9 PM
VICE POV:
Nandito kami ni anne sa bahay ko para mag-ayos at para sabay na kaming pumunta sa bahay ni tita may.
Si Tita May" ang tinuturing ko na nanay simula ng mamatay si mama, tinulungan nyako sa pag apply ng trabaho sa Navarro tech company, na promote kasi sya bilang Chief Financial officer sa NTC(Navarro tech company) that is why may pa victory party sya, kaya hindi ako pwede na hindi umattend ng party ni tita baka sumama pa ang loob nya sakin.
Anne:"sis nasan na yung dress mo?" tanong nya sakin habang nagmamake-up ako
Vice:"nandyan sa cabinet"
"Wowww naman pang unkabogable ang dress ni mama" sambit ni anne
Vice:"syempre ako pa ba, baka may malandi din tayong boylet don noh" sabay batok sakin ni anne.
Anne:"susss, nandun kaya si vhong?" napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi nya
Vice:"ayunn, bat ba palagi mong hinahanap yung lalaki na yun. Ikaw magkakajowa kana lumalandi ka pa" at pinagpatuloy na ang ginagawa ko
Anne:"hindi pa naman kami ano ba, sa tingin mo ba si erwan na ang para saakin?"
sabay upo sa tabi ko. binaba ko ang brush ko at humarap sakanya.
Vice:"Sis, mabait na tao si erwan feeling ko naman hindi ka sasaktan non. tsaka hello doctor sya mayaman cho-choosy ka pa? pero kung pakiramdam mo na sya na rin ang tinitibok ng puso mo ed go lang. im always happy for you sis" at sabay yakap
kumalas nako sa yakap para kunin ang dress ko para makapagbihis na
Anne:"sis ang tagal mo naman mag bihis, kailangan mo ba ng tulong?"
"eto naman namamadali" sambit ko kay anne
at lumabas na nga ako
Anne:"Pulang-pula naman tong vaklang twoah, at may pa legs ah"
Vice:" syempre dapat lagi tayong handa makipag-bakbakan" sabay kindat
(suot ni vice)
Nandito na kami sa bahay ni tita may at may nakita akong napakagara ng kotse isa itong Mclaren color blackVice:"Sis ang sosyal ng kotse oh picturan mo nga ako" sabay abot ng phone ko kay anne at umupo ako ng bahagya sa kotse dahil nakakahiya naman baka magasgasan ko pa ito pag todo upo ako.
Anne: "tara na sis pasok na tayo"
pagkapasok namin ay parang club pala itong paparty ni tita tiyak na malalasing kami nito, Lord kayo na pong bahala saamin. hinahanap ng mga mata ko si tita may para maibigay ang regalo ko ngunit may isang lalaki na umagaw ng aking atensyon. Matangkad ito at matipuno ang katawan sumasayaw-sayaw sya habang may hawak na baso na puno ng alak.
YOU ARE READING
The Man I Hate (VHOICE)
Romance"Baka kasi ako na yung itinadhana para sayo" Tama ba na sinabi ko yon? Paano kung ako talaga para sakanya? Totoo ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya?