CHAPTER 7

279 16 1
                                    

VICE POV:
so eto na nga ang inaantay nyo na maglandian kami ni navarro......pero mukhang hindi mangyayari yon dahil nga sa nangyari kahapon.

6am palang naligo nako dahil namugto ang mata ko kakaiyak kagabi pero naiisip ko parin si....navarro?

Vice:" anne gisingg" at hinampas sya ng unan.
Anne:"Ano ba sis, 7 am palang oh ang excited mo naman" sabi nya habang nakapikit parin
Vice:"t-tulungan moko" nahihiya kong sagot
Anne:"bakit?" At namulat na nga ang mata nya
Vice:"tulungan moko ma- maglinis ng bahay"
Anne:"ikaw ba yan sis? Kailan ka pa naglinis ng bahay?" At naupo sya agad sa kama
Vice:"hindi pwede yung mga helper ko ngayon eh, tsaka mop mop lang naman"
Anne:"kasi ano?, Dadating si Vhong? Yieee" Sabay kinikilig na mukha at tinusok ang tagiliran ko

Vice:"gago" sabay irap at bumaba na sa sala.

Naligo na nga si anne at tinulungan ako magmop,si kim naman ay nasa school na.

10 AM:
STILL VICE POV:

Nasa Sala kmi ni anne nakaupo at nagkekwentuhan nang may narinig kaming kumakatok sa pinto.

Vice:"Sis buksan mo na ung pinto"
Anne:"ikaw na sis, kukunin ko pa yung mga papers at laptop natin" at tumayo na sya para kunin ang mga iyon.

Tumayo nako at binuksan ang pinto na parang kinakabahan.

Vhong: "good morning" sabay ngiti ng maliit at pumasok na sa loob

Mukhang may galit parin nga sya sakin, pero hindi ko parin makakalimutan ang ginawa nya saakin kagabi, That the man i hate offered his shoulders to cry on.
____________

Vice:"so agree ba kayo sa format ng app?"
Anne:"yess ang gandaa sis"
Tumingin naman ako kay Navarro na maiging tinitignan ang format

Vice:"i-ikaw navarro, agree kaba?" At lumingon sya sakin
Vhong:"Vhong nalang itawag mo sakin" at iniwasan ko sya ng tingin.
Vhong:"Oo agree ako, ang galing nyo gumawa ng format" sabay ngiti na parang nahihiya.

......
Anne:"Tara guyss lunch" sigaw ni anne mula sa kitchen

At pumunta na nga kami ni vhong at umupo na sa bar table sa kitchen.

Anne:"eto nga pala padala ni tita may" at inabot saakin ang envelope na maliit.

Vice:"invitation for victory party?" Naguguluhan kong basa
Anne:"sumama ka na sis, sa saturday pa naman yan. Tsaka tandaan mo kung hindi dahil kay tita may hindi ka makakapag-trabaho sa navarro tech company"

Nilingon ko naman si vhong na nagcecellphone habang kumakain sa tabi ni anne.

Vice:"ano ba dapat suot sa party na yan?"
Anne:"Formal mama kaya dapat magshopping na tayo hangga't maaga"

Anne:"bat hindi ba kayo naguusap dalawa?"
Tinignan ko naman si vhong na walang imik habang kumakain.
Anne:"hindi parin ba kayo nagbabati? Para naman kayong bata"
"Sis palit nga tayo ng pwesto"
Tumayo naman si anne at hinila ako patayo, wala akong magagawa at tumabi ako kay Navarro este Vhong.

Ilang minuto lang ng biglang tumayo si vhong...
Vhong:"tapusin ko lang yung approval paper" cold nyang pagkasabi at pumunta na sa sala.

Anne:"LQ ba kayo?" Bulong nya sakin
Vice:"gago" at inubos na nga ang pagkain ko.

Kim:"ateee im homee" rinig kong boses ng kapatid ko.



VHONG POV:
Alam ko na sasabihin nyo na maarte ako, pinunta ko lang naman talaga dito ay TRABAHO kailangan namin manalo, dahil malaking impact to sa first month performance ko at alam kong malaking chance na maexceed ko ang expectations ni mommy.

Papunta nako sa sala at ng bumukas ang pinto ay nakita ko......kapatid ko?

Kim:"ateee im homee" at dumiretso ito sa kitchen kung saan si viceral.

Si teddy na nasa pinto at nagtititigan kami.
Hindi ko alam kung maiinis ako o ano?, kung sasabihin ko bang kapatid ko to o hindi?

Dumating na sila viceral sa sala at alam kong tinititigan nila ako.

Kim:"ayy ate kaibigan ko nga pala si teddy at ryan gagawa kami ng project dito sa bahay, eh mukhang puno na dito dun nalang kami sa lounge sa taas" habang hila hila nya si teddy.

Pero nagtititigan parin kami ng kapatid ko.
Vice:"Vhong bat ganyan ka makatitig sa bata, aawayin mo ba?"
Nawala ang pag titig ko dito ng sumabat tong baklang to, tinitigan lang aawayin na?

Papaakyat na silang tatlo ng tawagin sila ni viceral.
Vice:"umm ryan? Anong apelyido mo"
Ryan:"bang po"
Vice:" ikaw teddy?"
Napalingon naman ako sa hagdanan kung saan nakatayo sila ted
Teddy:"ahh, na-navarro po" proud nya pang sagot.

At napatingin naman sila viceral saakin at ako itong kunwa-kunwaring may sinusulat sa papel.
Gusto kong magmura pero hindi ko magawa, pero bakit ko ba ikakahiya ang kapatid ko?

At umakyat na silang tatlo

Anne:"Vhongskie kapatid mo si teddy?"
Napakamot ako ng ulo at no choice aminin ko nalang.
Vhong:"Oo" cold kong pagkasabi
At ramdam ko na kanina pako tinititigan ni viceral para bakong matutunaw.

__________

Nasa labas na kaming lahat dahil maguuwian na nga, at walang duda gamit nga ni teddy ang kotse ko na mustang.

Papasakay na si teddy sa kotse ko

Vice:"ang ganda naman ng kotse mo teddy"
Teddy:"s-salamat po" at lumingon sya sakin "sige una na po kami, my best kuya, ingat ka ah" at niyakap ako nito

At eto nanaman pinagmamasdan nanaman ako nila viceral.
Ako naman ang susunod na uuwi.

Vhong:"sige ingat kayo, send ko nalang yung mga ibang document"
Papasok nako sa kotse ng bigla akong yakapin ni...

.....anne

Anne:"ingat ka vhongskie" at ningitian ko nalang sya pati si viceral

VICE:"na-navarro" at nilingon ko sya
Vhong: "Vhong po" cold kong pagkasabi at sumakay nako sa kotse.

Oo may sama ng loob parin ako kay viceral at alam ko namang ayaw nyakong makasama sa trabahong to, kaya para sakanya...pag nanalo kami sa deal ni Ms.Leah siguro magreresign nako.
Pero bakit ba para sakanya?
Bakit parang feeling ko may dapat akong patunayan sakanya?

_________
VICE POV:
nanghihinayang ako, hindi ko nasabi ang mga gusto kong sabihin sakanya. Hindi ako nakahingi ng tawad.
Pero bakit parang feeling ko nainggit ako sa yakap nila anne?

Nakaalis na nga si navarro este Vhong, hindi parin talaga ako sanay sa pangalan nya, pag kasi vhong ang nababanggit parang naiinis ako

Vice:"makayakap sis ha"
Anne:"syempre sis, habang nandyan wag mo ng pakawalan..." Napatigil naman ako sa sinabi nya.
Anne:"....yu-yung oppurtunity n-na makayakap ng gwapo, ngayon lang ano ba" tumango tango naman ako.
"Sige na sis uwi nako, tsaka wag mo kakalimutan yung party ha"
Vice:"Oo na" bumeso na ko sakanya at umalis na sya.

Hindi ko parin alam kung anong isusuot ko sa pa-victory party ni Tita May, kailangan Unkabogable ang suotan natin don. Bukas na bukas magshoshopping ako.


AN:
Exciting may inuman 🥴💙💜

Twt and tiktok: Kit_Vhce

The Man I Hate (VHOICE)Where stories live. Discover now