Happy Reading Cuties!^_^
~~~
Lucas
EXCITING my office, roaming around, going room to room to check how's my patients doing.
While walking i saw a kid, sa tingin ko mga nasa siyam hanggang labing-dalawang taong gulang pa lang ito. He's struggling on bringing something. Kids like him are not allowed in the hospital, so I assume that he's part of the pedia ward.
"Hey kid, what are you doing?", tinanong ko siya ng makalapit ako sakanya. Nasa may gilid siya ng hallway.
"Hello po Doc, good morning po. Wala naman po, nahihirapan lang po akong dalhin itong laruan."
"Bakit ka narito? Bawal ang mga bata sa ospital."
"Ay hindi po Doc, kasama ko po si mama nandoon po siya oh.", sabay turo niya sa hallway patungong pedia ward. So may assumption was correct, he's under the pedia ward.
"Come on kid, ako na magdadala niyan. Ihahatid na rin kita papunta sa mommy mo."
"Sige po Doc, maraming salamat po"
Kinuha ko ang kanyang laruan at sabay na kaming naglakad patungo sa pedia ward.
Habang naglalakad kami bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. Ang tahimik kasi niya mula kanina tapos ngayon bigla nalang magsasalita.
"Doc, ano pong pangalan niyo?"
Kaya pala panay ang silip niya sa mukha ko.
"I'm Doc Lucas Xzavier Schneider."
Napangiti ako ng biglang napakunot ang kaniyang noo. Bakas ang pagkalito sa mukha.
"Ano po Doc? Lukas Zabyer Sik, paano raw po?"
"Lukas Zabyer Siknayder", pag-ulit ko sa pangalan ko. Dinahan dahan ko na talaga ang pagbigkas.
"Ahhh, siknayder po pala. Eh Doc, Doc Lucas nalang itatawag ko sa inyo. Ang hirap pong banggitin ng apelyido niyo. Samantalang yung akin ang dali lang."
"Ano ba'ng pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa alam ang pangalan mo."
Bigla siyang huminto sa paglalakad at bumitaw sa hawak ko. Ano kayang gagawin nito, tinanong ko lang naman 'yong pangalan niya.
"Magandang umaga Ginoo, ako nga po pala si RV Cruz. Ako po ay sampung taong galang" so I was right.
He's introducing his self like he's on a classroom getting to know his classmates and teachers. He hold my hand again and started to walk towards the ward.
"Taga Cavite po kami. Si nanay po ay nagtatrabaho sa isang karenderya, cook po siya roon. Masarap magluto si Nanay Doc, gusto niyo po ba matikman luto niya?"
"Puwede ba? Baka masyadong busy si Nanay mo at hindi siya makakapagluto para sa akin."
"Hindi po 'yon Doc, ako po bahala sa inyo", sabay kindat niya sa akin.
Habang nagsasalita pa siya napa-isip ako. I'm so lucky to have a very supportive family. Ni hindi kami naghirap dahil sa pinansiyal na gastusin at pangangailangan. I even became a Doctor without a struggle with financial needs.
YOU ARE READING
My Sweet Mistake (On-going)
RandomLucas Xzavier Schneider - a well know doctor in the city because of his upstanding performance in the medical field, a top notcher in the Physician Licensure Examination, the oldest son of Schneider family meets Mister Keidg Vinh McKenly - a CEO of...