Lisa"Magmula ngayon ay dito kana titira, anak." Ang nakangiting saad ni Mam Rachel pagkapasok namin sa loob ng bahay. Hindi lamang ito simpleng bahay dahil napakalaki at napaka aliwas nitong tingnan, lalo na sa loob. Para itong isang palasyo sa sobrang ganda. Sobrang nakakahalina!
"So, what can you say, 'nak?" Ang rinig kong sabi ni Mam Rachel.
Mula sa pagtingin-tingin sa paligid, ay kaagad akong napatingin rito. "P-po?" Hindi ko maintindihan ang wikang binanggit nito.
Ngumite ang Ginang. "Kako, anong masasabe mo, ngayon na narito kana at parte kana na ng aming pamilya?"
Dahil sa sinabing iyon ni Mam Rachel, ay muling nanumbalik sa aking isipan ang buhay na iniwanan ko sa probinsya.
Ako si Lirani Sareth Dimaano. Labing pitong taong gulang. Isa lamang batang palaboy-laboy sa kalsada. Walang mauwian at walang kilalang kamag-anak. Sa murang edad ay namulat na ako sa reyalidad ng buhay, ang mapait na reyalidad. Kung anu-anong mga diskarte ang aking ginawa para lang may mailagay ako sa kumakalam kong sikmura. At oo, isa na duon ay ang pagnanakaw.
Grade two lang ang natapos ko kaya ngayon ay hirap akong makabasa at magbilang. Mahina din ako sa pag-intindi ng wikang Ingles kaya minsan ay napapatanga nalang ako kapag may nagsasalita ng ganuon. Sa madaling salita, bobo at mangmang ako.
Sa panlilimos ko nakilala si Mam Rachel at ang asawa nitong si Ser Zeke. Nasa probinsya sila noon para mamigay ng mga pagkain at damit sa mga nasalanta ng sunog, sa probinsya ng Biliran, ang lugar kung saan ako unang nagkaisip at lumaki.
Mabait silang dalawang mag-asawa kaya mabilis ko silang nakagaanan ng loob. Nalaman nila ang kwento ng aking buhay. Naawa sila at naisipang kupkopin nalang ako. At ito nga, hindi ko kailanman inakala na makakaapak ako rito sa maynila at titira pa sa isang malaking bahay. Napaka suwerte ko.
"... Ito, ito ang magiging kwarto mo, Lisa"
Ilang beses akong napakurap kurap matapos marinig ang boses ni Ser Zeke. Dahil sa aking pagbabalik tanaw, ay nakalimutan kong kasama ko pala ang mag-asawa at kasalukuyan kaming naglilibot sa buong kabahayan.
Nahihiya ko silang nginitian pareho. "Maraming salamat po."
Nilapitan ako ni Mam Rachel at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Makikita ang tuwa sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Napakaganda at napakabait mong bata, iha. Deserved mong maalagaan at magkaroon ng isang kompleto at masayang pamilya. We're so glad that we met you"
Sabay sabay na nagsituluan ang aking mga luha matapos iyong marinig mula kay Mam Rachel. Hindi ko man lubusan na maintindihan ang huli nitong mga sinabe, ay ramdam na ramdam ko ang sensiridad sa kanyang boses. Nakakatuwa lang dahil sa dinami-dami ng mga kabataan sa aming lugar, ay ako ang nabigyan ng pagkakataon na makilala ang makasama sila. Tunay ngang napaka-suwerte ko.
"Maraming salamat po talaga, Mam Rachel, Ser Zeke. Pangako po, tutulong po ako dito sa inyo. Hindi po ako magiging pabigat. Marunong po akong maglaba at-"
Mabilis akong pinutol ni Mam Rachel sa pamamagitan ng masuyo nitong paghawak sa aking pisnge. "Shh, Lisa... Nandito ka hindi para gawin kang katulong o kung ano paman. You're here because we want you and we want to give you a good life... and also, you are now part of the family!" Nangigigil na pinisil ni Mam Rachel ang aking pisnge na bahagya kong ikinangiwe.
"Hi-hindi ko po kayo maintindihan, Mam. Pa-pasensya na po..." Hinging paumanhin ko. Gaya nga ng sinabe ko, mahina ako sa pag-intindi ng wikang Ingles. Tagalog at Bisaya lang ang alam kong lengguwahe.
"Huwag kang mag-alala, Iha. Bukas na bukas din ay ii-enroll ka namin sa Als. May kilala kaming mga Als facilitator na magaling magturo kaya tiwala kami na mabilis kang matututo." Si Ser Zeke.
Tanging pag-ngite nalang ang naitugon ko.
****
Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan, nang biglang may pumasok na isang matangkad at maputing lalake.
Dahil duon ay natigil kami at sabay na tiningnan ang kadarating lang na lalake.
May nakasukbit ditong isang gitara at mariing nakatitig sa akin. Para itong dab boy sa basi sa kanyang ayos.
Teyka, tama na iyong pagkakasabe ko? Dab boy? Ah basta, iyon yung mga lalake na may maangas na porma at parang hangster kung kumilos. Hangster ba o Gangster? Ah basta! Ang hirap talaga maging bobo. Simpleng mga salita lang, hirap pa akong intindihin at unawain.
"Is she the new maid?" Kunot ang mga noo na sabe nito.
Meyd? Iyon ba yung katulong?
"She is not, Son. She's Lisa, your new Sister" si Mam Rachel.
"What the fuck?!"
Nagulat ako sa biglaan nitong pagsigaw na naging dahilan ng pagkahulog ng baso. Nasagi ko.
"Ha-hala! Pasensya na po! Hi-hindi ko po sinasadya" taranta kong saad at kaagad na yumukod upang pulutin ang nakakalat na mga bubog.
"No, Lisa. Hayaan mong ang mga katulong ang maglinis niyan" mabilis na sabi ni Mam Rachel kaya naman napayuko na lamang ako at hindi na gumalaw.
"You've got to be kidding me, Ma. Zira is my only sister, and she's already dead." Mariing saad nung lalake.
Hindi man ako nakatingin, ay ramdam ko ang matatalim nitong mga mata na ngayon ay tumatagos sa aking kaibuturan. Nakaka panghina at nakaka kaba.
"What ever you say, Zaiker. Magmula ngayon ay dito na titira si Lisa. Inampon na namin siya and basically, she's now a part of this family." May awtoridad sa boses na saad ni Ser Zeke.
"Fuck this life!"