8

13 2 0
                                    

Dedicated to: supahgirllovesblue
Thank you sa pag support. Love yah, mwah

************************************
Nagbukas muna ako ng fb.

John C. Zarzuela
Accept Declined

Siyempre inaccept ko. Pero hindi pa siya naka online kaya pinagpatuloy ko na lang yung pag-aayos ko at pumasok na ko.

"Kim di'ba dati taga section Sapphire ka dati?" tanong ko kay Kim habang kumakain kami kasama si Mary.

"Oo. bakit?" tanong niya at agad bumalik sa kinakain niya. "Kilala mo ba si John Zarzuela?" tanong ko pero parang natawa lang siya kaya kumunot noo ko kahit si Mary ay nagtaka.

"Hahaha.. Siya yung.....ano! hahaha... " Okay? wala akong naintindihan. "Kim. umayos ka nga." sabat ni Mary.

"Hindi... siya kasi yung napahiya ng first day. Introduction kase.. hahahaha" tumawa uli siya ng tumawa. " Nadulas siya habang papunta sa harap." paliwanag niya.

"Ahh.. okay. ang babaw ng kaligayahan mo Kim." sabi ko na naka poker face.

Pabalik na kami ng room ng nasalubong namin siya sa corridor. Grabe iwas naman ni John samin

"Kim mahiyain ba talaga siya?" tumango lang si Kim sakin habang patuloy kaming naglalakad.

Ang lakas ng tama ko kay John. Kahit sa room, lutang pa rin ako kakaisip sa kanya. "Huy Eliana tawag ka ni Maam."

"Huy!" pabulong na tawag sakin ni Trsesean, kaklase ko.

"Miss Mendoza! What is the greatest force on Earth?" tanong ni Maam at sa gulat ko agad ako napatayo at napasabi ng..

"Love" Wahhh! Shit. kahiya. Ayun tawanan sila habang ako namumula na ata sa sobrang kahihiyan.

Buti na lang biglang nag ring ang bell at nagsiuwian na kami.

My First Year College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon