Maia. Marami pa do'n oh." Sabi ni Hiro sa tabi ko.
Mariin akong tumanggi. "Ang dami ko pa dito sa plato ko. Hindi ko yata mauubos ito eh." Reklamo ko.
Ngumisi siya. "Ako nalang ang uubos kung ayaw mo. Madali lang naman yan ubusin." Mayabang niyang sabi.
Peke akong ngumiti. Hindi ko nalang iniisip na mabubusog ako agad. Ang nasa isip ko ay dapat maubos ko ang mga pagkain para walang matira. Alam ko na seryoso si Hiro sa sinabi niya at ayokong gawin niya yun. Hindi yun tama para sakin. Umaakto siyang parang boyfriend ko na alam namin pareho na binalaan ko na siya na hindi ako tumatanggap ng manliligaw.
Dahil hindi nakatingin sakin si Hiro ay inisang subo ko yung kalahati ng pizza na kanina ko pa gustong ubusin. Surprisingly, walang natira sa plato ko. Naubos ko lahat ang mga pagkain na linagay ni Hiro. Wala akong ibang choice kung hindi ubusin dahil hindi ayokong pakialamanan ako ni Hiro.
Nagsimula na silang magkantahan. May nag-alok sakin ng microphone pero umiling ako. Hindi rin ako marunong kumanta. Wala akong talent diyan. Pasado alas nuebe na ng mapatingin ako sa orasan sa cellphone ko. Hindi ko yun mabitawan magmula ng kunin ko ito mula sa bag ko. Yung ibang kasamahan namin ay lasing na. Gusto ko ng umuwi dahil inaantok na ako. Gusto ko ng magpahinga sa apartment.
Isang canned beer ang nainom ko dahil inalok sakin. Hindi ko nga naubos yun pero para may maipakita sa kanila na umiinom ay patikim-tikim lang ako. Ayokong malasing dahil walang maghahatid sakin sa apartment. Lalo na at hindi ko pa kabisado ang amoy ng mga kasamahan ko, lalo na si Hiro. Alam ko na may hint siya sakin. Delikado na.
Pagtayo ng isang kasamahan namin na babae ay maingat din akong tumayo. Bitbit ko pa yung canned beer na iniinom ko. Patakbo akong lumabas para hindi nila ako mahabol. Hindi kasi ako nagpaalam, hindi rin naman nagpaalam yung kasamahan namin. Paglabas ko ay nakasakay na siya sa kotse niya. At ako naman na walang kotse ay naglakad ako papunta sa kalsada na maraming dumadaan na sasakyan.
Inangat ko ang kamay ko at pumara ng taxi. Nakahinga ako ng malalim nang makapasok ako. Sinandal ko ang likod ko sa komportable at malambot na pwesto.
"Manong sa Villa Lorencia po." Sab ko sa driver para makauwi ako.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...